TV host Grace Lee returns to work after snowboarding accident in South Korea

"It was the most painful moment of my life—physically, ha. Ngayong nabalian ako ng kamay, naisip ko na lahat ng parte ng katawan natin ay importante," says Grace Lee about her fractured arm.


Ang dapat sana'y isang masayang bakasyon ay naging pinakamasakit na experience, physically, para sa Diz Iz It co-host na si Grace Lee. Last week kasi ay naaksidente si Grace sa kanyang snowboarding sa South Korea.

A week after the accident, nagbalik na sa bansa si Grace with a fractured left arm. Ikinuwento nga ng Korean TV host sa Showbiz Central kung ano ang nangyari sa kanya.

"Nagbakasyon lang, dapat mga apat na araw lang. Nag-snowboarding ako dun. Matagal na akong nag-i-snowboard... Tapos yung lalake sa likod ko, natumba siya, nadamay ako. So, pagtumba ko, biglang nabali ang left arm ko, so I was fractured.

"Ang mahirap dun, yung ski resort, mga three hours away from Seoul. So, malayo siya. May nag-emergency makeshift ng cast, then I was rushed to the hospital at Seoul. Mga three hours na biyahe yun. Pagdating ko dun, na-emergency na ako. Tapos yun, X-ray and everything and then they found out nga na fractured nga yung elbow ko," kuwento ni Grace.

Matapos ma-examine ang fractured arm ni Grace, natuklasan ng mga doktor sa Seoul na delikado pala ang injury na natamo niya.

"Delikado kasi dito pala nanggagaling yung nerve na gumagalaw sa fingers natin at saka yung joint movement," sabi niya.

Sa ngayon ay under observation pa raw si Grace for surgery. Kailangan daw kasi na maging maayos ang gagawing operation sa kanya dahil natamaan yung pinakamalaking nerve sa arm niya.

Aniya, "Kung hindi magiging maayos ang surgery, puwedeng hindi ko magamit ang kamay ko for the rest of my life."

Ngunit nananatiling positive pa rin si Grace. In fact, gusto na rin niyang magbalik sa shows niya.

"I would like naman to get a local doctor's opinion. Kasi as much as possible, kung pupuwede naman akong gamutin dito ng world-class doctor natin, dito na para hindi na ako pabalik-balik sa Korea kasi ang dami ko rin ginagawa rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm happy kasi pagbalik ko ng Manila, balik-taping na rin ako. Yung first taping ko, ginawa nilang parang 'welcome back Grace Lee,' e, one week lang ako nawala. Pero siyempre, na-feel ko naman yung welcome sa akin ng family ko sa Diz Iz It."

Ano ang plano ngayon ni Grace sa hilig niya sa snowboarding?

"After what happened, siguro mga three years, hinto muna ko. After three years, tingnan natin kung kakayanin ko pa. It was the most painful moment of my life—physically, ha. Ngayong nabalian ako ng kamay, naisip ko na lahat ng parte ng katawan natin ay importante," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN