PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jhake Vargas gets emotional as he talks about his mom who has colon cancer

Jhake's mom has Stage 4 colon cancer.
by Rose Garcia
Published Apr 27, 2010
"Ang cancer, hindi naman po nawawala, di ba, pabalik-balik. Chemo po siya nang chemo. Okay naman po siya ngayon, malakas naman po siya ngayon. Nagpapasalamat po ako sa Itaas na binibigyan pa po siya ng lakas ng loob para kasama pa namin siya," says Jhake Vargas about his mom who is battling colon cancer.

Minsan na ring nasulat dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pagkakaroon ng Stage 4 colon cancer ng ina ng teen actor na si Jhake Vargas. Simula pa lang daw noong 2004 ay nilalabanan na ng ina ni ni Jhake ang naturang sakit.

Sa panayam ng Showbiz Central noong Linggo, April 25,ay naging emosyunal ang binata nang mapag-usapan ang tungkol sa kalagayan ng kanyang ina ngayon. Bagamat tuluy-tuloy ang trabaho ni Jhake bilang isang artista—isa siya sa mga bida ng First Time—ay pasan-pasan pa rin niya ang malubhang karamdaman ng kanyang ina.

"Okey naman po siya ngayon. Ang cancer, hindi naman po nawawala, di ba, pabalik-balik. Chemo po siya nang chemo. Okay naman po siya ngayon, malakas naman po siya ngayon. Nagpapasalamat po ako sa Itaas na binibigyan pa po siya ng lakas ng loob para kasama pa namin siya," pahayag ng teen star.

Bagamat mabuti ang pakiramdam ngayon ng kanyang ina, alam ni Jhake na walang kasiguraduhan ang kalagayan nito. Kaya naman hindi maalis ang pag-aalala at suporta ni Jhake sa kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mahal na mahal po. Kahit na hirap na hirap na siya, okey naman po, suporta pa rin siya sa amin," naiiyak na sabi ni Jhake tungkol sa kanyang ina.

Dugtong pa niya, "Pinag-iigihan ko na lang po ang trabaho ko. Kahit paano, nagiging masaya siya para sa akin. Kapag nakikita niya ako sa TV, lumalakas siya."

Katuwang ni Jhake sa pagpapagamot sa ina ang tumatayo niyang tatay-tatayan sa showbiz at talent manager na si German "Kuya Germs" Moreno.

"Malaking tulong po sa akin. Maraming salamat po sa inyo. Lalo na yung, kayo po ang tatay-tatayan ko sa showbiz," mensahe ni Jhake kay Kuya Germs.

May pangako pa raw si Jake sa kanyang ina na gusto nitong matupad.

"Pangako ko sa kanya na madala ko siya sa ibang bansa," aniya.

Sa pagitan ng pag-iyak, nasabi nga ni Jake sa kanyang ina na, "Ma, pasensiya kung minsan, napapasama ko ang loob niyo. Sorry kung yung mga nangyayari na pangit. Sorry. Mahal na mahal ko po kayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang cancer, hindi naman po nawawala, di ba, pabalik-balik. Chemo po siya nang chemo. Okay naman po siya ngayon, malakas naman po siya ngayon. Nagpapasalamat po ako sa Itaas na binibigyan pa po siya ng lakas ng loob para kasama pa namin siya," says Jhake Vargas about his mom who is battling colon cancer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results