Dingdong Dantes says he and Marian Rivera do not have to go abroad to marry

"Kung dadating ang araw na gagawin namin yun, dito sa Pilipinas yun mangyayari. Gusto naming i-share yun hindi lang sa aming pamilya kundi sa mga kaibigan namin, sa mga sumusuporta sa amin na nandito sa Pilipinas. Hindi na namin kailangang pumunta pa ng ibang bansa," says Dingdong Dantes about speculations that he and Marian Rivera plan to get married abroad.


Excited na si Dingdong Dantes sa nalalapit na showing on May 5 ng pelikula nila ni Marian Rivera na You To Me Are Everything under GMA Films and Regal Entertainment.

"Excited, at the same time may kaba rin kasi hindi namin alam kung paano tatanggapin ng moviegoers yung movie. But we are confident naman na maganda yung movie and siguradong mag-e-enjoy sila sa panonood," sabi ni Dingdong nang ma-interview siya ng PEP (Philipine Entertainment Portal) sa presscon ng You To Me Are Everything sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City noong April 27.

Hindi ba siya nagsasawa sa pangungulit ng mga tao tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Marian?

"Hindi naman. Ganun talaga, e. Kami naman, what you see is what you get, so hindi namin kailangang magdetalye. We're very happy and si Marian ay napakaespesyal na tao sa akin," sagot ng matinee idol.

Medyo nahihiya naman si Dingdong na pag-usapan ang tungkol sa diumano'y pagsusuot niya ng G-string sa movie. Isa ba ito sa mga aabangang eksena sa movie?

"Hindi ko naman masasabing aabangan. Ito yung eksena na tatawa ka. It's a feel-good scene that will give you a good laugh."

ENDLESS LOVE. Tuluy-tuloy din daw ang pagsasama nilang dalawa ni Marian sa mga project dahil bukod sa movie ay gagawin na rin nila ang bagong teleserye nila sa GMA-7, ang Endless Love. Magsisimula sila ng taping by Friday, April 30.

Saan gagawin ang taping nila?

"Hindi ko pa alam. Pero sabi nga mag-start na raw. Baka siguro dito muna sa GMA."

Hindi pa rin daw makapagbigay ng detalye si Dingdong sa unang eksenang ite-tape nila for Endless Love. Pero nagkuwento naman siya tungkol sa isinagawa nilang workshop.

"Nag-workshop kami kay Direk Mac Alejandre. Basically in-explain lang kung ano yung mga roles namin. Wala naman kaming ginawa or hindi naman kami tinuruan kung paano umarte o iarte yung roles namin. Pero siguro kung paano namin mai-a-apply yung kung gaano namin kakilala ang isa't isa para magawang mas maganda yung mga eksena. Kumbaga, how we can take it to our advantage," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, wala na yung mga inhibition exercises?

"Parang ganun. Wala na yung mga ganun."

ONE MONTH OUT OF THE COUNTRY. Bukod sa mga projects nila ni Marian dito sa Pilipinas, nakatakda rin silang umalis sa Mayo para naman sa series of shows nila sa U.S. with Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Isang buwan silang mawawala kaya nag-a-advance na sila ng taping para sa Endless Love.

Sa pagpunta nila sa U.S., handa na ba silang makunan ulit ng photos ng paparazzi katulad ng nangyari noon sa Singapore na nakunan silang magkaakbay habang nagsa-shopping?

"Okay lang kasi wala naman kaming balak na gawing hindi maganda, e. So kumbaga, kung may makakita kung saan man kami pumunta, okay lang yun. Kumbaga, rock and roll!" natatawang sabi ni Dingdong.

Na-excite ba sila na isang buwan silang magsasama ni Marian doon?

"Iba yun atsaka sa ibang bansa pa, bibiyahe kami. Hindi mo alam kung nagtatrabaho ka ba o nagbabakasyon, masaya," sagot niya.

Sinisigurado naman ni Dingdong na hindi sila magpapakasal ni Marian doon tulad ng iniisip ng ilan.

"Mahal namin ang Pilipinas. Kung dadating ang araw na gagawin namin yun, dito sa Pilipinas yun mangyayari. Gusto naming i-share yun hindi lang sa aming pamilya kundi sa mga kaibigan namin, sa mga sumusuporta sa amin na nandito sa Pilipinas. Hindi na namin kailangang pumunta pa ng ibang bansa," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN