Dingdong Dantes keeps in touch with Marian Rivera's father

Actor Dingdong Dantes denies the engagement rumor between him and girlfriend Marian Rivera. "Wala pa naman. Basta we're taking it easy lang," said Dingdong at the press conference of You To Me Are Everything held last night, April 27.


Very laid-back ang naging press conference ng pelikulang You To Me Are Everything kagabi, April 27, sa Imperial Palace Suites sa Quezon City.

Present siyempre ang dalawang lead stars ng movie na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, pati na rin ang direktor na si Mark Reyes. Sabay na dumating ang magkasintahan sa function room ng hotel kung saan naghihintay ang Regal matriarch na si Lily Monteverde, kasama ang anak na si Roselle Montevrede-Teo at GMA Films executives Joey Abacan at Annette Gozon-Abrogar.

Gagawin ang premiere night ng You To Me Are Everything sa Linggo, May 2, sa SM Megamall Cinema 10. Sa May 5 naman nakatakda ang regular showing ng proyekto na co-produced ng GMA Films at Regal Entertainment.

NOT RUSHING. Bagamat kapwa may naiwang trabaho sina Dingdong at Marian noong gabing 'yon ay nagpaunlak naman ang dalawa ng interview sa grupo ng entertainment reporters na dumalo sa pagtitipon.

Curious pa rin siyempre ang marami na malaman kung talaga nga bang may plano na ang dalawa na magpakasal, lalo pa ngayon na very open na sila sa kanilang romantic involvement sa isa't isa kumpara noon. Lalong lumakas ang haka-haka matapos magsalita si Dingdong na "gustong-gusto" na niyang magkaanak katulad ng matalik na kaibigan na si Paolo Contis.

Kagabi ay muling nilinaw ni Dingdong na bagamat aminado siya na bukas siya sa posibilidad na maging ama, hindi rin naman sila nagmamadali ni Marian na lumagay sa tahimik. (CLICK HERE to read related story.)

"Isa siyang sensitive matter para pag-usapan and kung ano man 'yong gawin namin, responsable naming ita-tackle ang mga bagay," seryosong tugon ni Dingdong.

Hindi raw sapat na batayan lamang ang edad, pagmamahalan at financial stability para magdesisyon agad ang dalawang tao na magpakasal.

"Magkaibang bagay pag manggaling 'yong udyok o kaya 'yong idea from other people, maaaring dahil 'yon ang nakikita nila o 'yon yung pananaw nila. Iba rin 'yong galing sa amin kasi we don't see things like others do. Pero at the end of the day, ang pinakamalakas na senyales o basehan, e, 'yong tamang panahon, 'yong tamang pakiramdam. And siguro it will all be based sa isang magandang signal from God and dun ako umaasa talaga," paliwanag ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ASKING FOR HER DAD'S BLESSING? Ayaw sabihin ni Dingdong kung may plano na ba siyang mag-propose sa kasintahan. "Weird" naman daw kung idedetalye niya sa media at sa publiko ang naiisip niyang sorpresa, lalo pa nga't siguradong makakarating ito mismo kay Marian.

"Ako kasi, pag nag-isip ako ng isang bagay, talagang nagiging memorable. Ganun na lang, iwan muna natin at that," matipid na sagot ni Dingdong.

Hindi maiwasang kulitin si Dingdong kaugnay sa proposal at engagement sa dahilang recently lang ay nagkausap sila ng ama ni Marian na naka-base sa Spain. Masayang ibinalita ng binata na tuloy pa rin ang komunikasyon nila ilang buwan matapos niyang personal na makilala ang tatay ni Marian.

Ano nga ba ang napag-usapan nilang dalawa sa telepono?

"Wala," nakangiting sagot ni Dingdong. "Tinanong ko lang kung kelan siya darating. Baka matuloy pa rin naman... Ia-update niya raw kami."

Hindi raw makakalimutan ni Dingdong ang payo ng ama ni Marian sa kanya.

"Basta kung saan ka masaya 'yon ang gawin mo. Hindi mo madadala ang kahit anong kayamanan o materyal na bagay sa totoong kaligayahan and kung ano mang meron ka ngayon, you still have to be humble about it."

Baka naman sa mga payo na ibinibigay sa kanya ay katumbas na rin ito ng pagbibigay ng basbas sa kanila ni Marian para tuluyang magpakasal na?

"Ayoko naman isipin na ganun," mabilis na depensa ni Dingdong. "Because we really didn't have formal talks about serious matters. Walang ganung usapan talaga."

Pero hindi rin naman ikinaila ng aktor na malaking bagay siyempre kung maririnig niya mismo sa bibig ng ama ni Marian na boto ito sa kanya para sa dalagang anak.

"It is something that I am looking forward to and I think it would be a separate event, separate na pag-uusap. Kasi 'yong talagang objective niya [Marian] nung nagpunta siya dun, e, makita lang 'yong tatay niya na matagal niyang hindi nakita," pahayag ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN