Borgy Manotoc to model for Calvin Klein in Shanghai

Model Borgy Manotoc has been chosen by Calvin Klein to be one of the models in a fashion event that will be held in Shanghai, China.


Ipinalabas kagabi, April 12, sa Tweetbiz: The Bizniz of Chizmiz ng Q Channel 11 ang eksklusibong panayam ng host na si Tim Yap kay Borgy Manotoc tungkol sa pagkakapili ng huli bilang model ng international apparel na Calvin Klein.

"We're off to Shanghai [China] for a Calvin Klein event. We're getting involved in a little bit of fashion show and a little bit of event," pahayag ni Borgy.

So, you're a Calvin Klein model now?

"It's not that big pa. But yes, I'm getting the opportunity to model for them," sagot ng male model.

Are you going to model underwear?

"I'm still not sure yet. But yeah, quite likely there be a little bit of underwear involved."

Maituturing daw si Borgy na first pure Pinoy na maging Calvin Klein model, having parents who are both Filipino—politician Imee Marcos and sportsman Tommy Manotoc. Kung meron man daw iba ay may halo nang lahing banyaga.

TITO BONGBONG. Hiningan naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng komento ang tiyuhin ni Borgy na si Nacionalista Party senatorial candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos tungkol sa malaking achievement na ito ng pamangkin.

"Siya ba [ang first Pinoy]? Alam ko he'll be modeling for Calvin Klein. But I didn't know if he was the first Pinoy. Kung ganun nga, well, congratulations. Good for him," reaksiyon ni Cong. Marcos sa presscon para sa candidacy niya kahapon, April 12, sa Annabel's restaurant.

Natutuwa rin daw si Cong. Marcos sa pagkilalang ito hindi lang para kay Borgy kundi para sa mga Asians, ang lahing kinabibilangan ng mga Pilipino.

"Mabuti naman and I think that is good also for the industry na hindi lamang Caucasians ang hinahanap nilang model. Tapos nakapasok yung Black, yung Caribbean. Mabuti naman umabot na sa Asia yung bagong... the modern idea of beauty includes Asians, as well. Whereas, before it didn't."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How does it feel na mapapanood na si Borgy sa CK fashion shows at posibleng magkaroon pa ng billboard?

"Naku, kawawa na naman yun sa amin. Katakut-takot na tukso na naman ang aabutin niya sa aming lahat!" natatawang sabi ni Cong. Marcos.

Ipinagtanggol din ni Cong. Marcos ang pamangkin laban sa mga intriga, lalo na't sinasabing si Borgy diumano ang most controversial member ng Marcos family.

"Ganun ba? Hindi siya ang pinakakontrobersiyal, siya ang most exposed dahil napasok siya... nag-model siya, nag-showbiz siya, so siya ang nakikita. So, the more exposed you are, the more na pinag-uusapan ka."

Aware ba siya sa mga intrigang ibinabato kay Borgy?

"Of course, I'm aware," sagot niya. "Pamangkin ko 'yan, e, parang anak ko na rin 'yan, e. Kasama 'yan sa ano... kasama 'yan sa pag-develop, nangyayari 'yan. E, lahat naman natatalisod, sino ba naman ang hindi? Pero mabait na bata 'yan, mahusay na bata 'yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN