Vandolph shrugs off intrigue that Quizon brothers are a "package deal" in Dolphy's projects

"Kami kasi ni Jenny, nag-iipon kami para sa future ni Vito. Kung susundan namin, medyo matagal pa para maganda ang timing. Sa panahon ngayon, kailangan marunong tayong magpatakbo ng pamilya. Oo, masarap ang maraming anak, pero nasa pagiging praktikal kami ng asawa ko," says Vandolph.


Excited nang pinaghahandaan ng mag-asawang Vandolph Quizon at Jenny Salimao-Quizon ang first birthday celebration ng kanilang panganay na si Vito Vann. Sa June 10 na kasi ang birthday ni Vito kaya pareho nang abala ang mag-asawa sa exciting na okasyon na ito ng kanilang pamilya.

"Siyempre, kami ni Jenny, very excited kasi nga magwa-one year old na si Vito. Parang kailan lang, e, buntis itong si Jenny at nanganak. Kita n'yo naman, sexy na sexy pa ang misis ko!" sabay ngiti ni Vandolph sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, "Gusto naming ibigay ang the best sa first birthday ni Vito. Hindi naman sobrang bongga, pero sisiguraduhin namin na masaya iyon at present lahat ang pamilya namin ni Jenny."

Excited din para sa birthday ni Vito ang grandparents nito na sina Dolphy at Alma Moreno. Kuwento ni Vandolph, mas excited pa raw ang mga magulang niya kesa sa kanila ni Jenny.

"Oo naman at sobrang taranta rin sila. Natutuwa kasi sila kapag nakikita nila si Vito. Ilang months pa nga lang gusto na nilang bigyan ng party. Natutuwa naman kami ni Jenny kasi nandiyan si Papa at si Mama para suportahan kami ni Jenny at mahalin si Vito. Hindi nagkukulang sina Papa at Mama sa pagbilin sa amin. Panay ang tanong nila kung okey ba kami ni Jenny, kung okey ba si Vito.

"Masuwerte nga si Vito kasi sobra-sobra ang pagmamahal na natatanggap niya sa pamilya namin. Kahit na sa pamilya ni Jenny, sobra nilang mahal si Vito. Kaya ang batang 'yan, parating masaya. Parating nakangiti. Happy baby kasi," saad ni Vandolph.

Wala pa raw balak na sundan nina Vandolph at Jenny ang kanilang panganay.

"Naku, huwag muna! Mag-iisang taong gulang pa lang. Siguro after three or four years pa. Mahirap ang maraming anak. Hindi ako si Dolphy!" malakas na tawa ni Vandolph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Papa kasi," patuloy niya, "kaya niya ang ganyan. Kaya nga ang dami namin, e. Mahilig talaga siya sa mga bata. Kami kasi ni Jenny, nag-iipon kami para sa future ni Vito. Kung susundan namin, medyo matagal pa para maganda ang timing. Sa panahon ngayon, kailangan marunong tayong magpatakbo ng pamilya. Oo, masarap ang maraming anak, pero nasa pagiging praktikal kami ng asawa ko."

PACKAGE DEAL? Right timing at nakasama si Vandolph sa bagong comedy-fantasy series ng ama niyang si Dolphy, ang Pidol's Wonderland ng TV5. Muli ngang biniro si Vandolph na "package deal" talaga silang mag-ama dahil hindi puwedeng wala si Vandolph sa anumang pelikula o TV show ni Dolphy.

Ano ang masasabi ni Vandolph dito?

"Okey lang na sabihin nila 'yon. Mag-ama naman kami, di ba?" sagot niya. "Sino pa ba ang kukunin niya kundi kaming mga anak niya? Hindi lang naman ako kasi nandiyan din sa show si Kuya Jeffrey at ang director namin ay si Kuya Eric.

"Mas kumportable kasi si Papa kapag kami ang mga kasama niya. Gusto niya kasi pamilya kami na magkakasama parati. Okey lang for me kasi nga matagal din akong walang TV show at tamang-tama nga dahil malapit na ang birthday ng anak namin ni Jenny, may panggastos na tayo."

Sobrang pasasalamat din ni Vandolph sa TV 5 dahil sa pagkuha nila sa kanyang ama. Ramdam daw kasi ni Vandolph na nalungkot si Mang Dolphy nang matagal itong walang show na ginagawa.

"Si Papa naman kasi, gusto lang niya ay busy siya. Gusto niya yung nagpapasaya siya ng maraming tao. Hindi lang sa TV o pelikula kundi pati na sa mga shows niya dito at sa ibang bansa.

"Alam ko na nalungkot siya kasi matagal siyang walang TV show. Gustung-gusto niya ang nagte-taping. Kami na minsan ang nagsasabi sa kanya na magpahinga na lang siya at i-enjoy niya ang hindi napapagod. Pero si Papa na rin ang nagsasabi na ayaw niya yung wala siyang ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya salamat nga sa TV5 at nabigyan nila ng magandang show ang daddy namin. Hindi naman sila magsisisi kasi hindi sila bibiguin ng nag-iisang Comedy King," pagmamalaki pa ni Vandolph.

ALMA MORENO. Kinumusta rin ng PEP kay Vandolph ang ina niyang si Alma Moreno. Sabi naman ni Vandolph, tumutulong daw sila sa kampanya nito sa ParaƱaque City. Tumatakbo kasi si Alma bilang konsehal sa naturang lungsod.

"Si Mama naman, basta tinawagan niya kami, mabilis kaming pupunta sa kanya. Kapag kailangan niya ng tulong, nandiyan kami parati. Kahit si Kuya [Mark Anthony Fernandez, Alma's son with the late Rudy Fernandez], kahit na busy 'yan sa taping niya, gagawa ng paraan para makatulong siya sa kampanya ni Mama.

"Si Mama naman, 'yan naman ang tanging gusto naman niya. Yung maglingkod sa ibang tao. Masaya si Mama kapag nasa public service siya. Bibilib ka nga kay Mama kasi marami siyang projects para sa kababaihan at mga kabataan ng ParaƱaque City. Kaya todo ang suporta namin sa kanya at sana nga ay suportahan siya ng marami dahil malapit na nga ang botohan," pagwawakas ni Vandolph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN