Cesar Montano still suffering from his son's death

"Gusto kong sisihin yung sarili ko. But it's stupid to do. Sisihin kung sino, but it's stupid to do. I wanted to discuss a lot of things. Bakit? I want to be alone, yung ganun lang. Gusto ko siyang kausapin," says Cesar Montano.


Pagkatapos mailibing ng yumaong anak na si Angelo Manhilot, tanging isang phone patch interview lamang sa The Buzz ang pinagbigyan ni Cesar Montano para maipahayag ang kanyang saloobin. Makalipas ang mahigit isang buwan ng pagluluksa, kahapon, May 2, ipinalabas sa The Buzz ang taped interview ni Boy Abunda kay Cesar.

Dumayo pa si Boy sa home province ni Cesar sa Tagbilaran City, Bohol para lamang ma-interview ang aktor sa bahay nito doon tungkol sa kontrobersiyal na pagpapakamatay ng anak noong March 26, gayundin para malaman kung paano hinaharap ni Cesar ang kanyang buhay.

Kaaagad kinumusta ni Boy si Cesar.

"Sa totoo lang Kuya Boy, napakahirap. Hindi lang alam ng mga tao na napakahirap sa akin. Hirap na hirap ako. Kaya lang siguro sabi ko, 'Kaya ko 'yan.' Kaya kong i-act out, fighting it out na hindi nila mahahalata na I'm suffering inside. Katulad dito, pagdating na pagdating ng kotse ko, tatawagin ko agad si Angelo. 'Angelo, pakikuha nga yung ganito.' Angelo, 'lika nood tayong TV may dala akong bagong DVD.' Sa Bellisimo [restaurant ni Cesar] darating ako, 'Angelo, 'luto mo nga ako ng ganito.' Kasi itatanong niya agad sa akin, 'Daddy, ano [masarap]?' Ipagyayabang nun sa akin, 'Akong nagluto niyan.' Laging meron akong nasa dulo ng dila ko laging 'Angelo, Angelo' na pangalan. Nakakatulong yung campaign because nadi-divide yung...nadi-distract ako. But, nagpupumiglas yung dibdib ko na I want to be alone," saad ni Cesar.

Bakit niya gustong mapag-isa?

"Probably I wanted to talk to him... I wanted to talk a lot of things with him. Marami akong gustong...na-miss tuloy na...alam mo dun lang yun, e. Gusto kong sisihin yung sarili ko. But it's stupid to do. Sisihin kung sino, but it's stupid to do. I wanted to discuss a lot of things. Bakit? I want to be alone, yung ganun lang. Gusto ko siyang kausapin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How is he coping sa gitna ng eleksiyon, sa gitna ng gulo? Pano niya kinakaya at paano niya ipinagpapatuloy ang buhay?

"Through prayers. Ako, hindi ko rin alam. I cannot explain it. Ako kapit lang ako. Kaya ang nakakatuwa, maraming nagte-text sa akin. 'Please go on. Laban pa rin tayo. Tuloy pa rin tayo.' Gusto kong sabihin sa kanila. 'How?' Di ba? Papaano, papaano ko gagawin?"

ANGELO'S GIRLFRIEND. Hinarap din ni Buboy (palayaw ni Cesar) ang matinding kontrobersiyang lumabas tungkol sa pagkamatay ni Angelo. Ang pakikipaghiwalay daw ng girlfriend nito sa kanya ang naging dahilan ng pagpapakamatay nito.

Kinausap niya ba ang girlfriend ni Angelo?

"Yeah, I did," sabi ni Cesar.

How was that conversation?

"Ako pinakinggan ko lang siya. I listened to her. Alam ko kahit na anong gawin ko, kahit anong sabihin ko, hindi na maibabalik ang buhay ni Angelo. Nakinig na lang ako sa kanya."

Did she apologize?

"Yes, she did. Oo, humingi siya ng tawad," sagot ni Cesar. "And I think as a father, that's enough for me to hear na nag-apologize siya. Kakalimutan ko na yun. Ako, I think we're not here to point fingers to anybody, to blame anybody. Wala na, wala na. Hindi na.

"Ako kasi, ang tingin ko naman sa buhay ng tao, kahit na 90 years old yung mawawala sa iyo, ayaw mo pa ring mawala, e. Lahat naman tayo mawawala any time kahit na hindi natin gusto, e. Ayaw naman talaga nating mawala, e. But, ako, I want him to think na, 'Masyadong maaga Angelo, huwag muna.' I wanted to say that."

Pinuri naman ni Boy ang kababaang-loob at katapangan ni Cesar na harapin ang girlfriend ni Angelo at ang pamilya nito nang dumalaw sa burol. Hinayaan at pinayagan din ng pamilya niya ito.

"Ako naman, ang tingin ko dun, Kuya Boy, is since na pumunta sila doon sa wake, going to a certain way, it's paying respect also. It's just fair to respond accordingly, bigyan sila ng time. Hindi naman sila nandodoon para makipag-away at manggulo. Gusto lang nilang umiyak sa anak ko at makiramay. So, ibigay natin sa kanila yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOST IMPORTANT LESSON. Wala bang pagkakataon na kinuwestiyon niya ang Diyos?

"I did, pero may answer kaagad. Ganun naman. Unang-una, bakit mo maagang kukunin? Sagot agad ng Diyos sa akin, 'Bakit, pahiram ko lang naman sa iyo si Angelo, e. Hindi mo naman pag-aari si Angelo. Ako ang nagbigay sa iyo kay Angelo at a certain time, at a perfect time. Kukunin ko rin 'yan.'"

Ano ang pinakaimportanteng leksyon na nais niyang ibahagi sa mga magulang at mga anak?

"Kung meron po kayong mahal sa buhay, make it a habit na sabihan sila palagi ng mahal kita o I love you. Kung mahal n'yo talaga 'yan, padalhan n'yo ng flowers habang buhay sila. Padalhan n'yo ng pagmamahal, send him text or message na mahal n'yo siya. Say it right now. Kasi habang buhay pa siya, lahat puwede pa, naririnig pa niya. Hindi yung pag wala na at saka tayo bibili ng bulaklak at ipapadala natin yung pagmamahal. Hindi na maa-appreciate yun," pahayag ni Cesar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN