Eugene Domingo: "Wala namang dahilan para lumaki ang ulo ko."

Comedienne Eugene Domingo will portray the role of Paula in the modern sequel of the classic film Working Girls, which is set to be shown on April 21.


Ipinagtanggol ng komedyanang si Eugene Domingo ang kanyang sarili kaugnay ng intrigang diumano'y lumalaki na ang ulo niya bunga ng mga tagumpay na tinatamasa nito simula nang humataw sa takilya ang launching movie niya na Kimmy Dora noong nakaraang taon.

Bagamat maituturing nang beterano sa industriya si Eugene sa dami ng pelikulang nagawa niya, bukod pa siyempre sa mga television guestings mula nang subukan nitong lumabas sa entablado, naging biggest break ng comedienne ang Kimmy Dora.

Pagkatapos umani ng papuri ang nasabing launching film ni Eugene ay sunud-sunod na rin ang suwerte na dumating sa kanya. Pati nga product endorsements ay napasok na rin ni Eugene.

Sa press conference ng modern sequel ng classic film na Working Girls noong Huwebes, March 18, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City ay pinabulaanan ni Eugene ang naglalabasang balita laban sa kanya.

"Siyempre, hindi mo naman alam kung ano talagang nagiging behavior mo, di ba? Pero so far, sa tingin ko, hindi naman, hindi naman...awa ng Diyos," depensa ni Eugene.

Dagdag niya, "Ako naman ay nakaapak pa sa lupa at wala namang dahilan para lumaki ang ulo ko. At kung sakali man na ako'y makalimot man, di ba, tao lang naman ako. Lumapit kayo at makikinig ako, wala namang problema."

WORKING GIRLS. On the lighter side naman ay sinabi ni Eugene na masayang-masaya siya dahil napili siya para gumanap sa Working Girls. Nagsama-sama ang Unitel Productions, GMA Films, at Viva Films para maisakatuparan ang malaking proyektong ito na idinidirek ni Joey Reyes.

Paula ang pangalan ng role na gagampanan ni Eugene sa nasabing pelikula na ang source of income ay ang paglalako ng fake bags, gamit ang kanyang Multiply site sa Internet. Bagamat kasal na ay matutukso pa rin si Paula na magkaroon ng illicit affair sa kanyang delivery driver na gagampanan ni Ricky Davao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabirong sinabi ni Eugene during the presscon na kung sakaling maglalako nga siya ng mga pekeng bags sa totoong buhay ay ang co-star niyang si Ruffa Gutierrez ang unang-una niyang aalukin.

Maging si Uge (palayaw ni Eugene) ay napatawa sa mabilis na tugon ni Ruffa: "But I don't buy fake!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN