Maria Venus Raj demands explanation from Binibining Pilipinas

"Ang akin lang sana ipaliwanag lang nang maayos, i-clear sa akin kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin po alam kung ano ang main reason ng pag-dethrone nila sa akin. Kasi alam ko po na I deserve what I got from the very beginning na nakoronahan ako," says Maria Venus Raj.


Noong isang linggo ay nasangkot na naman sa panibagong kontrobersiya ang Binibining Pilipinas beauty pageant matapos pumutok ang balitang isa sa mga bagong titleholders nito ang binawian ng korona.

Sa 46 years na kasaysayan ng Binibining Pilipinas, may iba't ibang dahilan kung bakit nade-dethrone ang isang titleholder. Pero conflict sa citizenship ang madalas na dahilan nito.

Ngayon nga ang latest beauty queen na nasangkot sa ganitong kontrobersiya ay si Maria Venus Raj. Matapos ang wala pang isang buwang pagiging Bb. Pilipinas-Universe titleholder ay tinanggalan ng titulo at korona ang 21-year-old beauty mula sa Camarines Sur. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BCPI), ang diumano'y inconsistency sa impormasyon sa lugar ng kapanganakan ni Venus ang dahilan ng kanyang pagkaka-dethrone. Ilang linggo matapos makoronahan ni Venus ay kinukuwestiyon ng BCPI ang ilang hindi raw magkakatugmang impormasyon tungkol sa birth records ni Venus at sa mismong pahayag nito at ng ina niya tungkol sa detalye ng kanyang kapanganakan.

Sa statement ni Genny Marcial, corporate and public relations manager ng BCPI, na inilabas sa isang pahayagan, ipinaliwanag niya ang nadiskubre nilang inconsistencies.

"Raj's birth certificate showed she was born in Camarines Sur. She and her mother, however, claimed she was born in Doha, Qatar. Her father, Vincent Raj, registered as a Catholic Filipino in her birth certificate was discovered to be an Indian national and is not married to her mother, contrary to what is stated in her birth record.

"The legal document [Raj's birth certificate] is indeed authentic. The information in the document, however, is fabricated, it being filed three years after Venus' birth by her mother's cousin who, at the time, worked in the Civil Registrar's office. BCPI only discovered this accidentally after the coronation, the admission coming straight from the mouth of Ms. Raj, later on, her mother."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VENUS SPEAKS UP. Sa live guesting ni Venus sa The Buzz last Sunday, April 4, habang kausap ang host na si Boy Abunda, emosyonal na isiniwalat ng dethroned beauty queen ang kanyang saloobin. Aniya, ipaglalaban niya ito dahil pagkatao na niya ang nakataya.

Sa lahat ng mga naisulat at nasabi, saan siya napipikon?

"Ang sobrang sakit lang po sa akin yung sinasabi nila na I am disqualified kasi I am born out of wedlock. And then hindi ako qualified for Miss Universe dahil sa hindi ako ipinanganak dito sa Pilipinas. Kung may inconsistencies man po, sa tingin ko hindi ko po kasalanan yun. So, wala po akong kasalanan sa kung anuman po ang nangyayari," sabi ni Venus.

So, ilalaban niya ba ang korona niya?

"Opo, of course."

Pupunta ba sila sa courts of law para ipaglaban ang kanyang korona?

"Opo, pinaghirapan ko po ito, e," aniya.

BORN OUT OF WEDLOCK. Doon sa sinasabi niyang she was born out of wedlock, na hindi nabanggit sa statement ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ano ba ang totoo?

"Totoo po na hindi po kinasal ang tatay ko at nanay ko. Ipinanganak po ako sa Doha, Qatar at dinala po ako dito, siguro mga one month old lang ako. At dito ako pinabinyagan ng aking mga magulang. So, yun po yung katotohanan na kahit minsan ay hindi ko po itinago. Screening, sinabi ko na po rin sa kanila [BPCI]. Nagpapakilala po ako, sinasabi ko na, 'I'm Maria Venus Raj. I was born in Doha, Qatar but I was raised here in the Philippines.' And then may mga one-on-one interview, sinasabi ko rin po ito. Sa isang nga pong interview, sinabi sa akin ng nag-i-interview, 'So, what's special about being born abroad?' So, para sa akin wala pong problema at alam ko pong from the very beginning, alam po nila ito," pahayag ni Venus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, bakit ginagawang dahilan ito? Would she know why?

"Actually, hindi ko rin po maintindihan kung bakit," sagot niya.

Being born out of wedlock, may sinasabi ba sa rules ng BCPI na bawal ito?

"I don't know. Wala pong nakalagay sa rules ng Miss Universe o ng kung saan man na kapag ipinanganak ka out of wedlock, hindi ka puwedeng maging beauty queen."

EXPLAINING THE INCONSISTENCIES. Sa statement ng BCPI, sa birth certificate niya ay sinasabing sa Camarines Sur siya ipinanganak at hindi sa Doha, Qatar. That is one inconsistency, how does she explain that?

"Ang totoo po talaga ipinanganak po ako sa Doha, Qatar pero ang nakalagay po sa birth certificate ko is Camarines Sur. Nahawakan ko po yung birth certificate ko siguro mga high school na po ako noong mag-a-apply ako ng scholarship noong ako ay magpi-first year college," sabi ni Venus.

So, she has nothing to do with the inconsistency?

"Exactly."

Was she aware of this inconsitency na when she joined Binibining Pilipinas?

"Yes, I am aware and I am telling them from the very beginning."

Didn't she correct the inconsistency?

"Sir Boy, kung kayo yung nasa kalagayan namin, mahirap kaming pamilya. Kung kayo ba ang nanay ko, ang iniisip n'yo lang ay ang ipapakain sa mga anak n'yo. Iisipin n'yo pa ba na ipaayos itong mga dokumentong ito para maayos hanggang sa pag-join ko sa Binibining Pilipinas? Hindi namin alam ng nanay ko na sasali ako ng pageant. So, kung nandun ka sa sitwasyon na yun, hindi mo iisipin na ipaayos yung dokumento. Iisipin mo yung ipapakain mo sa mga anak mo," lumuluhang pahayag ni Venus.

At hindi niya rin naisip na ito ang magiging dahilan ng pagka-dethrone niya?

"Exactly."

What about her father na sinasabi niyang Indian national, pero ang nakalagay sa birth certificate niya ay Catholic Filipino ito? Paano niya ipaliliwanag ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang totoo po, ang tita ko po ang nagpa-register sa akin noong bata ako kasi three years after [my birth], ang nanay ko po ay nahihiya noong mga panahon iyon na lumabas at magpa-register sa akin kasi tsinitsismis siya ng mga tao na nasa paligid niya. So, ang tita ko ang nagpa-register sa akin at hindi alam ng nanay ko na yun ang information na sinabi ng tita ko. Kung meron man pong pagkakamali, hindi kasalanan yun ng nanay ko at hindi ko rin po kasalanan," sabi ni Venus.

DEMANDS AN EXPLANATION FROM BCPI. Galit ba siya sa Binibining Pilipinas?

"Hindi po ako nagagalit sa kanila," sagot ni Venus. "Ang akin lang po, sana linawin lang nila kung ano ang reason nila sa pag-dethrone sa akin. Kasi hindi po malinaw at alam ko po na wala po... alam ko na nakapasa ako sa kung anumang qualification na meron sila. From the very beginning sana sinabi nila sa akin nang hindi na po ako umasa."

Doon sa sinasabi nilang inconsistencies sa kanyang birth certificate bilang dahilan ng pagka-dethrone niya, hindi niya ba tanggap yun?

"Hindi po. Kasi hindi ako nagtago sa kanila. Hindi ako nagsinungaling sa kanila from the very beginning. May mga videos na magpapatunay na sinasabi ko yun noon pa lang."

Kumonsulta na ba siya sa abugado?

"Yes. I know I deserve the crown. Wala po akong nakikita na dapat i-disqualify nila ako for that," diin ni Venus.

Final words, ano ang nais niyang sabihin sa kanyang ina, sa kanyang ama, sa lahat ng mga tao na na-involve dito sa kanyang kuwento?

"Unang-una sa mga magulang ko, hindi ko po sila sinisisi sa kung anuman ang nangyayari sa akin ngayon. Alam ko na hindi nila yun kasalanan at hindi ko rin kasalanan."

Nagkikita ba sila ng tatay niya?

"No, actually hindi ko na po nakita ang tatay ko mula po noong ipinanganak ako. So, umuwi po ang nanay ko dito sa Philippines."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, wala silang contact ng tatay niya?

"Wala po."

Pero may kinakarga ba siyang galit sa tatay niya?

"Wala po. Pasalamat po ako na buhay ako ngayon."

Talk to your family, talk to Binibining Pilipinas...

"Unang-una po sa family ko, kahit ganito ang nangyayari ngayon, nagpapasalamat ako at nandiyan pa rin sila at gumagabay sa akin. At sa Binibining Pilipinas po, ang akin lang sana ipaliwanag lang nang maayos, i-clear sa akin kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin po alam kung ano ang main reason ng pag-dethrone nila sa akin. Kasi alam ko po na I deserve what I got from the very beginning na nakoronahan ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN