Andi Eigenmann on mixed reviewsfor Agua Bendita: "Open ang mind ko sa criticisms."

"Kung may comparison doon sa ginagawa ng bata at lagi ko na lang iisiping ganoon, lalong walang mangyayari sa akin. The show must move on. Matagal nang na-establish ang kuwento ng mga bata, and they have to grow up. Mas maganda kung mag-concentrate na lang ako sa magagawa ko," says the lead star of the ABS-CBN primetime series.


Iba't iba ang mga nakuhang reaksyon ni Andi Eigenmann sa paglabas niya sa Agua Bendita ng ABS-CBN. May mga manonood na naiirita dahil parang lagi siyang paos, at mayroong nagsasabing hindi bagay sa kanya na magbait-baitan. Karamihan sa nakausap namin ay nagsabing magiging effective na kontrabida si Andi kung ipupuwesto siya dito balang araw.

"There's really plenty of room for improvement pa," aminado naman si Andi. "I won't say na ang galing-galing ko na dahil bago pa lang talaga ako at ngayon lang ako nabigyan ng big break.

"Doon sa mga nagsasabing magaling akong magkontrabida, malaking bagay na rin yun. At least, effective pala ako sa ibang ginagawa ko. Kung hindi bagay sa akin ang bida, I still see to it na open ang mind ko sa criticisms, and still have to work hard on these things para lalo pang mag-improve. I'm really trying and working hard," patuloy ng aktres.

"THEY HAVE TO GROW UP." Para kay Andi, kanya-kanyang opinyon lang naman 'yan. Hindi niya kayang i-please ang lahat.

"Hindi maiiwasan yung sobrang ma-pressure na kami," sabi ni Andi. "Nakatutok na ang lahat sa characters namin, but I'm still glad may nakaka-appreciate pa rin. Kasi, may mga nanonood. Maganda pa rin ang ratings namin, and we constantly try to improve naman talaga.

"Kung may comparison doon sa ginagawa ng bata [Xyriel Anne Manabay, ang gumanap sa twin characters ni Andi noong bata pa] at lagi ko na lang iisiping ganoon, lalong walang mangyayari sa akin. The show must move on. Matagal nang na-establish ang kuwento ng mga bata, and they have to grow up.

"Normal lang talaga na may masabi ang mga tao roon sa performance ng bata, pero mas maganda kung mag-concentrate na lang ako sa magagawa ko. Lalo yatang wala akong mararating kung mamomoroblema ako kung mas gusto ba o hindi ng mga tao yung characters ng mga bata, and I'm just in it naman po as an actress," tahasang sabi ni Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STAYING KAPAMILYA. Hinihintay ni Andi ang pag-develop pang lalo ng istorya ng Agua Bendita dahil lalong nagiging exciting ang takbo ng mga pangyayari.

"Kinaklaro ko rin na hindi ako nainip sa paghihintay," sabi pa niya. "Eksaherado ang ibang mga lumabas. Nag-stay ako sa ABS-CBN kasi masaya ako rito, at dito ko gusto. Naririto ang puso ko. Naisip ko lang noon, wala naman akong magagawa kung ayaw na talaga nila sa akin, e.

"Pero, hindi ako nakakausap ng kabila for an offer na sinasabi nga, baka lumipat ako, o nagpaplano na akong lumipat noon. Right after high school, nasa ABS na ako, nagte-train na ako with all the workshops, kaya talagang hindi ganoon kadaling iwan ang Kapamilya network," nakangiting pagtatapos ni Andi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN