Jackie Rice dismisses rumors that she's back to her old ways

"Hindi na po ako pasaway. May natutunan na ako sa nangyari sa akin after ng StarStruck 3. I'll turn 20 na po sa April 27, at alam ko na ang mga obligations ko, at naka-focus po ako sa career ko," says Jackie Rice.


Naging usap-usapan noong Final Judgment ng StarStruck V sa Araneta Coliseum last February 21 ang hindi pagsipot ng StarStruck 3 Ultimate Female Survivor na si Jackie Rice. Among the past winners kasi ay si Jackie lang ang wala, puwera na lang siyempre sa Ultimate Sole Survivor ng batch 3 na si Mark Cielo, na pumanaw noong December 2008. May previous commitment daw kasi Jackie kaya hindi siya naka-attend ng Final Judgment.

Kaya ito ang unang itinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Jackie sa taping ng "Tisay," ang susunod na episode ng Dear Friend for the month of April. Ginanap ang taping sa 22nd bar & restaurant ng aktor na si Mon Confiado sa Marcos Highway, Marikina City noong March 23.

Mas importante ba ang previous commitment niya kesa pag-attend ng grand finals ng StarStruck V, na nagsilbi ring reunion ng past winners and Avengers?

"Matagal ko na pong pina-block-off ang February 21 sa schedule ko kasi birthday po 'yon ng brother ko na binigyan ko ng party sa Subic," paliwanag ni Jackie. "Kaya nang sinabi po nila sa akin na kasama ako sa show, nakiusap akong huwag na akong isama dahil nakahanda na 'yong party, hindi ko na puwedeng i-cancel."

Alam ba niyang dahil dito ay nababalitang nagiging pasaway na naman siya?

"Hindi na po ako pasaway," nakangiti niyang sabi. "May natutunan na ako sa nangyari sa akin after ng StarStruck 3. I'll turn 20 na po sa April 27, at alam ko na ang mga obligations ko, at naka-focus po ako sa career ko."

Hindi ba siya nanghinayang na kung nagtuluy-tuloy sana siya after winning StarStruck ay baka malayo na ang narating niya, at baka isa na rin siyang superstar ngayon?

"Naniniwala po ako na hindi pa 'yon ang time ko," sagot ni Jackie. "What's important, nakabalik po ako at may trabaho. Hindi po ako naghahangad na maging superstar. If ever na maabot ko 'yon, bonus na lang po 'yon sa pagsisikap ko sa pagtatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya I'm happy and thankful na kahit mayroon na akong Panday Kids sa primetime, kinuha pa rin nila ako rito sa 'Tisay.' Basta po trabaho, hindi ako nagrereklamo. Like ngayon, nagte-taping na ulit ako ng Panday Kids three times a week. Semi-regular din po ako sa Bubble Gang na Monday naman ang taping namin."


LEADING MEN. Alam ba niyang hindi na si JC de Vera ang katambal niya kundi ang kapwa niya StarStruck graduate na si Paulo Avelino?

"Nagulat nga po ako nang bumalik ako sa taping, wala na si JC," sabi ni Jackie. "Hindi ko po alam na aalis na siya sa show namin at sa GMA Network. Hindi po niya nabanggit noon, at hindi rin siya nakapagpaalam sa akin."

Si Joross Gamboa ang leading man ni Jackie sa "Tisay." Alam ba niyang crush siya ni Joross at bumili pa ito ng copy ng FHM na siya ang cover para mapa-autograph sa kanya kapag nag-taping na sila?

"Talaga po?" nagtatakang tanong ni Jackie. "Wala po kasi siyang nababanggit sa akin noong first taping day namin at wala rin naman siyang dalang copy ng FHM! First time ko pa lang nakilala si Joross at ang bait-bait niya sa akin. Masaya siyang kasama, kabaligtaran ng role namin dito sa 'Tisay' na may pagkaseryoso."

Isang bar girl ang role ni Jackie sa "Tisay."

"Misteryosa po ang character ko. Sa araw, college student ako. Schoolmate kami ni Joross at hindi niya alam na sa gabi, pumapasok ako sa bar. Hindi po naman daring ang role ko rito, tama lamang sa age ko. 'Saka Sunday afternoon po ito ipalalabas after ng Party Pilipinas, kaya hindi puwede na magpaka-daring ako sa eksena," sabi niya.

JACKIE'S BOYFRIEND. Kung noon ay nagde-deny si Jackie na may boyfriend na siya, ngayon ay inamin na niya ito. Ang pangalan ng kanyang boyfriend ay Andrew, na sinasabi noon ni Jackie na ka-date niya kapag free siya sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-meet at nakilala niya si Andrew dahil sa common friends nila. Twenty-five years old law student siya sa isang international school.

Hindi ba nakikialam ang boyfriend niya sa kanyang pagiging artista?

"Hindi po," sagot ni Jackie. "Bago ko siya sinagot, pinag-usapan namin ang trabaho ko, ang oras ko, at hindi raw niya ako pakikialaman. Basta siya sa studies niya, ako sa trabaho ko."

Kailan sila naging official na mag-on ni Andrew?

"Noon pong February 24!" natatawang sabi ni Jackie. "Birthday po niya ng February 27 at naisip kong huwag nang bumili ng gift, 'yon ang ginawa kong birthday gift sa kanya. Kaya po tomorrow [March 24], bale one month na kami."

Biniro si Jackie na ipakita sa mga kaharap niyang press ang picture ng boyfriend niya dahil siguro naman daw ay meron siya nito sa cell phone niya.

"Wala po akong dalang cell phone," palusot niya. "Hindi po ako nagdadala kapag nagti-taping ako. Ayoko po na nagti-take ako ay tutunog ang cell phone, nakaka-distract po 'yon sa trabaho. Ewan ko lang kung dadalaw siya mamaya dito [sa taping]. Bukas hindi rin kami magkikita dahil may taping ako ng Panday Kids."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN