Gumapang Ka Sa Lusak director wishes Rocco Nacino hadn't joined Party Pilipinas

"Gusto ko sana mag-concentrate muna [si Rocco, in photo] sa acting," explained the afternoon soap's director Maryo J. delos Reyes. "Hindi ko kasi na-meet sa kanya ang expectations ko, dahil dapat ay naka-focus muna siya sa isa, otherwise magiging jack of all trades siya, master of none. Kaya sana ay huwag na muna siyang mag-join ng Party Pilipinas, marami pa namang puwedeng sumayaw sa show."


Ang StarStruck V Second Prince winner na si Rocco Nacino ang sumalubong sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press na dumalaw sa taping ng SineNovela Presents Gumapang Ka Sa Lusak last Friday, April 23, sa Alpadi Compound sa Antipolo City.

Pinansin namin agad na pumayat si Rocco.

"Medyo nga po, nagkasunud-sunod po ang trabaho ko. Madalas na kulang na ako sa tulog," sabi ni Rocco. "Pero hindi po ako nagrereklamo. I guess ganito po talaga ang buhay ng isang artista."

Si Direk Maryo J. delos Reyes ay hindi nag-aksaya ng panahon na ipasok agad si Rocco sa Gumapang Ka Sa Lusak after ma-declare itong runner-up sa StarStruck V. Dapat dumaan muna ito sa workshops, pero ang sabi ni Direk Maryo ay kailangan na niya ng aktor na gaganap ng papel na RJ sa istorya.

Napagalitan na ba siya ni Direk Maryo sa pagti-taping niya?

"Minsan po nasabihan niya ako dahil nag-ad lib," sagot ni Rocco. "Kaya po tinandaan ko na iyon na dapat mas mag-stick ako sa dialogues ko."

PHYSICALLY DETERIORATING. Tamang-tamang lumapit sa grupo si Direk Maryo J. at kinumusta namin sa kanya si Rocco.

"Gusto ko nga sana mag-concentrate na lamang muna siya sa acting," sabi ni Direk Maryo. "Hindi ko kasi na-meet sa kanya ang expectations ko, dahil dapat ay naka-focus na lamang muna siya sa isa, otherwise magiging jack of all trades siya, master of none, kaya sana ay huwag na muna siyang mag-join ng Party Pilipinas, marami pa namang puwedeng sumayaw sa show. Gusto kong maka-concentrate siya sa soap hanggang sa ending dahil malaki na ang role niya rito.

"Kayo nga napansin ninyo na pumayat na siya, di tulad noong dati. Tanong ko nga sa kanya kung mas malaki ba ang kita niya sa Party Pilipinas. Kailangan muna niyang pumili ng kanyang priority. He is physically deteriorating. Dapat niyang malaman na television is crazy, di tulad ng movie. Dahil sa pagiging TV star mo, napaka-hectic talaga ng schedule, lalo na kung three times a week ka nagti-taping, tapos may iba ka pang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But so far, nakikita ko naman kay Rocco na may talent siya, iyon nga lamang kailangan niya ang concentration."

Pag-amin naman ni Rocco, "Sana nga po ay makapag-concentrate na rin muna ako sa isang show. Mabigat din pala ang dalawang show.

"Sa Party Pilipinas po kasi, I need two to three days na dance rehearsal, 'tapos may technical rehearsal pa bago ang show. Hindi na nga po ako nakaka-attend ng rehearsal. Tulad po ngayon dapat may rehearsal ako ng dance number ko sa Party Pilipinas, pero may show kami ni Enzo [Pineda] sa Pangasinan. Kaya sa Cebu, na magpu-promote dapat kami ng Party Pilipinas, sina Sarah [Lahbati], Steven [Silva] at Diva [Montelaba] na lamang ang magpu-promote. Sa first flight for Cebu sa Sunday, for Party Pilipinas sa Cebu Convention Center, sabay po kami pupunta roon ni Enzo."

Pero magdi-depend pa rin sa GMA Artist Center kung aalisin muna siya sa Party Pilipinas dahil committed na sila sa show every Sunday.

LEARNING EXPERIENCE. Ano ang feeling niya na among the 14 finalists ng StarStruck V siya pa lang ang may series?

"It's a learning experience po sa akin dahil hindi ko rin in-expect na magkakaroon ako agad ng show. At thankful po ako dahil naging mabait sa akin si Direk Maryo at ang mga kasama ko sa aming soap, sina Dennis [Trillo] at Jennylyn [Mercado]."

Dream come true ba sa kanya ang makasama siya sa Gumapang Ka Sa Lusak dahil sinabi niya noon na crush niya si Jennylyn?

"Masaya nga po ako at dream come true sa akin iyon. Hindi ko nga po in-expect na ganoon kalaki ang magiging role ko. Marami pa pong mangyayaring eksena sa aming dalawa at hanggang sa ngayon, paminsan-minsan, naii-star-struck pa rin ako kay Jennylyn. I'm lucky po na nakasama ko si Jennylyn."

Biniro namin si Rocco kung hindi ba siya nagseselos kapag nakikita niya ang sweetness nina Dennis at Jennylyn on and off camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagseselos nga po ako," natatawang wika ni Rocco. "Hindi po, joke lamang iyon. Happy po kami sa kanilang dalawa."

REAL INSPIRATION. After Gumapang Ka Sa Lusak, sino pa ang gusto niyang makatambal?

"Sana po si Kris [Bernal]. Kahit sandali lamang namin siyang nakasama noon sa acting namin sa StarStruck V, we get along well po. Wacky rin po siya, masayang kasama, mabait pa."

Kung mayroong gustong pasalamatan si Rocco, ito ay ang Mommy Linda niya.

"Siya po talaga ang inspiration ko. Napaka-thoughtful po niya at kapag nakakasama ko siya sa mga events na pinupuntahan ko, ako muna ang inaasikaso niya, bago ang kanyang sarili."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN