Popularity of stand-up comics makes Wally Bayola proud

"By respeto hindi na ako nagtatanong. Kung mag-open up naman siya siyempre nakikinig ako, especially kung wala kami sa trabaho. Siyempre pag trabaho kasi puro kalokohan nang ginagawa namin," comedian Wally Bayola told PEP (Philippine Entertainment Portal) concerning Jose Manalo's legal troubles.


"Kuya" kung ituring ng kanyang mga kasama sa I Laugh Sabado ang komedyanteng si Wally Bayola.

Ang I Laugh Sabado ang newest comedy-variety show ng Q Channel 11 na mapapanood tuwing Sabado ng gabi. Kasama ni Wally sa nasabing show sina Paolo Paraiso, Gee Canlas, Jana Dominguez, Jan Manuel, Alfred Marquez, at Archie Alemania.

Dahil beterano na rin siya sa larangan ng comedy, paminsan-minsan may lumalapit na co-stars kay Wally para humingi ng tips pagdating sa ilang eksena.

"Minsan nagtatanong din sila and I do give them advice. Pero sabi ko naman sa kanila just do your craft and 'wag kayong mag-expect, mamaya ma-disappoint kayo sa akin!'" natatawang sabi ng komedyante nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa ibinabahagi ni Wally ay ang kahalagahan ng magandang samahan sa lahat ng bumubuo ng nasabing gag show. Natutunan daw ni Wally ang importansya ng "genuine camaraderie" noong nagsisimula pa lang siya bilang isang stand-up comedian at nang mapasama siya sa masayang grupo ng Eat Bulaga!.

"Sabi ko nga sa kanila dito, 'Pag may taping tayo, 'wag lang kayo mag-stay sa dressing room. 'Wag nating ubusin 'yong oras natin na nakatambay lang tayo para magpa-makeup'. Sabi ko, 'Let's sit together na nasa isang table lang tayo, usap-usap tayo ng kahit ano lang, kahit nonsense at least magkakaharap tayo at para ma-motivate natin 'yong relationship natin.'"

Malaking bagay raw ang bonding moments para sa mga komedyante sa dahilang hindi maiiwasan na magkaroon ng "physical comedic scenes."

Paliwanag ni Wally, "Importante na magkagaan kayo ng loob para mawala 'yong walls. Pagpunta natin sa set, wala nang ilangan particularly dun sa mga scenes na kunwari babatukan ako o itutulak. Kasi even sa akin, sa part ko, puwede rin ako mahiya kung bihira kaming nakakapag-usap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY FOR COLLEAGUES' SUCCESS. Kasama si Wally sa listahan ng mga komedyanteng nagsimula bilang performer sa comedy bars bago pinalad na makapasok sa showbiz. Sa kasalukuyan nga ay patuloy ang pagdami ng bilang ng stand-up comedians na umaangat ang pangalan at kabuhayan dahil na rin sa sunud-sunod na proyekto sa harap at likod ng kamera.

"Actually nung nag-start ako noon sa The Library, ang mga kasabayan ko talaga ay si Teri Onor, si Pooh, si Kim Idol, tapos ako. Ang tawag sa amin ay Kwatro Kantos 'tapos paisa-isa naging artista. Masaya kasi nung nag-start kami, meron kaming ginayahang grupo—sina Allan K, Philip Lazaro, Arnel Ignacio, tapos meron pang isa.

"Masaya kasi naging artista din lahat kaya minsan nagkikita-kita kami at nagkukumustahan kasi, siyempre, mahirap na ring magtagpo-tagpo, may mga kanya-kanya na din kaming trabaho, 'tapos may mga sari-sariling network din. Maganda naman na kahit papaano nagkakaroon ng development lahat ng pinaghirapan namin," saad ni Wally.

MISSING JOSE. Masaya rin si Wally sa unti-unting pagsigla muli ng career ng partner sa pagpapatawa na si Jose Manalo. Pansamantalang nawala si Jose sa Eat Bulaga! matapos masangkot ang kanyang asawa sa isang jewelry scam lawsuit.

Bagamat hindi pa rin naman tapos ang problemang kinakaharap ay balik-trabaho na ulit si Jose bilang regular ng Eat Bulaga!.

"Bakas sa mukha niya na na-miss niya 'yong trabaho... Nanumbalik 'yong sigla niya," sabi ni Wally. "Kahit ako sa sarili ko, naisip ko ibang klase talaga 'yong chemistry namin kasi kahit matagal siyang nawala sa trabaho, pag nag-live show kami, maski walang practice, nandun agad 'yong tinginan o pakiramdaman lang, kuha na agad namin 'yong batuhan ng linya. Ibang klase talaga 'yong energy naming dalawa."

Hangga't maari ay iniiwasan ni Wally na magtanong tungkol sa personal na buhay ng kaibigan. Hindi naman daw makuwento si Jose, lalo na pagdating sa gusot na kinasangkutan nilang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi siyempre, pag magkasama kami sa trabaho, puro kalokohan na ginagawa namin. Mas mabuti na rin 'yon kasi siguro nakakatulong 'yong trabaho namin para mawala sa isip niya 'yong problema. Pero sabi ko rin sa kanya na stay positive lang tayo lagi, kasi kahit anong problema maayos at maayos din 'yan. Sabi nga rin ni Bossing [Vic Sotto], you cannot put a good man down," nakangiting pahayag ni Wally.

Ganun din daw ang ginagawa ng buong Eat Bulaga! barkada sa kasama nilang si Toni Rose Gayda na recently lang ay namatayan ng anak.

"Nasa level pa rin siya ng pag-a-adjust," seryosong sabi ni Wally. "Pero kami naman, hindi kami nag-uusap ng anything na posibleng mapunta lang dun na maaalala niya 'yong nangyari. Gaya rin nung kay Jose, hindi naman tayo bibigyan ng challenge na hindi natin kayang lutasin and I'm sure kayang-kaya ni Toni Rose 'yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN