Enchong Dee on leading lady Erich Gonzales: "Hanggang magkaibigan na lang kami."

"Pag nagbi-Bisaya na siya, tapos dire-diretso na, hindi ko naiintindihan, yun na yun. May tantrums na siya. Pero ewan ko lang din. Baka hindi naman. Baka malakas lang ang dating niya pag nagbi-Bisaya siya!" says Enchong Dee about Erich Gonzales.


May balitang lumabas na nag-inarte raw ang young actress na si Erich Gonzales sa pictorial niya para sa isang glossy magazine. Ayon sa report, nagwala raw si Erich dahil hindi nito nagustuhan ang makeup na ginawa sa kanya.

Sinabi rin sa report na may "attitude problem" na raw ngayon si Erich. "Feeling superstar" na raw itong umasta mula nang mabigyan ng chance na magbida sa defunct drama series na Katorse at ngayon ay sa Tanging Yaman.

Si Enchong Dee, na kapareha ni Erich sa Katorse at Tanging Yaman, ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ng dalaga at nali-link din sa kanya. Kaya naman nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Enchong noong Sunday, March 21, sa launching ng isang perfume line ay kinuha namin ang reaksiyon niya sa sinasabing pagwawala ni Erich sa pictorial ng isang magazine at sa biglang paglaki na raw ng ulo nito.

Ayon kay Enchong, magkasama sila ni Erich sa cover ng naturang magazine, pero magkahiwalay silang kinunan sa pictorial. "So, hindi ko alam kung ano yung talagang nangyari. Sa mga interviews ko lang nalalaman na may ganoon palang nangyari," sabi ng young actor.

Pero naniniwala ba siya sa tsismis na ito kay Erich?

"Sa akin naman kasi, ang alam ko, there's always a nice way of saying things, e. Kumbaga, kung about dun sa buhok, sa makeup o kung pagkain, siguro naman puwedeng sabihin yun na 'Ate, puwede namang ganito?' Ewan ko, baka na-misunderstood lang siya."

Samantala, pinabulaanan din ng tinutukoy na magazine sa PEP na may ganung insidente sa pictorial ni Erich.

ERICH'S TANTRUMS. Paano ba mag-tantrum ang isang Erich Gonzales?

"Pag nagbi-Bisaya na siya, tapos dire-diretso na, hindi ko naiintindihan, yun na yun. May tantrums na siya. Pero ewan ko lang din. Baka hindi naman. Baka malakas lang ang dating niya pag nagbi-Bisaya siya!" natatawang sagot ni Enchong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naka-experience na ba siyang matarayan ni Erich?

"Sa akin, hindi pa naman," sagot niya. "Lalo na doon sa Katorse, hindi, e. Wala pa akong natatandaan na isang insidente na natarayan niya ako nung ginagawa namin yung Katorse."

E, sa taping nila ng Tanging Yaman?

"Sa Tanging Yaman, nagkakasama lang kami pag ang eksena namin ay sa school. Kapag hindi sa school ang taping, magkahiwalay kami ng set. Pero so far, hindi pa rin naman niya ako natatarayan," ani Enchong.

JUST FRIENDS. Kumusta na ba sila ni Erich? Papunta na ba sa isang mas malalim na relasyon ang friendship nila?

"Katulad nga ng sinabi ko dati sa presscon, ayaw pa namin. Kasi nga after ng success ng Katorse, andaming inilatag na project para sa amin, na hindi na namin alam kung paano namin gagawin, kung paanong tatapusin. So, sabi namin, kung magiging kami, tapos kunwari ganito, nagkaproblema kami o nag-away kami, baka mamaya maapektuhan pati ang trabaho namin. So kami rin ang magsa-suffer. So, huwag na, hanggang magkaibigan na lang kami. At least pag magkaibigan kami, pareho rin lang naman, napapagsabihan namin yung isa't isa. Nakakapagkulitan kami," sabi ni Enchong.

Dahil magkaibigan lang naman sila, okey lang ba kay Enchong kung may manligaw na iba kay Erich?

"Dahil wala naman kaming commitment, wala kaming pinanghahawakan, so okey lang na magpaligaw siya sa iba," sagot niya.

Pero sa kabila nito ay gusto rin ni Enchong na maging girlfriend si Erich.

"Sa ganda ba naman ng katawan ni Erich, kahit sino, gusto siyang maging girlfriend!" natatawang sabi niya.

NEW MOVIE ACTOR OF THE YEAR NOMINEE. Sa darating na PMPC 26th Star Awards For Movies ay nominado si Enchong as New Movie Actor of the Year para sa pelikula nila ni Erich, Paano Ko Sasabihin, kung saan ay gumanap siya bilang isang pipi. Masaya si Enchong nang makarating sa kanya ang nominasyong nakuha niya mula sa nasabing award-giving body.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga, nung sinabi sa akin na nominated ako sa Star Awards for Movies, kinilabutan ako," sabi niya. "Kasi yun nga, for the first time, it's not about sexiness, it's not about swimming. Kumbaga, na-recognize ka dahil naman sa trabaho mo.

"So, nakakatuwa lang dahil nung ginawa namin yun, low-budget film yun, e, tapos na-recognize pa. Mangiyak-ngiyak nga ako nung ginagawa ko yung sign language. Kasi start from scratch kami, e. Hindi namin talaga alam nung una kung paano namin iti-treat yung movie na yun."


Nagpasalamat din si Enchong sa lahat ng bumubuo ng Star Awards For Movies dahil na-recognize ang akting niya sa nasabing pelikula.

"Thank you lang sa lahat. Nominated lang ako, okey na okey na sa akin. Kung sino man ang mananalo, congratulations," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN