Archie Alemania's Q11 stint has consent of Star Magic

Comedian-host Archie Alemania crosses over to Q Channel 11 via the comedy sitcom I Laugh Sabado, which will premiere this Saturday, April 24.


Malaki ang pasasalamat ng komedyanteng si Archie Alemania sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, dahil pinayagan siyang tumawid pansamantala sa Q Channel 11 para gawin ang comedy-variety show na I Laugh Sabado.

Bagamat hindi naman bago ang ganitong set-up ay maituturing na ring unique ang naging sitwasyon ni Archie. Ibang-iba naman kung tutuusin ang kaso ni Archie sa fellow Star Magic talent na si John "Sweet" Lapus sa dahilang napapanood pa rin ang una sa ABS-CBN through Precious Hearts Romances: Love Me Again kahit nasa kabila na rin ito.

"Luckily for me, I'm the first na payagan from ABS-CBN, kung saan may mga shows ako, then Q Channel 11, I'm the first na payagan ng Star Magic to do that. I'm very, very happy kasi siguro din naiintindihan din naman ng Star Magic na kailangan ko lang ng work because I have kids," sabi ni Archie nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, April 20, sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Sa umpisa pa lang daw ay naging malinaw naman ang lahat sa pagitan ni Archie at ng Star Magic. Kailangan kasing dumaan sa audition ni Archie para mapasama sa cast ng nasabing sitcom kaya imposibleng hindi siya magpaalam nang pormal.

"Nung audition pa lang 'to, pinaalam ko na sa kanila and they said yes. So, kung hindi sila papayag na magkaroon ako ng show sa ibang network, dun pa lang sa audition hindi na nila ako papayagan. Kasi siyempre mada-down lang ako dahil may possibility na pumasa ako sa audition tapos hindi pala ako papayagan. Right from the start, alam na nila, so okay na," paliwanag nito.

Kasama ni Archie sa I Laugh Sabado sina Wally Bayola, Alfred Marquez, Gee Canlas, Jana Dominguez, at Paolo Paraiso. Mapapanood ang debut episode nito sa Sabado, April 24, 8:30 p.m. sa Q Channel 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL FRIENDS WITH MICKEY. Mahigit isang taon na magmula nang maghiwalay si Archie at ang kasintahan nitong si Mickey Ferriols. "Personal differences" at hindi third party ang itinuturong dahilan ni Archie kung bakit kailangan nilang tapusin ang kanilang relasyon.

"We're really, really, really good friends," sagot ni Archie nang kumustahin namin ang kasalukuyang relasyon nila ni Mickey.

Hindi naman daw naapektuhan ng kanilang paghihiwalay ang pagiging ama ni Archie sa kanilang anak na si Brent. Buong pagmamalaki ngang ikinuwento ng komedyante na malaya niyang nakikita at nakakasama ang anak kahit pa nasa poder ito ni Mickey.

"Any time puwede kong bisitahin si Brent kahit walang paalam. Minsan nga bigla na lang akong susulpot dun nang walang paalam," nakangiting kuwento ni Archie.

Hindi pa ba siya nakakahanap ng ipapalit kay Mickey?

"I go out sometimes with my friends," seryosong tugon ni Archie. "May dini-date kung minsan. Okay lang naman ako sa pagiging single. 'Tsaka I really need to work kasi magbabayad na naman ako ng tuition ng mga bata."

Pagdating naman daw sa trabaho ay inspirado muli si Archie na doblehin ang sipag para sa kapakanan ng mga anak.

"Basta ako, lagi lang positive thinking," sabi niya. "Suwerte kasi pag positive lagi ang isip mo sa lahat ng bagay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN