PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

D' Survivors' Rocky Salumbides says nude shot in coffee-table book was for a good cause

Proceeds from the book sale went to tsunami victims.
by Ruel J. Mendoza
Published Apr 25, 2010
The model turned actor gets a taste of showbiz glare: "Bungad [ng reporter] sa akin yung tungkol sa nude pictorial na ginawa ko for a coffee-table book. Pinakita niya sa akin yun sa cell phone niya. 'Tapos tinanong ako kung ako raw ba iyon? May iba pa raw bang pictures na gano'n na mas malaswa? Tapos pinakita pa niya sa ibang tao sa paligid namin yung photo. So parang napapahiya na ako. Kaya imbes na sagutin ko ang mga questions niya, umalis na lang ako."

Nagulat si Rocky Salumbides na may negative impression pala sa kanya ang entertainment press. Sabi nila, madalas kasi siyang umiiwas sa mga interview, kaya nagkaroon siya ng reputasyon na suplado.

Pero gustong itama ngayon ni Rocky itong wrong impression sa kanya. Sa press launch para sa pelikulang D' Survivors ng Astral Productions, kunsaan ipinakilala siya together with Japanese-Brazilian models Daniel Matsunaga, Fabio Ide at Akihiro Sato, naging very accommodating nga si Rocky sa mga gustong mag-interview sa kanya.

APPROACHABLE. "Hindi ko alam na may ganyang impression pala sa akin. Wala namang problema sa akin kung ma-interview ako ng press kasi kasama 'yan sa trabaho na pinasok ko," sabi ng binata.

"Nai-interview naman ako pero hindi yung madalas kasi wala naman akong projects pa, especially after ng Pinoy Big Brother. Kapag may nag-approach naman sa akin, nagpapa-interview ako. Sabi nga ni Eula [Valdes, his girlfriend], masyado nga raw akong prangkang sumagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun talaga ako, e. Siguro nga hindi pa ako sanay masyado sa mga interviews kaya kung ano ang itanong sa akin, direkta kong sinasagot," ngiti pa ni Rocky.

OFFENDED BY REPORTER. Minsan lang daw ginawang umiwas ni Rocky sa isang interview dahil pakiramdam niya ay binastos siya ng reporter.

"Masyado lang ako na-offend sa mga tanong niya sa akin," diin ni Rocky.

"Bungad kasi niya sa akin yung tungkol sa nude pictorial na ginawa ko for a coffee-table book. Pinakita niya sa akin yun sa cell phone niya. 'Tapos tinanong ako kung ako raw ba iyon? May iba pa raw bang pictures na gano'n na mas malaswa? So medyo na-offend ako doon. Tapos pinakita pa niya sa ibang tao sa paligid namin yung photo. So parang napapahiya na ako. Kaya imbes na sagutin ko ang mga questions niya, umalis na lang ako.

"Hindi naman uminit ang ulo ko. Nainis lang ako because puwede naman niya akong i-approach in a different way. Yung maayos naman, hindi yung parang sinisita niya ako tapos dinuduldul pa yung cell phone niya sa mukha ko. Kaya umiwas na lang ako kasi baka kung ano pa ang masabi o magawa ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NUDITY FOR A CAUSE. Ang nude photo ni Rocky ay lumabas sa isang coffee-table book titled Super Stars ng sikat na Singaporean photographer na si Leslie Kee. Si Rocky ang nag-iisang Pinoy na napasama sa libro.

"I met Leslie Kee noong nagmo-model pa ako sa Singapore. I did a pictorial with him in China. Tapos nga, isa ako sa mga models na napili niya to be part of his coffee-table book. It's actually a charity photo book. Yung pinagbentahan ng book nga ay napunta sa isang organization that helped the countries na naapektuhan ng tsunami tragedy.

"When they presented me the concept of the pictorial, nagustuhan ko naman. Kasi makakasama ko sa book ay mga kilalang models sa buong Asia. So natuwa naman ako because isa nga ako sa napili. Lahat naman ng models, babae man o lalake, may isang nude shot talaga. They only took one shot of me na hubo't hubad talaga at yun ang kumalat sa Internet.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"It was an artistic shot at wala akong regrets nang gawin ko iyon. Unang-una si Leslie Kee, sikat siyang photographer sa buong Asia. He did covers for international fashion magazines like Vogue and Cosmopolitan. He also did fashion shoots for designer brands like Louis Vuitton, Gucci, Prada at marami pang iba. Kaya it's something that I am proud of doing."

HIS START AS FASHIONISTA. Late na nga raw nagsimula sa modeling si Rocky whose real name is Alvin Kirby Salumbides. He started modeling in 2004 pagkatapos siyang ma-discover ng celebrity makeup artist na si Jinky Ilusorio.

"I was playing basketball noon for Trinity College. Nasa intercollegiate team ako. Nakilala ko si Jinky through a common friend at tinanong niya ako kung gusto ko bang subukan ang modeling. Sumagot ako sa kanya after a year pa kasi nga mas gusto kong maging basketball player. Noong pakiramdam ko na ready na ako, doon lang ako tumawag sa kanya, 'tapos nagtuluy-tuloy na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula sa iba't ibang fashion shows si Rocky hanggang sa isali siya sa MTV Fashionistas. Nanalo siya bilang Best Male Model at pinadala siya sa Best Models of the World sa Istanbul, Turkey.

"Third runner-up ako sa contest na iyon. First time na isang Pinoy male model ang makaabot sa finals. That opened doors for me sa international modeling. Since then I've been based in Singapore and did photo shoots in China, Hong Kong, London and in Cape Town, South Africa."

STILL NO ABS-CBN PROJECT. Ngayon nga, pinasok na niya ang mundo ng showbiz.

"Yung pagsali ko sa PBB last year, it was a stepping-stone for me na maka-penetrate sa entertainment field. I've done a lot na in modeling kaya gusto ko naman na sumubok ng ibang trabaho.

"After shooting D' Survivors with Direk Adolf Alix Jr., na isang comedy, drama naman ang next indie movie na natapos ko, titled Tarima with Fanny Serrano, Chokoleit and Ms. Gloria Romero."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pinirmahang one-year contract si Rocky sa ABS-CBN after ng kanyang voluntary exit sa PBB. Noong November 2009 pa raw siya pumirma pero wala naman daw project na ibinibigay sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano ang plano nila for me since kinontrata nila ako for one year. Kinakausap nga sila ng manager ko kung ano ba ang mangyayari. Kung wala naman daw silang planong bigyan ako ng project, might as well na i-release na ako from the contract.

"May mga gusto kasing kumuha sa akin pero hindi namin matanggap ng manager ko because of that contract. Kaya sana nga maayos na 'yan para makapagtrabaho naman ako sa iba na walang problema."

MARRIAGE IS NOT PRIORITY. One year and a half na ang relasyon nila ni Eula Valdes. Sa October ng taong ito nila ise-celebrate ang kanilang second anniversary. Nagsimula ang magandang pagtitinginan nila nang magkasama sila sa isang music video shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We started out as friends muna... Alam ko na may asawa siya pero hindi ko alam na may problema na pala sila noon. Niligawan ko na lang si Eula noong sabihin niya na naghiwalay na sila ng husband niya. Hindi ko naman papasukan ang isang bagay kung alam kong magkakaproblema."

Hindi pa annulled ang kasal ni Eula sa mister nitong si Richard Litonjua at ayaw siyang i-pressure ni Rocky tungkol sa usaping 'yan.

"Ang alam ko, inaasikaso na 'yan ni Eula. Hanggang doon lang ang alam ko. Ayokong i-pressure si Eula. Alam ko na mahabang proseso pa 'yan and I am willing to wait. Ganyan ko siya kamahal," ngiti niya.

May plano ba silang magpakasal ni Eula once na ma-annul na ang marriage nito?

"Sa ngayon, it's not a priority. Hindi namin iniisip ang pagpapakasal. Nagawa na kasi 'yan ni Eula ng dalawang beses na and hindi ko alam if she wants to do it for the third time. Na kay Eula ang desisyon na 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero sa samahan namin, hindi mo na iisipin na kailangan pa ng kasal. Okey naman kami and maganda ang relasyon ko rin sa mga anak niya. They call me Rocky lang. They don't call me tito or daddy. Gusto ko ay yung parang magbabarkada lang kami."

AGE GAP IS NON-ISSUE. Sampung taon ang agwat ng edad nina Rocky at Eula. In her 40s na si Eula samantalang magti-30 pa lang si Rocky this August. Pero wala naman daw nakikitang problema si Rocky sa pagsasama nila despite their age gap.

"As long as maganda ang samahan ninyo, hindi issue ang edad. Para sa akin, mas gusto ko ang mature women kasi mas open-minded sila at wala na yung tinatawag na attitude. Kumbaga, marunong na silang umintindi at mahaba na ang pasensiya nila. Mas marami na kasi silang napagdaanan na dadaanan mo pa lang.

"'Tsaka maganda rin yung paminsan-minsan, napagsasabihan ka, kinokorek ka sa ilang bagay na ginagawa mo. Kailangan naman natin lahat ng isang taong mas malawak ang pag-iisip kasi sa kanya tayo matututo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Rocky Salumbides, Eula Valdez
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The model turned actor gets a taste of showbiz glare: "Bungad [ng reporter] sa akin yung tungkol sa nude pictorial na ginawa ko for a coffee-table book. Pinakita niya sa akin yun sa cell phone niya. 'Tapos tinanong ako kung ako raw ba iyon? May iba pa raw bang pictures na gano'n na mas malaswa? Tapos pinakita pa niya sa ibang tao sa paligid namin yung photo. So parang napapahiya na ako. Kaya imbes na sagutin ko ang mga questions niya, umalis na lang ako."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results