Carlene Aguilar mulls giving husband's surname to son by Dennis Trillo

"Siyempre, pangit din naman na iba ang apelyido [ni Calix] sa ibang mga kapatid if ever magkaroon ng mga kapatid," said Carlene, who got married last year to non-showbiz fiancé Yo Ocampo.


Walang pagtatangging sinagot agad ni Carlene Aguilar sa Startalk kahapon, March 27, ang balitang nagpakasal na siya sa non-showbiz boyfriend na si Yo Ocampo at noong nakaraang taon pa ito naganap.

Sabi ni Carlene, "Hindi ko siya dinenay. Hindi ko rin sinabi publicly dahil siyempre, private person lang si Yo. And gusto niya mas tahimik."

Bakit niya napagdesisyunang magpakasal?

"Bakit? Siguro nagmamadali na siya," nagbibirong sabi ni Carlene. "Ewan ko, siguro, dahil nagmamahalan kami at dun din naman pupunta. Bakit pa papatagalin?"

JOKEY PROPOSAL. Kuwento ni Carlene na sa pamamagitan nga lang daw ng biro idinaan ni Yo ang kanyang marriage proposal.

"Actually, parang joke lang. Parang sabi niya pa nga, bakit daw pinagtawanan ko siya? Sabi ko, 'Seryoso ka?' Kasi, parang wala talaga sa isip ko yun."

Ikinasal sina Carlene at Yo sa simpleng civil rites sa Quezon City Hall noong June 20, 2009. Pawang mga close friends lang nila ang present sa naturang kasalan.

"Sobrang close friends lang. Yung hindi mga celebrities. Simpleng-simple lang din. Tapos yung church wedding, gusto niya, sobrang engrande. Siyempre, pinaghahandaan pa yun. Tapos si Calix, meron nang buong family na matatawag."

Kahit daw simple lang ang naging kasalan, sinigurado pa rin nilang may permiso sila sa kanilang mga magulang.

"Siyempre sa una, parang ayaw nila ang idea. Sa family ko, pero, eventually, parang okey naman na. Initial reaction nila, siyempre, panganay ako, e. Tapos, babae pa. So, ayaw nilang mag-let go."

DAD AND FATHER FIGURE. Sinabihan niya daw si Dennis Trillo, ang ama ng kanyang anak na si Calix.

"Siyempre, nagulat din siya. Siguro meron din siyang dapat malaman. Siyempre, father siya ng baby ko. Siyempre, titira ang baby namin sa ibang lalaki. Mahal naman kasi ni Yo si Calix, e."

Ngayong dalawa na ang kikilalaning ama ni Calix, hindi kaya magkaroon ng problema sa pagitan nina Dennis at Yo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman, kasi alam ni Calix na si Dennis ang daddy. Daddy ang tawag niya kay Dennis. E, kay Yo, Tito Yo lang."

"Sobrang okey" daw ang relationship ni Calix at Dennis. "Siya yung disciplinarian. So, si Calix nakikinig sa kanya. Mas sa akin hindi. Parang ako yung spoiler."

CALIX'S SURNAME. Posible bang dalhin ni Calix ang apelyido ni Yo balang-araw?

"Hindi ko pa nadi-discuss kay Dennis, so, hindi ko pa alam talaga."

Pero, sabi rin ni Carlene, "Siyempre, pangit din naman na iba ang apelyido [ni Calix] sa ibang mga kapatid if ever magkaroon ng mga kapatid."

Ngayong maybahay na siya, hindi ba niya naiisip na posible itong makaapekto sa kanyang showbiz career?

"Hindi naman siguro, kasi mas imoral kapag hindi ka kasal tapos bigla ka na lang magkakaanak. Kasi, nagkamali na ako na magka-baby before marriage. So, bakit ko pa siya gagawin ulit? Siyempre ngayon, tinatama ko na siya."

DENNIS' REACTION. Nahingan ng Startalk ng reaction si Dennis Trillo hinggil sa pagpapakasal ng ina ng kanyang anak.

Ayon sa actor, "Okey lang siya sa akin, pero, huwag na nating pag-usapan yun. Ayoko nang makialam dun. Basta masaya siya. Kung saan siya masaya, dun din ako."

Kahit may Tito Yo na raw ang anak, "hindi dahilan yun para may mabago sa relasyon ko sa kanya."

Nang itanong ng Startalk kung anong masasabi niya sa posibleng pagpapalit ng apelyido ng anak at isunod sa napangasawa ni Carlene, ang naging tugon ng aktor ay, "Ay hindi, hindi ganun...anak ko yun, e. Huwag na lang natin yun pag-usapan kasi hindi magandang pinag-uusapan yun.

"Anak ko yun, period."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN