Aljur Abrenica receives third birthday gift from Kris Bernal during solo concert

Kris already gifted him with two polo shirts on his birthday. The Swiss-made bracelet presented to him onstage made it three, to mean "I love you."


Para sa finale number ng kanyang birthday concert noong Friday, March 26, tinutoo ni Aljur Abrenica ang kanyang pangako na magpe-perform nang topless habang kinakanta ang "I'm Yours" ni Jason Mraz.

Laking tuwa ng mga taong nakapanood sa Zirkoh Tomas Morato sa Quezon City, at halos hindi mawala sa mukha ng young actor ang napakasayang ngiti.

Masayang-masaya si Aljur sa naging turnout ng kanyang first solo concert. Nakahinga na rin daw siya pagkatapos ng ilang linggong kinakabahan simula nang malaman niyang magkakaroon siya ng concert, in line sa kanyang birthday noong March 24 at sa launching ng kanyang album under GMA Records and Sony.

"Hindi ko ine-expect na ganito ang mangyayari, na mapupuno ko ang Zirkoh. Kaya ngayon, parang gusto ko pang round two," natatawa niyang biro.

"Nasa bahay pa lang ako, tinatawag-tawagan ko ang mga kaibigan ko. 'Kumusta ang crowd?' Noong sinabi pa lang nila na mahaba ang pila, talagang na-excite ako. Kaya hindi naman ako masyadong kinabahan. Mas nabuhayan ako noong sumigaw na sila."

May prompter daw na nakahanda, pero hindi na niya kinailangan ito.

"Sa totoo lang, lahat ng mga songs na kinanta ko, hindi ko sila alam. Ni isa sa kanila, wala akong piyesa. Binigay sila sa akin na bago lang. Pero sa loob ng two weeks, talagang pinagdasal ko na magawa ko sa kabila ng mabigat na schedules ng taping, promotion, every night nire-review ko siya bago matulog, sa biyahe. Palagi 'yan, so, kasama ang dasal d'yan," aniya.

Kaya, "talagang nagpapasalamat ako. Unang-una, kay Lord na palaging nandiyan para sumuporta. Sa aking showbiz family. Sa aking family, sa mga supporters at sa iba pang mga bossing ng GMA, nandiyan, sila Tita Lilybeth Rasonable dumating, at mga taga-GMA Artists Center at siyempre, sa PPL [kumpanya ng talent manager na si Perry Lansigan], thank you very much sa PPL, kay Tatay Perry Lansigan na nag-produce ng show na ito para sa aking birthday concert."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SURPRISE GIFT. Sa kalagitnaan ng duet niya with special guest Kris Bernal, may iniabot sa kanya ang kanyang ka-loveteam.

Kuwento ni Aljur, "Habang kumakanta kami, medyo humiwalay siya sandali. Tinawag niya si Camille, isa sa mga kaibigan namin, tapos may inabot sa kanya at binigay sa akin. So, sa gitna ng stage, na-speechless ako. Tapos sabi niya, suotin ko at hanggang ngayon suot-suot ko kaya maraming-maraming salamat sa 'yo, Kris, sa pagiging thoughtful."

Sabi ni Kris na ibinigay niya raw ang Charriol bracelet kay Aljur para palagi siyang maalaala nito habang suot-suot ang gift na gawa ng kilalang Swiss manufacturer.

"Isa ito sa mga gift na hindi ko ine-expect," nakangiting sabi ng binata.

Ikatlo na nga ito sa mga regalo na binigay ni Kris sa 20th birthday ni Aljur. Nauna na ang dalawang polo shirts na natanggap niya sa birthday niya mismo.

Ani Aljur, "Simple lang akong tao. Kahit anong ibili ni Kris sa akin, naa-appreciate kong talaga. Minsan wala nang time bumili, minsan siya ang nagkakaroon ng time para bumili ng mga damit sa akin. Thank you talaga, Bebs."

CLOSENESS WITH KRIS. Sinadya raw talaga ni Kris na tatlong regalo ang ibigay, para na ring sinabi niyang "I love you." Sa personal, nasabi na ba ito ni Kris sa kanya?

"Maraming beses na," sabi ni Aljur. "Talaga namang sinasabi namin sa isa't isa yun every time na naa-appreciate namin ang samahan namin."

So, officially, sila na nga?

"Hindi naman po, talagang iba lang ang closeness namin. Sobrang special po sa buhay ko si Kris. At saka, yung suporta po, nandiyan lang siya lagi para sa akin. Sa hirap at ginhawa. Sa kabila ng kaso ko noon, lagi siyang nandiyan para sa akin."

Recently ay pinawalang-bisa ng korte ang kaso ng acts of lasciviousness laban kay Aljur na isinampa sa kanya noong Abril 2009. (CLICK HERE forrelatedarticle.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Aljur, "Pati yung concert na ito, minsan nga sumusuko ako, konti lang ang time, pero sinasabi niya na. 'Kaya mo 'yan.' Tuwing nakikita ko si Kris at sinasabihan niya ako ng mga bagay na ito, mas nai-inspire ako."

THANKSGIVING VACATION. Next week ay Holy Week na. Ang plano ni Aljur ay magbakasyon sa Hongkong kasama ng kanyang buong pamilya.

"Kami ni Kris, napag-usapan na namin na bakit hindi namin i-celebrate ang ilang days with our family. Kasi kaming dalawa naman, palagi na kaming magkasama at minsan, nauubusan kami ng time sa family namin.

"This time naman, sa Holy Week, sila ang kasama namin."

Magsisilbing celebration din ito ng dismissal ng kaso sa kanya, at the same time para sa birthday niya pa rin.

"Yes, thanksgiving na rin. Parang treat ko na rin ito sa family ko for always being there for me. Sa kabila ng lahat, sa kaso. At ang kapatid ko, kaka-birthday lang din, 11 years old siya. So, habang bata siya, gusto kong maranasan niya ang Disneyland . Yun ang pangarap ko noong bata ako at hanggang ngayon, hindi pa ako nakakarating."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN