Cogie Domingo takes another crack at showbiz

"Siguro kasi, before I started, parang mabilis nangyari lahat. Siyempre sa umpisa, parang laro-laro lang hanggang sa naging daily thing na yung trabaho. Siguro isa rin yun sa mga reason. Hanggang sa hindi ko na naa-identify kung ano ang real world, ano ang showbiz," says Cogie Domingo when asked what he thinks were his mistakes before.


Matagal ding nawala sa sirkulasyon ang aktor na si Cogie Domingo. Sa pagkakatanda nga ni Cogie, ang ilan sa mga huling proyektong nagawa niya ay ang Bakekang at Love to Love sa GMA-7.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cogie sa taping ng showbiz talk show ng TV5 na Juicy, kung saan siya ang naging special guest.

Ayon kay Cogie, habang hindi siya aktibo sa showbiz ay nasa States lang siya at tumutulong sa business ng kanyang pamilya.

"Nasa U.S., sa California, tumutulong ako sa business ng mommy ko, ng family. Bale nagpapadala kami ng mga nurses sa States," sabi niya.

Late last year pa raw siya nandito sa Pilipinas, pero ngayon lang siya parang magsisimulang bumalik muli sa showbiz. Pero bakit mas pinili niyang mawala muna sa limelight noon?

"Well, kailangan ko rin kasi na magpabalik-balik, e. May petition kasi for immigrant. Ngayon nga, kailangan ko ulit bumalik soon, pero hindi naman ako magtatagal dun," nakangiti niyang paliwanag.

Na-miss ba niya ang showbiz?

"Oo naman, na-miss ko," sagot ni Cogie. "Siyempre, nakaka-miss din dito. Iba rin ang ginagawa ko rito. Dun kasi, business-business. It's a different world."

Dahil sa pagge-guest niya sa TV5, senyales na ba ito na dito na siya mapapanood regularly?

"Actually, hindi ko pa po alam," sagot ni Cogie. "Sana...pero mukhang dito ko na nga makikita kung anuman ang puwedeng maging trabaho."

NANGHIHINAYANG. Cogie was considered one of GMA-7's hottest young actors before. He was launched in the critically-acclaimed Joel Lamangan film Deathrow in 2001. Ilan sa mga TV shows na nagawa niya sa Kapuso network ay ang mga sumusunod: Click, Ikaw Lang ang Mamahalin, Kung Mawawala Ka, Joyride, at Darna (2005).

Madalas din siyang mabanggit noon ng mga baguhang young actressess kung sino ang celebrity crush nila o type nilang maka-partner. Pero bigla na lang nawala sa sirkulasyon si Cogie at lumamlam ang kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aware ba siya na marami ang nanghinayang sa kanya?

"Oo...thank you. Actually, isa na ako dun sa mga nanghinayang," pag-amin ni Cogie.

Ano sa tingin niya ang naging pagkakamali niya before?

"Ewan ko... Siguro kasi, before I started, parang mabilis nangyari lahat. Siyempre sa umpisa, parang laro-laro lang hanggang sa naging daily thing na yung trabaho. Siguro isa rin yun sa mga reason. Hanggang sa hindi ko na naa-identify kung ano ang real world, ano ang showbiz. Nawala rin yung pagpasok sa school... So, yun siguro," sabi niya.

Dagdag ni Cogie, "Nakita ko na rin naman ang naging pagkakamali ko nun. Yun nga lang, I learned the hard way lang."

Sa tingin ba niya hindi pa naman huli at kaya pa niyang makipagsabayan sa mga ibang young actors na namamayagpag ngayon na kung tutuusin ay kasabayan lang niya noon?

"Kaya pa naman siguro," nangingiting sabi ng 24-year-old actor. "I mean, nagawa ko naman before, so bakit hindi ko ulit magagawa, di ba? Basta matiyaga lang, masipag lang."

Ano ang nag-udyok sa kanya na magbalik?

"Siyempre, home ko pa rin naman dito sa Pilipinas. Dito rin ako lumaki. Sa showbiz, may opportunity lang din kaya sayang naman kung hahayaan ko lang."

Mas magiging competitive ba siya this time?

"Siguro...siguro masasabi ko na mas magpupursige ako ngayon," sagot ni Cogie.

CONTROVERSIES. Marami ang nag-akala na kaya siya biglang nawala sa sirkulasyon ay dahil sa mga naging isyu sa kanya noon. May tungkol diumano sa drugs at pagkakalulong sa casino.

Paano niya dedepensahan ang sarili sa mga isyung yun?

"Wala naman akong dapat i-defend kasi hindi naman totoo ang mga isyu. Particular na yung sa drugs, casino," sabi ni Cogie.

Would he say na nakasira rin sa kanya ang mga naturang isyu?

"Hindi, hindi ko naramdaman yun," mabilis niyang sagot.

Hindi ba siya naapektuhan sa mga nadikit sa kanyang isyu?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi nakaapekto sa akin or kahit sa pamilya ko. Kilala naman nila ako. Actually, yung isyung pagiging adopted ko raw, mas medyo naapektuhan pa ako kasi pamilya yun. Although, I don't dwell on it kasi alam ko naman ang totoo."

Tinanong din namin si Cogie tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya noon sa isyu ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson at sa dati nitong partner na si Che Tiongson. Pero mabilis na sinabi ni Cogie na ayaw na raw niyang mag-react sa isyung yun.

"Ayoko nang magsalita tungkol dun. Anyway, okey na, okey naman na lahat," iwas niya.

Wala raw siyang lovelife ngayon, although hindi raw mawawala yung may nakikilala siya every now and then.

Na-link din noon si Cogie kay Lovi Poe bago siya mawala habang ang huli naman ay papasok pa lang sa showbiz. Pero consistent mula noon hanggang ngayon si Cogie na hindi sila nagkaroon ng romantic relationship ng young actress-singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN