SexBomb's Rochelle Pangilinan plays a boy and a girl in Daisy Siete's Adam Or Eve

Rochelle gets to sing and dance in season 26 of Daisy Siete, but half the time as a guy! Photo shows Rochelle in both guises as twins Rochelle and Andrew.


Pinabulaanan ng SexBomb Girl na si Rochelle Pangilinan ang balitang aalis na siya sa poder ng kanyang manager na si Joy Cancio dahil gusto niyang magpa-manage sa isang executive ng GMA-7.

"Para naman yatang hindi mangyayaring iwan ko si Ate Joy," diin ni Rochelle.

"Marami na kaming pinagdaanan ni Ate Joy at ng SexBomb. Sa simula pa lang, kami na ang magkakasama. Noong mawala kami before sa Eat Bulaga!, magkakasama pa rin kami at walang iwanan. Kumbaga, tried and tested na ang samahan naming lahat.

MANAGER IS A JOY.Masaya daw siya sa nangyayari sa career niya sa ilalim ng Focus Entertainment, Inc. ni Joy Cancio.

"Hindi ako nawawalan ng trabaho. At kapag may request ako kay Ate Joy, tulad noong gusto kong gumawa naman ng primetime na show, nagawa naman niya.

"Kaya walang rason at walang dahilan para iwan ko siya. Kung kilala kami ng kung sinuman na nagsulat niyan, alam niya na more than magkakapatid pa ang turingan namin. Para ko nang pangalawang ina si Ate Joy. Lola na nga ang tawag namin sa kanya, e.

"Kung ano man ang narating ko ngayon, utang na loob ko 'yan kay Ate Joy at sa Focus E. Kaya mali ang nasulat na 'yan at mali ang nakuhang tsismis ng nagsulat na 'yan. Obvious na hindi niya alam ang magandang samahan namin ni Ate Joy."

BOND BEYOND CONTRACTS. Sa katunayan, magpipirmahan na nga ulit sila ng kontrata sa Focus E.

"Sa totoo lang, hindi na nga kailangan ng kontrata sa amin ni Ate Joy. Kumbaga, ang loyalty ko kay Lola ay higit-higit pa sa inaasahan ng maraming tao.

"Yung kontrata kasi, parang formality lang naman since may opisina nga si Ate Joy at business iyon, e. Kailangan ng mga papers talaga. Pero kung sa akin lang, wala nang ganyang kontrata dahil alam naman niyang hindi ko siya iiwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan nga hindi ko na tinatanong ang tungkol sa kontrata. Basta sasabihan na lang niya ako na mag-renew na kami ng contract. Walang problema sa akin iyon."

DUAL GENDER ROLES. Sa season 26 ng Daisy Siete, titled Adam Or Eve, gaganap bilang kambal si Rochelle. Gagampanan niya ang roles na Rochelle at Andrew. First time na dual role ang gagawin ni Rochelle at iyong isa'y lalake pa.

Panibagong challenge daw ito para sa kanya. Kuwento niya, "Yung babae kasi na si Rochelle ay pinalaki ng istriktong tiyahin niya sa probinsya at member siya ng isang choir sa simbahan. Yung lalake naman na si Andrew ay inampon ng tiyuhin namin na taga-Maynila at naging member ng isang bagong rock band.

"Sa hindi inaasahan na pangyayari, ilang araw bago ma-launch ang banda nila ay naaksidente si Andrew. Doon na papasok si Rochelle at magpapanggap siyang Andrew para lang matuloy ang banda. From there ay kung anu-ano na ang nangyari para lang ma-convince ni Rochelle ang band members na siya si Andrew."

Ang leading man dito ni Rochelle ay ang Are You The Next Big Star? winner na si Geoff Taylor. Kasama rin sa cast sina Ian de Leon, Malu Barry, Yayo Aguila, Ramon Christopher, Gian Magdangal, Lito Calzado, Presley Bellini, at ang bagong girl group ng Sony BMG na Daisies na binubuo nina Daisy Green, Daisy Blue, Daisy Pink, Daisy Yellow at Daisy Lavender.

NOT PREGNANT. Dapat raw ay si SexBomb Jopay Paguia ang magbibida sa season 26, pero biglang nag-back out ito at si Rochelle ulit ang kinuha. May balitang nagdadalang-tao raw si Jopay kaya tinanggihan nito ang role.

"Dapat nga na alternate kami ni Jopay sa pagbida sa Daisy Siete. Kakatapos ko lang kasi ng Bebe & Me. Pero sinabihan nga ako na hindi puwede si Jopay kaya dumiretso na ako sa paggawa nitong Adam Or Eve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako na ang nagsasabi na hindi buntis si Jopay. Naku, ilang beses na siyang nababalitang buntis, di ba? Nakausap ko nga siya at sinabi niya na sanay na siya na matsismis siyang buntis. Hindi talaga niya magagawa ang Daisy Siete kasi nga may sinimulan na siyang food business, kasama si Joshua [Zamora].

"Nag-invest nga si Jopay sa negosyo na iyon kaya gusto niyang tutukan muna. Ayaw nga raw niyang ipagkatiwala sa iba ang negosyo niya at yun din ang advice ni Ate Joy sa kanya. Ako man, kung magnenegosyo, gusto ko na ako muna ang mag-aasikaso.

"Understanding naman si Ate Joy at natutuwa nga ito na may negosyo na si Jopay. Any time daw na ready na ulit na mag-work sa Daisy Siete si Jopay, wala raw problema."

WAITING FOR MR. RIGHT. Next year nga ay may plano na raw pakasal si Jopay at Joshua. Hindi ba naiinggit si Rochelle?

"Sa totoo lang, natutuwa ako for Jopay kasi nahanap niya ang lalake na para sa kanya. I mean, through thick and thin, nandiyan si Joshua para sa kanya at nagtutulungan sila.

"Natural at masayang-masaya ako para sa kaibigan ko. Marami na nga kaming pinagdaanan ni Jopay at mabalitaan ko lang na magpapakasal siya, parang ang saya-saya ko rin.

"Siyempre naman, nakakainggit iyon. Kaso wala pa 'yan sa mga plano ko. Unang-una, wala naman akong pakakasalan pa at wala namang nagpo-propose pa sa akin. Kaya habang wala, trabaho muna tayo. Marami pa akong gustong gawin para sa pamilya ko at sa sarili ko. Darating din ang pagpapakasal kapag handa na ako.

"Alam naman ni Lord ang mga panalangin ko parati. Kapag ready na ako talaga, darating din tayo sa pag-settle down. Hopefully sa lalake na nararapat rin sa akin."

BORACAY SCUFFLE. Sa nalalapit na Holy Week, hindi maiwasan na itanong kay Rochelle kung ano na ang nangyari sa naging kaso nila sa Boracay. Last year kasi ay nasangkot sa isang gulo sa isang bar si Rochelle kasama si Sexbomb Aifha Medina at ang non-showbiz friend nilang si Michelle "Mitch" Villanueva. Ang nakabangga nila ay isang nagngangalang Joshua Calixto Formentera. (CLICK HERE for related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Rochelle, hindi siya puwedeng magbigay ng anumang detalye sa nagaganap nilang hearing sa Boracay. Naka-attend na raw siya ng isang hearing pero hindi naman daw nakarating yung nagsampa ng kaso sa kanila na si Joshua.

"Ang dasal ko lang ay maayos na iyon. Unang-una, malaking abala para sa aming lahat. Sa Boracay pa iyon, e, nandito ako sa Manila. Hindi namin alam kung saan yung Joshua naka-base. Gusto ko lang na maayos na ito para may peace of mind na kaming lahat."

Sa April 5 na ang simula ng Daisy Siete: Adam Or Eve sa GMA Dramarama sa Hapon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN