Dawn Zulueta attends Bongbong Marcos's miting de avance dinner

May 7, 2016
<p>Dawn Zulueta attended at vice-presidentiable candidate Bongbong Marcos's miting de avance dinner last May 5.</p>

Dumalo ang aktres na si Dawn Zulueta sa naganap na miting de avance dinner ng vice-presidential candidate na si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Huwebes, May 5.

Ito ay base sa mga Instagram post ni Dawn (@dawnzulueta) kahapon, May 6.

Una niyang ipinost ang candid shot ng selfie nila ng senador at sinamahan ito ng caption na: “OK, I focus. You snap @bongbongmarcos. At the #BongBong4VP 'miting de avanse' dinner tonight.”

Nag-post din ang aktres ng picture nila ng anak ni Bongbong na si Sandro.

Ito marahil ay nangangahulugan na si Bongbong ang sinusuportahang vice-presidential candidate ng Kapamilya actress.

Pagdating naman sa presidente, matatandaang nabanggit ni Dawn sa mga nauna niyang interviews na wala siyang planong mag-endorso ng kahit na sinong kumakandidato sa pagka-presidente sa 2016 presidential elections.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang reporters, na inilathala noong September 23, 2015, nabanggit ni Dawn na hindi siya maaasahan na mag-endorso dahil lahat ng mga kandidato ay kaibigan niya.

Continue reading below ↓

“Grace [Poe] is a friend. [Jejomar] Binay, to an extent, is a family friend. Mar [Roxas] is also a family friend.

“So, medyo nahihirapan kami ni Anton [Lagdameo, Dawn’s husband].

“Kapag idinagdag mo pa si [Rodrigo] Duterte diyan, mas mahihirapan kami, kasi siyempre, di ba, Davao kami.”

Read: Dawn Zulueta will not endorse any presidentiable in 2016: 'They're all our friends... ayaw naming makasakit ng damdamin.'

Sa huling presidential debate naman na ginanap noong April 24, nagpahayag si Dawn ng kanyang opinyon sa Twitter.

Subalit nilinaw niyang hindi pa rin siya nag-eendorso ng kahit na sinong presidential candidate.

Read: Dawn Zulueta clarifies she is not endorsing any presidential candidate

Read Next
Read More Stories About
Dawn Zulueta, Bongbong Marcos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Dawn Zulueta attended at vice-presidentiable candidate Bongbong Marcos's miting de avance dinner last May 5.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results