Eugene Domingo hosts kiddie game show called Wachamakulit

"Trabaho, tulog, trabaho, tulog, bangko, bangko! Ha ha ha! Ah, hindi, trabaho, tulog, pautang—ah, hindi, pamigay!" the much in-demand comedienne outlines her daily routine.


Sa press conference ng bagong game show ni Eugene Domingo, ang Wachamakulit, naging kapansin-pansin ang pagpayat ng komedyana.

"Dahil na rin siguro sa sunod-sunod na trabaho," sabi ng aktres na mukhang binabagayan naman ng kanyang bagong weight. "Awa ng Diyos, nanatili namang malakas ang aking katawan.

"At saka, naka-focus, e. Excited ako. Excited ako sa lahat ng projects na ibinigay sa akin ng GMA ngayon. Meron akong pambata, itong Wachamakulit. Pumasok din ako sa First Time, para sa mga teenagers. At saka, siyempre, para naman sa akin, Comedy Bar, of all ages, di ba?" natatawa niyang sabi.

STRIKE WHILE THE IRON IS HOT. Bukod sa mga GMA-7 shows na binanggit niya, meron pa siya sa TV5 at may mga movies din siyang sinu-shoot, tulad ng Working Girls.

"Trabaho, tulog, trabaho, tulog, bangko, bangko! Ha ha ha! Ah, hindi, trabaho, tulog, pautang—ah, hindi, pamigay!" natatawa niyang biro.

Naniniwala rin kasi si Uge sa kasabihang "strike while the iron is hot."

"Tama! Kasi, alam naman natin ang katotohanan na hindi naman sa lahat ng panahon, ikaw ay hot. Lahat naman ay nagpi-fade. So, ako, habang binibigyan ng pagkakataon, talagang ibibigay ko rin ang lahat ng lakas ko. Kasi, ayokong dumating ang panahon na nagkaroon na ako ng pagkakataon, hindi ko pa sinamantala. Ayokong pagsisihan ito. Gusto ko itong samantalahin, pagbutihan at ibalik ang tiwalang ibinibigay nila sa akin dahil isa itong karangalan."

GAME SHOW FOR KIDS. First time raw ni Uge na gumawa ng isang game show na pambata.

"Yes, ito naman fresh na fresh kasi ang exciting dito, mga bata ang nagbibigay ng games para sa mga adult players. So, you'll be surprised, kasi they are very spontaneous. Hindi mo alam kung ano ang lalabas sa description nila. Hindi mo alam kung gaano kataas ang energy nila kaya imagine mo na lang ang challenge sa akin, yung lengguwahe, yung pagpipigil, ganyan... but most of all, tumataba ang puso ko. Kasi yung mga bata, kapag nakikita ako, parang nakakakita ng Santa Claus, yung ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba mahirap to deal with kids?

"Yes, totoo 'yan. May sari-sarili silang mundo. Di ba, minsan, may drama sila. Ang span of attention maigsi lang. Pero siguro, dahil may edad na rin ako kahit hindi ako ina, yung puso ko, parang natural na rin na nakakaunawa ng bata.

"In fact, ang importante nga rito kapag sumali ka sa Wachamakulit, hindi importanteng matalino ka or marami kang alam. Ang importante, naiintindihan mo ang isip ng bagets, kung nakakakonek ka sa bagets at dahil dun, nakakaba-gets!" nakangiti niyang sabi.

TOO BUSY FOR LOVE. May mga nag-aakalang may boyfriend na siya, may iba namang nagtatanong kung may asawa na ba ang magaling na aktres. Pero open naman si Eugene na she's very much single.

Kailan naman plano ng bising aktres na harapin ang usaping puso?

"Kung sa harap at harap lang, wala akong maharap, e. Parang lahat nakatalikod pa, e. Sana next year... sana... parang nahihiya yata sila sa akin. Huwag na kayong mahiya, bastusin n'yo ko! Ha ha ha!"

Sa mga hunky actors na nakakapareha na niya, tulad nina Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo, Wendell Ramos, at ngayon ang Brazilian na si Fabio Ide para sa isa pa niyang bagong show, ang Comedy Bar, wala ba siyang nararamdamang attraction para sa mga ito?

"Ay, hindi, meron... hindi naman fall, pero nakakatuwa. Nakakahaba talaga ng hair. Kumukulot nang kumukulot nga ang buhok ko. Hindi lang talaga sila mga guwapo, may sense of humor katulad ni Fabio. Hindi lang naman kailangan guwapo. Masipag, may talent, may sense of humor, magaan katrabaho. Hindi lang puro ganda at kaguwapuhan."

RECHARGED. Siya na rin ang nagbiro na pulos trabaho, tulog, bangko ang schedule niya. Di kaya mas mahirap para sa kanyang ma-in love ngayon dahil may pinoprotektahan siyang kayamanan?

"Pinoprotektahang kayamanan, talaga? Ha ha ha! Well, katulad nga ng sinabi ko, siguro naman, alam ng Diyos ang pangangailangan ng bawat isa at alam din niya kung kailan ibibigay. Siguro ngayon, ang pangangailangan ko talaga ay ibigay ang pangangailangan ng mga naghihintay ng entertainment at ng susunod kong ipapakita. So, dun tayo mag-focus. Tutal, binigyan naman tayo ng pagkakataon na aliwin ang manonood. Aaliwin ko po kayo. Dun na lang muna. 'Saka na lang po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kahit paano, nakakuha rin ng pansariling oras ang komedyana. Last Holy Week ay nagbakasyon siya sa China.

"Six days tour na bongga! Great Wall of China, Temple of Heaven. Kain ng Peking duck, sumakit ang batok ko. Ang sarap, nakahinga naman. Walang cell phone, walang laptop, shut off lahat. Kasi dun ka makakakuha ng energy para sa bakbakan pagbalik."

Ang Wachamakulit ay magsisimula nang mapanood sa Biyernes, April 16, sa GMA afternoon blocktime na Bilib Ka Ba Araw-Araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN