Meet Gardo Versoza's non-showbiz girlfriend

"Maraming pressure. Sobra, ibang level. Pero kasi ano, e, sa umpisa pa lang, alam ko na yung pressure na mangyayari ang ganito. Kasi alam ko na yung work niya. So, ako talaga, wala talaga akong ini-expect," says Ivy Vicencio about having actor Gardo Versoza for a boyfriend.


Pagdating sa kanyang lovelife, hindi masyadong masikreto ang aktor na si Gardo Versoza. He shares with his friends from the media ang mga bagay na nais malaman. Though at times, nalalagay din siya sa alanganin and unfairly accused of something na nakaka-demean ng pagkatao, tulad ng mga panlalait ng iba na hindi siya kilala nang lubusan.

Mahinahon naman si Gardo bilang pribadong tao kaya hinahayaan na lang niya ang mga panunuligsa. Now, it's different. Mas tahimik na ang kanyang mundo, lalo't non-showbiz ang kanyang girlfriend—si Ivy Vicencio.

"Siguro napaglipasan na din ako ng stage na gano'n," nakangiting banggit ni Gardo nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal (PEP) last Saturday, May 1.

Nagsimula four years ago, ang relasyon nina Gardo at Ivy ay masasabing masaya at tahimik. Healthy companionship na nagku-complement sila sa isa't isa dahil sa kanilang common interest for the arts.

"Ini-encourage ko siya. Kasi mahilig din siya sa arts, sa photography," sabi ni Gardo. "Sa set, kumukuha siya ng mga pictures, sa tapings. Kumbaga, kakayanin niya [ang work]. Para kaming tandem."

Besides, hands-on na rin ang pagtutok ni Ivy sa trabaho ni Gardo. She loves taking care of his schedules at nakikipag-usap na din sa mga taong may kaugnayan sa trabaho ng kanyang actor-boyfriend.

JEAN GARCIA & LOTLOT DE LEON. Konting flashback. In the not-so-distant past, nakarelasyon ni Gardo ang aktres na si Jean Garcia at hindi naging maganda ang mga ulat tungkol sa kanya dahil maraming humadlang at tumuligsa sa kanyang pagkatao. Ani Gardo, wala namang pagsisisi sa kanya hinggil sa mga nangyari.

"Yung mga balita? Okey lang 'yon," sabi niya. "E, hindi mo rin mae-expect na palaging okey yung sasabihin sa 'yo, e."

Hindi namin naitanong noon kay Gardo ang tungkol sa umugong na balitang umano'y "closeness" nila ni Lotlot de Leon. Nataon pa 'yon nang bago pa lamang maghiwalay ng landas ang mag-asawang Lotlot at Ramon Christopher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinabulaanan naman ni Gardo ang mga lumabas na ulat tungkol sa kanila ni Lotlot. Purely friendship nga lang daw ang meron sila ni Balot.

"Nilagyan lang nila ng kulay," ani Gardo. "Sabi ko nga sa kanya dati... Mahirap 'yon, para kasing minsan, hindi kayo puwedeng maging close nang walang special [connection], na pag close kayo, kailangan meron talagang linking. E, papa'no kung parehong lalake, tapos friends kayo?"

IVY VICENCIO. Sa interview ay tahimik lang ang lady love ni Gardo. She impresses us as somebody who's simple, unassuming, and caring towards her actor-boyfriend.

Through the years, mas lalong nakilala ni Ivy si Gardo—she calls him by his real name, Mennen—at nasanay na rin sa mga intriga. Although she describes her present state with the actor as "stressful".

"Maraming pressure," sabi ni Ivy. "Sobra, ibang level. Pero kasi ano, e, sa umpisa pa lang, alam ko na yung pressure na mangyayari ang ganito. Kasi alam ko na yung work niya. So, ako talaga, wala talaga akong ini-expect."

Nabanggit din ni Ivy ang hindi pa maluwag na pagtanggap sa kanya ng mommy ni Gardo na si Mrs. Purisima Polintan-Torres na kanya namang nauunawaan.

"Okey lang, naiintindihan ko naman [ang sitwasyon] sa mommy niya. Kay Mennen, open naman ako sa kanya. Puwede niya akong ipakilala, iharap sa mga tao. Basta yung mapapag-usapan [nang maayos]," sabi ng nobya ng aktor.

Ano ang pinakamatinding intrigang naranasan niya sa pakikipagraelasyon niya kay Gardo?

"Parang...meron lang, nilait ako," pagtatapat ni Ivy. Bukod ito sa sinabi niyang write-up na hindi naman siya na-interview, pero na-quote siya nang bonggang-bongga.

Mula noon, mas gina-guide na rin siya ni Gardo para mas maging outspoken at sociable. Nabawasan na ang pagiging sobrang mahiyain ni Ivy.

"Before kasi, sobrang hindi ako nakikipag-usap sa mga tao. So, malaking bagay ang nagawa niya para sa akin," pagtukoy rin ni Ivy sa actor-boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Now in her early 30s, Ivy Vicencio hails from San Juan. A graduate of La Consolacion College (B.S. Tourism), Ivy is interested in the arts, particularly photography, na kanya ngayong sinusubok. Eventually, nais niyang maging isang cinematographer.

Artistahin din si Ivy, pero hindi niya pa naiku-consider na pasukin ang propesyon ng kanyang boyfriend na aktor.

"Ayokong mag-showbiz. Hindi bagay sa akin, at saka dami na namang manlalait sa akin dun!" natatawang wika niya.

Ikinuwento rin ni Ivy ang una nilang pagmi-meet ni Gardo V.

"Merong party yung common friend namin [taga-Globe], paalis na ako, dumating siya [Gardo]. Late na siya dumating, mga 3 a.m., ayun, ipinakilala," lahad niya.

Maraming nali-link na girls kay Gardo, anong reaction niya?

"Yun nga, napapag-usapan na rin namin...parang friends na rin," ani Ivy.

Ikinai-insecure ba niya ang tungkol do'n?

"Nandun pa rin, pero nasa pag-uusap. At saka mapi-feel mo naman talaga, kahit hindi sabihin," pag-o-open up ni Ivy.

NOT THE MARRYING TYPE. Matapos ang interview ay kapwa nagpasalamat sa PEP ang magkasintahan sa pamamagitan ng text at Facebook messages. Biniro namin si Gardo, dahil, sabi namin, nakalimutan naming itanong ang tungkol sa "wedding plans" nila—kung meron na.

Agad nag-reply si Gardo, na natatawa, pero tila may katiyakan sa kanyang mensahe. "I'm not the marrying type, kapatid!" tugon niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN