Mark Herras says performing with the Cebu Dancing Inmates is a "once-in-a-lifetime opportunity"

"Maraming-maraming salamat dahil nabigyan ako ng opportunity na makasayaw silang lahat. Once in a lifetime experience ito, di ba? At puwedeng hindi na maulit ito," says Mark Herras about performing with the world-renowned Cebu Dancing Inmates.


Nagkaroon ng pagkakataon ang "Bad Boy of the Dance Floor" na si Mark Herras na makasayaw ang world-famous Dancing Inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center. Ito ay para sa special episode ng Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas na ginanap sa Cebu.

Ipinakita nga sa Showbiz Central kahapon, April 25, ang ilang behind-the-scenes footage ng rehearsal ni Mark with the Dancing Inmates na naging opening number ng Party Pilipinas kahapon din.

Kuwento ni Mark, sobrang napabilib siya sa Dancing Inmates ng Cebu.

"Ang galing!" bulalas niya. "Synchronized, e, synchronized masyado silang sumayaw. Mas synchronized sila sa aming sumayaw. Ang blocking nila, dance steps nila, pare-parehas silang sumayaw. Bihira akong makakita nun.

"Atsaka, sa init pa at nasa tapat pa sila ng kainitan ng araw, ha... Kahit kami sa Party Pilipinas, hindi kami makagawa ng perfect blocking nang sabay-sabay. Pero sila, talagang taas ang kamay ko sa kanila."

Naging kapansin-pansin naman daw na bukod sa bigay-todong performance ni Mark, malapit din daw sa puso ng young actor ang Cebu inmates.

"Yung erpats [biological father] ko dati, galing din sa kulungan, di ba? So, masarap siyempre. It's an honor para makasayaw silang lahat," sabi niya.

Bukod sa naging part siya ng isang rare special dance moment, masaya raw siya dahil sa baon niyang karanasan from Cebu.

Ani Mark, "Nakita n'yo talaga na lahat ng Pinoy, kahit sa buong mundo, ay talented pagdating sa pagsayaw. I'm sure ipinagmamalaki ito hindi lang sa buong Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Maraming-maraming salamat dahil nabigyan ako ng opportunity na makasayaw silang lahat. Once in a lifetime experience ito, di ba? At puwedeng hindi na maulit ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN