Manny Pacquiao is considering retirement

"Ang isang boksingero, kung iisipin natin, mag-eensayo ng ilang buwan, not less than two months. Sparring every other day. Bugbugan tapos paglaban sa ring, hindi mo pa alam kung mananalo ka o hindi. Hindi mo alam kung mahirap yung fight o madali. Walang kasiguraduhan," says Manny Pacquiao.


Nagpahiwatig na ng pagreretiro sa boxing ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Ito ang kanyang paulit-ulit na sinabi nang makapanayam siya kaninang umaga, March 22, sa early morning program ng GMA-7 na Unang Hirit, ilang minuto pagkatapos lumapag sa Centennial Airport ng eroplano na sinakyan niya mula sa Los Angeles, California.

Nagbitaw ng salita si Manny na walang katiyakan ang paghaharap nila ng American boxer na si Floyd Mayweather Jr. sa boxing ring dahil iniisip na niya ang pagreretiro.

"Depende. Walang usapan...puwedeng hindi na umabot doon. Puwede na akong mag-announce ng retirement. Mag-uusap kami ng pamilya ko.

"Hindi pa pinag-uusapan kasi may fight pa si Mayweather sa May 2 [against Shane Mosley], pero, siyempre, nirerespeto ko rin ang pakiusap ng magulang ko, ng mama ko [Dionisia Pacquiao]. Nagmakaawa siya sa akin. Kung kinailangan niya na lumuhod, luluhod siya para huminto na ako sa boksing.

"Mabigat 'yan... Daraan sa masusing pagmumuni-muni, pag-uusap," pahayag ni Manny.

Noong March 14 ay tinalo ni Manny si Joshua Clottey via unanimous decision sa kanilang laban na umabot ng 12 rounds.

NO TO BOXING. Nang mapag-usapan ang mga pangarap ng kanyang tatlong anak, sinabi ni Manny na hindi ito papayag na maging boxer ang dalawang anak na lalake na sina Jemuel at Michael.

"Mahirap maging boksingero. Hindi biro yung pagiging boksingero," sabi niya. "Suwerte lang ako dahil talagang pinagpala ako ng Mahal na Panginoon.

"Ang isang boksingero, kung iisipin natin, mag-eensayo ng ilang buwan, not less than two months. Sparring every other day. Bugbugan tapos paglaban sa ring, hindi mo pa alam kung mananalo ka o hindi. Hindi mo alam kung mahirap yung fight o madali. Walang kasiguraduhan."

AFTER THE STORM. Kasama ni Manny na dumating sa Centennial Airport kaninang umaga ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao. Base sa kanilang mga kilos, nalampasan nila ang mga pagsubok sa pagsasama nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Manny, nalampasan nila ni Jinkee ang mga intriga dahil sa madalas na pagdarasal. "Dasal lang, tapos iga-guide ka ng Panginoon kung ano ang dapat gawin," sabi ni Manny.

PACMAN'S ITINERARY. Mula sa airport ay dumiretso si Manny sa New World Hotel sa Makati para mag-almusal at magpahinga na rin kahit sandali.

Pagkatapos nito ay sinimulan na ni Manny ang mahaba niyang araw. Una na nga rito ang pagbisita niya sa bahay ni dating DENR Secretary at Manila Mayor Lito Atienza sa San Andres, Manila.

Sumunod dito ay ang motorcade niya papuntang Quiapo church para sa isang thanksgiving Mass.

Ang sumunod naman niyang pinuntahan ay ang MalacaƱang para mag-courtesy call kay Pres. Gloria Macapagal-Arroyo.

Pagkatapos nito ay itinuloy na ang motorcade ni Pacquiao mula Plaza Miranda papunta sa mga palengke ng Paco at Sta. Ana.

Ngayong hapon naman ay isang mini concert ang isinasagawa sa Mall of Asia sa Pasay para sa panibagong tagumpay na ito ng Pambansang Kamao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN