In My Life sweeps major awards at the 26th Star Awards for Movies

The film won as Movie of the Year, and its major stars, from left, John Lloyd Cruz, Batangas Gov. Vilma Santos and Luis Manzano, won in the acting categories at last night's 26th Star Awards for Movies.


Big winner kagabi, April 24, sa 26th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang pelikulang In My Life ng Star Cinema at ABS-CBN Productions.

The film won Movie of the Year and Movie Director of the Year for Olivia Lamasan. Nanalo rin para sa pelikula ang tatlong pangunahing artista nito na sina Luis Manzano (Movie Supporting Actor of the Year), John Lloyd Cruz (Movie Actor of the Year), at ang Star for all Seasons na si Ms. Vilma Santos (Movie Actress of the Year).

Nanalo rin ang In My Life sa mga kategoryang Movie Original Screenplay of the Year (Raymond Lee, Olivia Lamasan and Senedy Que) at Movie Cinematographer of the Year (Charlie Peralta).

Hindi naka-attend sa awards night sina Gov. Vi, dahil may kasabay na kampanya, at si John Lloyd, na umano'y may sakit kaya nagpaabisong hindi makakadalo.

Unang Best Actor award ito ni John Lloyd sa parangal pampelikula ng PMPC, pero nanalo na siya as Best Supporting Actor noong 2006 para sa Dubai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Luis Manzano, panganay na anak ni Vilma, ang tumanggap ng tropeyo para sa kanyang actress-mom. Pampitong Best Actress award na ito ni Vilma mula sa PMPC Star Awards for Movies, having won the same award for her performances in the following films: Ishmael Bernal's Pahiram ng Isang Umaga (1989), Laurice Guillen's Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Chito Roño's Bata... Bata... Paano Ka Ginawa? (1998), Rory Quintos' Anak (2000), Chito Roño's Dekada '70 (2002), and Joel Lamangan's Mano Po 3: My Love (2004).

Si Gloria Diaz ang nagwaging Movie Supporting Actress of the Year para sa indie movie na Sagrada Familia ni Direk Joel Lamangan. Ang tumanggap ng kanyang trophy ay ang kanyang daughter na si Isabelle Diaz Daza.

Naging mahigpit na katunggali ng In My Life ang mga pelikulang Kimmy Dora ng Spring Films, na idinirek ni Joyce Bernal; at Ang Panday ng GMA Films, na idinirek ni Mac Alejandre.

Nagwagi ang Kimmy Dora ng dalawang technical awards, para sa musical score ni Brian Cua at editing ni Theresa Vanessa de Leon. Tatlo naman ang napanalunan ng Ang Panday: Best Movie Sound Engineer (Ditoy Aguila), Best Production Design (Richard Somes), at Best Original Theme Song ("Tanging Ikaw," komposisyon ni Ogie Alcasid).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin nakarating sa awards night si Ogie Alcasid kaya ang tumanggap ng kanyang award ay ang singer-actress na si Regine Velasquez.

DIGITAL CATEGORY. Sa Digital Movie Category, naghati-hati sa panalo ang mga pelikulang Dinig Sana Kita ni Mike Escareal Sandejas, Astig ni GB Sampedro, Puntod ni Cesar Apolinario, at Lola ni Brillante Mendoza.

Apat ang napanalunang tropeyo ng obra ni Sandejas: Best Movie Sound Engineer, Best Musical Score, Best Movie Original Theme Song ("Sana Ako Ay Marinig" by Francisbrew Reyes, as interpreted by Zoe Sandejas), at Best New Male Actor para kay Romalito Mallari, ang deaf actor na nadiskubre ni Direk Mike para sa semi-autobiographical role nito sa pelikulang tungkol sa nabuong pagkakaibigan ng isang deaf student at isang troubled teenage rocker (portrayed by Zoe Sandejas).

Tatlong parangal ang naiuwi ng Puntod: Best Digital Movie and Best Director (Cesar Apolinario) at Best New Female Actress para kay Barbie Forteza. Dalawang award ang napanalunan ng Astig: Best Digital Movie Editing (Charliebebs Gohetia) at Best Original Screenplay (Jerry Gracio).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang internationally-acclaimed director na si Brillante Mendoza ay nagwaging Best Digital Movie Production Designer para sa obra niyang Lola, na nagwagi rin ng Best Digital Cinematography award para kay Odyssey Flores. Kasalukuyang nasa New York si Mendoza kaya ang isa niyang staff, si Cris Garrido, na bidang artista sa ginagawang bagong pelikula, ang tumanggap ng tropeyo para sa kanya.

Nagsilbing hosts sa gabi ng parangal sina Boy Abunda, Ruffa Gutierrez, at Ms. Lorna Tolentino na siya ring nahirang na Female Star of the Night, kapareha ni Jericho Rosales bilang Male Star of the Night.

Ang iba pang special awards ay ang I-White Celebrity of the Night (Bangs Garcia), Male Face of the Night (Luis Manzano), at Female Face of the Night (Iza Calzado).

Ang Ulirang Artista Lifetime Achievement Award ay ipinagkaloob sa veteran actress of the '60s na si Ms. Gina Pareño. Hinarana siya ng isang awitin mula kay Christian Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang 26th Star Awards for Movies ng PMPC, sa bagong pamunuan ng manunulat-kolumnistang si Melba Llanera, ay ginanap sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University, sa Quezon City.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi:

MOVIE ACTOR OF THE YEAR: John Lloyd Cruz (In My Life)
MOVIE ACTRESS OF THE YEAR: Vilma Santos (In My Life)

MOVIE SUPPORTING ACTOR OF THE YEAR: Luis Manzano (In My Life)
MOVIE SUPPORTING ACTRESS OF THE YEAR: Gloria Diaz (Sagrada Familia)

DIGITAL MOVIE OF THE YEAR: Puntod (ADC Productions)
MOVIE OF THE YEAR: In My Life (Star Cinema)

DIGITAL MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR: Cesar Apolinario (Puntod)
MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR: Olivia Lamasan (In My Life)

DIGITAL MOVIE SCREENPLAY OF THE YEAR: Jerry Gracio (Astig)
MOVIE ORIGINAL SCREENPLAY OF THE YEAR: Raymond Lee, Olivia Lamasan and Senedy Que (In My Life)

NEW MOVIE ACTOR OF THE YEAR: Romalito Mallari (Dinig Sana Kita)
NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR: Barbie Forteza (Puntod)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVIE CHILD PERFORMERS OF THE YEAR: Mica dela Cruz (T2) and JP Mesde (Tulak)

DIGITAL MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR: Odyssey Flores (Lola)
MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR: Charlie Peralta (In My Life)

DIGITAL MOVIE EDITOR OF THE YEAR: Charliebebs Gohetia (Astig)
MOVIE EDITOR OF THE YEAR: Theresa Vanessa de Leon (Kimmy Dora)

DIGITAL MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR: Brillante Mendoza (Lola)
MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR: Richard Somes (Ang Panday)

DIGITAL MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR: "Sana Ako Ay Marinig" (Dinig Sana Kita)
MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR: "Tanging Ikaw" (Ang Panday)

DIGITAL MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR: Francis Brew Reyes (Dinig Sana Kita)
MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR: Brian Cua (Kimmy Dora)

DIGITAL MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR: Ronald de Asis and Mark Locsin (Dinig sana Kita)
MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR: Ditoy Aguila (Ang Panday)

MALE STAR OF THE NIGHT: Jericho Rosales

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FEMALE STAR OF THE NIGHT: Lorna Tolentino

MALE FACE OF THE NIGHT: Luis Manzano

FEMALE FACE OF THE NIGHT: Iza Calzado

I-WHITE CELEBRITY OF THE NIGHT: Bangs Garcia

DARLING OF THE PRESS: Donna Villa

ULIRANG ALAGAD NG PELIKULA SA LIKOD NG KAMERA: Carlo J. Caparas

ULIRANG ARTISTA LIFETIME ACHIEVEMENT AWARDEE: Ms. Gina Pareño


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN