Former Bb. Pilipinas-Universe Maria Isabel Lopez attacks BPCI head

"Nagtataka naman ako kung bakit napunta sa isang banyaga ito [Binibining Pilipinas], e, pang-Pilipino yun, e! Pusong Pilipino, utak Pilipino atsaka hindi lang gandang Pinay... Alam naman natin na ang Pilipinas ay isang impoverished country, hindi puwedeng ganyan na elitistang organizer!" says beauty queen turned actress Maria Isabel Lopez.


Isa ang former beauty queen na si Maria Isabel Lopez na nasa original cast ng Working Girls—ang comedy classic at big hit noong 1984—na kasama rin sa modern sequel nitong Working Girls, na handog pa rin ng Viva Films, kasama ang GMA Films at Unitel Pictures.

Twenty-five years later, ayon na rin nga sa writer-director-line producer ng 2010 version ng Working Girls na si Joey Reyes, ito raw ay kanilang sort of "tribute" sa original director ng nasabing Viva classic, ang National Artist na si Ishmael Bernal.

Kaninang tanghali, April 14, sa grand presscon ng Working Girls sa Sapphire Ballroom ng Gateway Suites sa Cubao, present si Isabel, kasama ang isa pang orig sa cast na si Carmi Martin, with the lead actresses ng wacky sequel na sina Eugene Domingo, Ruffa Gutierrez, Jennylyn Mercado, at Iza Calzado. Hindi nakarating sina Cristine Reyes at Eula Valdes sa di pa malamang dahilan.

ISABEL'S BEAUTY SECRET. Sa open forum, natanong ng press si Isabel kung ano ba ang beauty secret niya at hanggang ngayon ay sexy at maganda pa rin siya at 50.

"Iba ang secret ko kay Carmi," sabi niya. "Sa akin kasi, every day, I go to the gym. I jump, I dance, belly dancing, everything... Every day, I dance. Lahat ng exercises, yung mga body-building weights...lahat yun, ginagawa ko.

"Plus, I take lots of supplements. I don't have vices, except working out. No cigarettes, no drugs, no wine. Tapos, healthy attitude, low-fat diet, parang si Direk Joey Reyes, South Beach diet... "

VENUS UNCROWNED. Since former beauty queen din si Isabel, natanong ang kanyang opinion tungkol sa sinasabing "uncharitable" na pag-dethrone sa Bb. Pilipinas-Universe 2010 na si Maria Venus Raj kamakailan, desisyon ng Bb Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) sa pamumuno ni Mrs. Stella Marquez-Araneta.

Naging isyu ang diumano'y discrepancy ng birth certificate ni Venus, upon investigation, as against sa naideklara nito nang magpa-screen pa lamang siya sa Binibining Pilipinas beauty pageant. Kinukuwestiyon din ang nationality nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang Bb. Pilipinas-Universe title holder noong 1982, na naging kontrobesiyal din dahil nag-sexy raw siya na bawal sa BPCI, ano ba ang masasabi ni Maribel (palayaw ni Isabel) sa pinagdadaanang ito ni Venus?

"I salute Venus Raj dahil sa katapangang ipinakita niya," sagot niya. "Ang difference lang noong time ko, hindi ako binigyan ng option na resign or dethrone. Ang ibinigay lang sa aking option ay mag-resign.

"So, ngayon, I have all the opportunities para i-mobilize ang press that time. Na after na pinag-resign ako, nagpa-presscon agad kami ni Rudy Fuentes. So, that paved the way for me to start a very successful showbiz career.

"And I can only say this, ang Bb. Pilipinas Charities kasi under Stella Marquez-Araneta...alam naman nating napaka-elitista niya at napakamatapobre! Komo galing akong... Alam kong nasa teritoryo niya tayo ngayon, okey lang!" natatawang sabi ni Isabel nang maalalang sa Gateway Mall, na pag-aari ng mga Araneta, ginaganap ang presscon ng Working Girls.

Dagdag niya, "Gaya ko, galing ako sa rampa ng Gerald Peter models noon na minamata nila at di raw accepted. Ngayon, nakita natin ang isang Venus Raj na galing sa mababang...impoverished na pamumuhay.

"Talagang elitist kasi siya [Mrs. Araneta], e. Talagang ang dapat diyan, ang Bb. Pilipinas Charities ay hinawakan 'yan ng Pilipino, hindi ng elitistang banyaga! Hinihintay ko lang na mag-rest in peace si Stella Marquez-Araneta!" matapang na pahayag ni Isabel habang nasa presidential table.

After the open forum, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press people si Isabel bilang follow-up sa mataray niyang pahayag against BPCI.

Sabi ni Isabel tungkol kay Venus: "Kung ako sa kanya, magpapa-presscon ako, at talagang directly, lalabanan ko siya [Mrs. Araneta]."

ISABEL'S TIME. Noong 1982 when she won the crown as Bb. Pilipinas-Universe, ano nga ba ang nangyari? Babawian din ba siya dapat ng korona?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi nila ako binigyan ng gano'ng option. Ang binigay lang nila sa akin ay resign. E, kasi nga, nagkaroon ng scandal dahil sexy model ako ng Gerald Peter. Hindi ako binigyan ng option na ma-dethrone.

"Palaban na ako that time. You know what we did? Hindi ako nag-resign at nagpa-presscon kami... After nung press conference, in-expose namin ang inside jobs. So, it was all over the papers, all the broadsheets, naka-headline!

"Tinawag nila ako for a closed-door meeting, and then, with Phillip na spokesperson of Stella Marquez-Araneta, pinagre-resign ako. I will appear like a hero in front of the public, gano'n ang mga sales talk nila... Hindi ako nag-resign, presscon ang katapat!

"So, nagpa-presscon kami, nagkaroon ng ingay. That paved the way for a successful showbiz career. Hindi ko nakuha ang korona, pero I went to the [Miss Universe] pageant, and then I relinquished my crown, kinoronahan ko si Cita Capuyon.

"Hindi nila nabawi [ang crown]. They tried to talk to me to resign. I still went to the Miss Universe pageant [na ginanap sa Peru], hindi nila nabawi, and relinquished my crown the year after. Pero alam mo ba, before I relinquished my crown, yung [farewall] speech ko, kinatay-katay nila!

"Kasi yung speech ko, medyo patama, e. Alam mo naman ako, outspoken. Patama sa kanila. In-edit! Nagalit ako! Pinuntahan ko yung technical, 'Wag n'yo i-edit 'yan! Iere n'yo 'yan!'" natatawang balik-tanaw ni Isabel.

Pag pinatawag ba siya ni Mrs. Marquez para kausapin, pupunta siya?

"May kasibihan tayo, kung sino ang may kailangan, siya ang lumapit! Maldita talaga, 'no?" tawa niya ulit.

"MONSTER." Sa mga nangyari, kung hihingan siya ng advice ng mga nais sumali sa Binibining Pilipinas in the future, anong mensahe niya sa kanila?

"Unang-una, they have to prepare na ang organizer ng Bb. Pilipinas Charities is a monster! So, they have to be ready for that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga sa pelikula, Clash of the Titans! Armadong-armado si Perseus... Meron siyang agimat at anting-anting, dahil ang kalaban nila is a monster. Same thing, before you join the pageant, make sure you're equipped. And emotionally, psychologically, physically, and mentally ready. And always learn to fight for your rights, 'wag kayong matakot. Because good will always triumph over evil!

"Nagtataka naman ako kung bakit napunta sa isang banyaga ito [Binibining Pilipinas], e, pang-Pilipino yun, e! Pusong Pilipino, utak Pilipino atsaka hindi lang gandang Pinay... Alam naman natin na ang Pilipinas ay isang impoverished country, hindi puwedeng ganyan na elitistang organizer!

"Hindi kagaya ng Miss Earth. Sa Miss Earth, tingnan niyo si Ms Lorraine Shuck, talagang Pilipina, former beauty queen, pusong Pilipino, sobrang compassion niya sa mga Pinoy.

"Nakita mo yung na-disqualify sa Bb. Pilipinas na si Sandra Seifert, reigning Miss Earth Philippines siya ngayon. It's about time na ang organizer ng Bb. Pilipinas Charities ay mapunta sa isang Pilipino, hindi sa isang banyaga!" diin ni Isabel.

Hindi kaya may "lifetime franchise" nang deal ang BPCI sa Miss Universe, Miss World, at Miss International beauty pageants?

"Anong lifetime contract? Well, the only difference is, kasi nga, power trip din ito, e. Sila ang nakabili ng franchise. But I mean, kaya nga hinihintay na lang nating mag-rest in peace si Donya, di ba?" tawa niya.

"Alam mo," patuloy ni Isabel, "this is a free country. Wala naman akong kailangang ikatakot, e. Kailangan sabihin ko 'to. Hindi naman ako natatakot matanggalan ng korona dahil na-relinquish ko yung crown ko, hindi na ako mabubura sa history!

"At saka nagpapasalamat ako kay Stella dahil she brings out the best in me! She's such a major contribution to me being like this!"

Kung kakausapin niya ngayon si Venus, ano ang sasabihin niya?

"Ay naku, papalakpakan ko siya. Bibigyan ko siya ng trophy! I'll tell her, 'Kung ano man ang attitude na ginawa mo was really good. But if I were you, I'll magnify it more!" tawa ni Isabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa ba siya sa magiging reaction ni Mrs. Marquez?

"Elitista nga yun, e, so hindi magre-react 'yon sa mga gaya ko na, kumbaga, maliliit na tao lang. Magre-react yun sa mga elitistang gaya niya. So, don't expect any reaction from her, kasi nga elitista siya.

"I will always be a non-entity for her, mga tulad ko na down-to-earth. Elitista 'yan, e. She'll always say, 'I'll stick to my own level.' Dedma lang siya. Di 'yan le-level sa akin. Kaya nga hindi siya ang dapat na humawak ng Bb. Pilipinas!" ulit niya.

Sino sa palagay niya ang dapat na humawak?

"Kung ako ang tatanungin, marami naman ang puwedeng humawak, e. It can be a former beauty queen, it can be somebody from the corporate world... It can be somebody na may experience diyan.

"It can be Conchitina Sevilla-Bernardo. The difference between her and Stella, yung isa, she has a heart. She's a very down-to-earth person," pagtatapos ni Isabel.

BPCI. Sinubukan din ng PEP na kunan ng reaksiyon ang kampo ni Mrs. Stella Marquez-Araneta sa pamamagitan ng isang text message na ipinadala ng associate editor na si Rommel Llanes ngayong gabi sa Corporate Affairs and PR Manager ng BPCI na si Jenny Inocencio Marcial.

Ito ang kanyang sagot na nakuha namin kaninang 7:57 p.m.: "Will wait for her reaction na lang if me magsabi sa kanya. Am sure she won't be surprised if it came from ms maribel lopez."

Sa mga hindi nakakaalam, si Mrs. Stella Marquez-Araneta ay naging Miss Colombia noong 1959. Siya ang naging representative ng Colombia sa Miss International at Miss Universe beauty pagents noong 1960. Nakuha niya ang koronang Miss International at naging semi-finalist naman siya sa Miss Universe.

Napangasawa niya ang negosyanteng Pilipino na si Jorge Araneta. At mula noong 1964 ay siya na ang naging organizer ng Binibining Pilipinas, na nagpapadala ng mga kandidata para sa Miss Universe, Miss World, at Miss International.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN