Rainier Castillo leaves GMA-7 for TV5

"Salamat po sa mga Kapuso, na pinagsimulan ko. Alam n'yo po na di po ako nagkulang sa inyo talaga. Kahit nararamdaman ko na minsan napakaliit ng tingin ng ibang mga Kapuso sa akin, mahal ko pa rin po kayo at hindi po mawawala ang utang na loob na yun sa akin," says Rainier Castillo, who has moved to TV5.


Isa nang "Kapatid" ang kauna-unahang StarStruck First Prince na si Rainier Castillo.

"After all the things that have been said and written, especially in PEP (Philippine Entertainment Portal)," as talent manager Noel Ferrer said during the trade launch of TV5 last night, March 25, at the World Trade Center, Rainier is now one of the newest members of the growing family of TV5.

Unang naibalita sa PEP Alerts na lilipat na si Rainier sa TV5. Pero may problema raw sa kontrata nito sa GMA Artist Center (GMAAC), kaya nabalita rin na baka hindi na matuloy ang paglipat niya. Pero nagkaroon ng solusyon at nasagot lahat ng mga katanungan nang ipakilala na nga si Rainier bilang bagong "Kapatid" sa trade launch ng TV5 kagabi.

Pagkatapos ipakilala si Rainier bilang isa sa mga bagong stars ng TV5 ay nilapitan siya agad ng PEP at iba pang entertainment press upang tanungin ang mga detalye ng kanyang paglipat.

"Actually kasi, ang gumawa talaga ng first move ay ang mommy ko," pagsisiwalat niya. "After ng Full House namin, umakyat kami sa Artist Center at nakipag-meet kami. Nagtanong kami kung ano ang next project. E, medyo wala naman silang maisagot sa amin and since ako yung breadwinner ng family, siyempre, kailangan kong maghanap ng trabaho. Kung hindi, wala kaming makakain.

"Noong meeting namin, parang sinabi ni Ma'am Ida [Henares, GMA Artist head] na hindi ko naman daw po ibinibigay ang best ko kaya hindi sila makapagbigay ng guaranteed shows sa akin."

NO CONTRACT WITH ARTIST CENTER. Ayon kay Rainier, noong 2008 pa pala siya walang kontrata sa GMAAC. Isa itong bagay na naging malaking sorpresa rin sa kanila dahil recently lang din ito nalaman ng mommy niya. Technically, two years na raw pala siyang walang kontrata sa Kapuso network.

"Actually, noong 2008 pa pala, wala na kaming kontrata sa Artist Center. This year ko lang nalaman. Bale pinag-usapan nga namin. 'Sakto naman na after ng meeting namin sa Artist Center, dumating itong offer ng TV5," lahad ni Rainier.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napi-feel ba niya na parang hindi siya importante sa GMA-7?

"Hindi ko naman naramdaman na ganun. Pero mas ano, e, mas pinili ko na lang na mas kailangan kong magtrabaho. At saka yung sa contract, hindi ko alam kung ano yung sa contract namin, wala akong alam dun, e. Ang nakakaalam lang dun, yung mga taga-Artist Center. At yung mom ko nga, lately lang niya nalaman yung ganun, e."

Nagalit ba siya when he found out na wala na pala siyang kontrata?

"Hindi naman ako nagalit, pero nagulat lang ako na matagal na pala akong walang kontrata sa kanila. Pero noong naramdaman ko nga na parang tambay lang ako sa bahay namin, mga two weeks na yata, parang iba na yung pakiramdam ko, e," saad niya.

Ano ang naging reaction ng mga naging kaibigan niya sa GMA-7, especially yung mga nakasama niya sa StarStruck?

"Ano naman sila, very supportive naman sila. Sabi nila, 'Kung ano ang sa tingin mo mas makakabuti sa 'yo, yun ang gawin mo.' Hindi ko alam kung ano nararamdaman nila for me. Pero katulad nila Mark [Herras], Chynna [Ortaleza], Ryza [Cenon], ang text sa akin, e, 'Kung saan ka magiging kumportable at magiging masaya at kung saan ka magkakaroon ng trabaho, grab mo na.'"

Six years rin daw ang inilagi ni Rainier sa GMA-7 mula nang sumali siya sa StarStruck. Dahil produkto siya ng artista search ng Kapuso network, hindi ba siya nagwo-worry na baka masabihan siyang "ingrato"?

"Well, unang-una, lahat naman ng ibinigay nilang trabaho, ginawa ko naman. Naging professional naman ako sa lahat, 'saka wala naman akong masamang nagawa or whatsoever," sagot niya.

Sinubukan din ng PEP na kunin ang reaksiyon ng GMA Artist Center tungkol sa paglipat ni Rainier sa TV5. Pero at press time ay wala pa kaming nakukuhang sagot mula sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY TO BE PART OF TV5. Masaya ba siya ngayon?

"Masaya ako, masaya ako," nakangiting sabi ni Rainier.

Masaya ba siya na umalis na siya ng Kapuso network?

"Hindi naman sa ganun. Masaya lang ako dahil, siyempre, bagong tahanan, bagong makakasama," sagot niya.

Kung nagkataon kayang binigyan siya ng counter offer ng GMA-7, lilipat pa rin ba siya?

"Sa tingin ko, pag-uusapan pa namin kung ano ba talaga ang mas okey. Dito kasi, nag-sign ako ng contract dito pero hindi ako exclusive," sagot niya.

Rainier signed a two-year non-exclusive contract with TV5.

Feeling ba niya ay walang masyadong plano sa kanya ang GMA Artist Center?

"Siguro may ganung feeling, pero siguro mas may kailangan silang i-prioritize na ibang artist kesa sa akin. Naiintindihan ko naman yun, e," sabi niya.

Dagdag ni Rainier, "Sa GMAAC po, may management contract po akong guaranteed shows at guaranteed income. Kaya sa deal ko po na ito sa TV5, mukhang makakaipon po ako kahit na papaano at magiging visible rin po ako in two years."

Rainier will also have Noel Ferrer as his new manager.

NEW HOME. How did he feel on his way to the TV5 trade launch?

"Kinakabahan ako, e," pag-amin ni Rainier. "Siyempre, yung feeling na sana perfect lahat mangyayari. Hindi ko alam kung ano ang magiging tingin ng mga tao sa akin. Ngayon, okey naman. Wala na yung feeling ng kaba."

Dagdag niya, "Actually, kaninang papunta ako rito, tumatawag na yung handler, taga-GMAAC, sa TV5 kung ano raw ang nangyayari. Tapos yung handler ko sa GMA, parang kausap niya boss ko sa Artist Center. Parang ano raw ang nangyari. Pero nasabihan na rin naman namin sila mga two weeks ago."

Malaki ba ang hope niya ngayong nasa TV5 na siya?

"Oo, feeling ko mas makakatulong ako sa family ko rito. At saka, wala na yung pakiramdam na, 'Ano kaya ang next show?'" sabi ni Rainier.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay ba niya ay mas mabibigyan siya ng malaking exposure sa TV5?

"Sa tingin ko...kasi konti pa lang din ang mga artists dito," saniya.

"SALAMAT, MGA KAPUSO." Tinanong din ng PEP si Rainier kung ano ang mga posible niyang ma-miss sa GMA-7?

"Yung mga nakasama kong artista na mga StarStruck din na iba at mga kaibigan ko. Pero maliit naman ang mundo ng showbiz. Sana wala na lang network war. Sana magkatulungan na lang," asam niya.

Bago naman daw pumunta ng TV5, nagpadala pa ng bulaklak si Rainier kay Ms. Ida Henares na head ng GMAAC. At umaasa nga siya na makakapag-guest pa rin siya sa network na naging unang tahanan niya.

"Nasa kanila yun kung sa kanila okey na maging guest pa rin ako, siyempre mas okey sa akin."

Ani pa Rainier, "Nagpapasalamat ako sa suporta ng lahat, lalo na ang mga fans at sa pag-unawa sa ginawa kong desisyon. Ang TV5 po ang nagbigay sa akin ng maayos na guaranteed contract for two years, na nagtitiwala po ako sa kanila, at sa bago ko pong manager na si Sir Noel sa pag-handle ng career ko.

"Salamat po sa mga Kapuso, na pinagsimulan ko. Alam n'yo po na di po ako nagkulang sa inyo talaga. Kahit nararamdaman ko na minsan napakaliit ng tingin ng ibang mga Kapuso sa akin, mahal ko pa rin po kayo at hindi po mawawala ang utang na loob na yun sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN