Sam Milby speaks up about Anne Curtis's wardrobe malfunction

"Sana talaga hindi na lang kinalat. Yung isang picture na nakita ko...may nakita akong picture na walang nakatakip. And for me, it's so rude na walang takip kasi it's a public magazine or newspaper," says Sam Milby about the proliferation of Anne Curtis's photo.


Tuwang-tuwa sina Sam Milby at Anne Curtis dahil sa tagumpay ng Star Cinema event na Babe Grand Celebrity Bar Night na ginanap kagabi, March 24, sa Guilly's Island bar and restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Ang event na ito ay bahagi ng promotion para sa pelikula nilang produced by Star Cinema at Viva Films, Babe, I Love You. Ipalalabas itosa April 3, Black Saturday.

Star-studded ang event na dinaluhan ng cast ng movie sa pangunguna nina Sam at Anne, kasama sina Nikki Valdez, Guji Lorenzana, AJ Perez, Megan Young, Kitkat, Nikki Bacolod, at Nina Dolino. Siyempre, nandun din ang direktor na si Mae Cruz.

Present din to show their support ang mga celebrity friends nina Anne at Sam at ng cast: Vice Ganda, Gladys Reyes, Teddy Corpuz of Rocksteddy, Erich Gonzales, Melissa Ricks, Kaye Abad, Lauren Young, Sam Concepcion, Beauty Gonzales, Rica Paras, Yuri Okawa, Janus del Prado, at marami pang iba.

Nagkaroon din ng mini-fashion show kung saan rumampa ang mga models wearing summer outfits. Meron ding song number si Sam with Anne.

BABE, I LOVE YOU. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press si Sam sa VIP area during the event. Hindi nga nito maitago ang excitement na nadarama dahil sa nalalapit na showing ng Babe, I Love You. Ibinalita rin niyang natapos na raw nilang i-shoot ang buong movie.

"I'm really excited. Natapos na namin i-shoot ang movie and I'm excited na ipapalabas na ito. This is special to me because this is my first movie with Anne after our successful teleseryes Maging Sino Ka Man and Dyosa," masayang bungad ni Sam.

Kinakabahan ba siya sa magiging resulta sa takilya ng first movie nila ni Anne?

"Siyempre, kinakabahan kasi first movie namin. Pero I feel confident kasi grabe yung supporters namin, grabe. Yung mga fans, laging pumupunta sa set. Sa Twitter din nagti-Twit na manonood sila. I mean, ever since Maging Sino Ka Man, yung supporters namin nandiyan sila. So, sobra akong nae-excite."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling na sa kabila ng pagiging ex-lovers nila ni Anne ay matindi pa rin ang suporta ng mga fans sa kanilang tandem?

"Siyempre, masarap pa rin yung feeling na kahit friends lang, you know we really have good chemistry. Even if sometimes yung chemistry parang aso't pusa kami, di ba? It still works for the movie. Sobrang happy kami na gumawa nitong movie kasi it's like our relationship," sabi ni Sam.

Nasa Amerika si Sam sa first day of showing ng Babe, I Love You dahil sa Heartthrobs tour nila ni Piolo Pascual doon. Nalulungkot ba siya na hindi niya agad mapapanood ang movie nila?

"Siyempre, medyo malungkot. Pero manonood kaagad ako pagbalik ko. So, I hope na habang nasa States ako, kahit sa Twitter lang yung mga nanood na, iti-Twit nila sa akin na maganda yung movie, happy sila," saad niya.

For the past five years daw during Holy Week ay nasa U.S. talaga si Sam dahil nga sa Heartthrobs tour. At hindi nga naiiba ngayong taon kung kailan nagkataon namang Black Saturday ang showing ng movie nila. Sa katunayan, two hours pagkatapos naming makausap si Sam ay lumipad na nga siya papuntang States.

BLACK OUT INCIDENT IN JAPAN. During the interview, nilinaw naman ni Sam ang lumabas na balita na nag-blackout siya o nawalan ng malay sa isang CR sa Japan noong mag-show sila roon. Aniya, masama lang talaga ang pakiramdam niya noon. (CLICK HERE to read related story.)

"I'm not feeling well. Tapos nasa restaurant kami. And yun nga, I'm not feeling well. Pero hindi naman sa CR na public na madumi ganun. I just sat down. Tapos parang a few seconds and then three to five minutes, talagang ang sakit [ng ulo ko]. Yun lang. Tapos, matagal ako nakaupo," kuwento niya.

Mabuti na nga lang daw at pumunta ng CR ang isang staff ng TFC (The Filipino Channel) kaya't natulungan siyang tumayo. Hindi naman daw siya naospital. Dala lang daw siguro ito ng sobrang pagod at kakulangan ng tulog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi grabe yung sked! Ngayon, actually wala akong tulog. Kahapon hanggang ngayon, walang tulog," sabi ni Sam.

Pero tuluy-tuloy lang daw si Sam sa trabaho niya dahil alam niya na maraming tao siyang napapasaya.

IN DEFENSE OF ANNE. Hindi rin nakaiwas si Sam sa mga tanong tungkol sa controversial photo at video ni Anne kaugnay ng wardrobe malfunction na nangyari sa kanyang suot na swimsuit kung saan lumabas ang bahagi ng kanyang isang dibdib habang nagsasayaw para sa isang number sa ASAP XV noong nasa Boracay sila. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon ni Sam na may mga taong naglabas pa rin ng photo at video ni Anne sa kabila ng pakiusap ng produksiyon ng ASAP XV?

"Sana talaga hindi na lang kinalat. Yung isang picture na nakita ko...may nakita akong picture na walang nakatakip. And for me, it's so rude na walang takip kasi it's a public magazine or newspaper," sabi niya.

May ilan din na nagsasabing promo at publicity lang daw ang pangyayaring ito para sa movie nila ni Anne. Ano ang masasabi niya rito?

"Yung mga iba na nagsasabi na promo ito... I mean, para sa akin, hindi naman...si Anne ito. Hindi naman kailangan ni Anne na magpakita ng skin para mag-promote. And Anne would never do that. At siyempre, it's accidental malfunction sa damit. Yun lang talaga ang nangyari. Huwag sanang mag-isip yung mga tao ng ganyan," saad ni Sam.

Sa tingin niya ba ay kaya ni Anne na i-handle ang kontrobersiyang ito?

"Tanungin n'yo po siya," sagot ni Sam. "Pero ako, alam ko na kaya niya. And it's something na nangyari, I mean, you can't help it."

All out naman daw ang suporta ni Sam para kay Anne kahit saan pa abutin ang usaping ito. Kahit ba umabot ito sa korte nakasuporta pa rin siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit saan. Kahit umabot pa sa korte."

Pero magdedemanda nga ba si Anne?

"You have to ask her. I think, maybe, but I'm not sure. I'm not sure. Siyempre, I think talagang bawal yung ginawa nila. Pero I'm not sure with Anne. Ako, kung ako, I would," sabi ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN