Kathleen Hermosa warns citizens about massive cheating on presidential election

May 7, 2016
<p>Actress Kathleen Hermosa, a vocal supporter of presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte, warns her fellow Filipinos about the "massive cheating" that is set to happen in the 2016 presidential elections.</p>

Naglabas ng saloobin ang aktres na si Kathleen Hermosa tungkol sa mga nagaganap na diumano’y dayaan sa 2016 presidential election.

Sa kanyang Instagram (@kathermosa) account, nag-post si Kathleen kanina, May 7, ng mga babala tungkol sa mga nagiging problema sa PCOS machines na siyang ginagamit sa botohan.

Nakumpirma raw niya ito sa ilan sa mga personal na kakilalang nakaboto na sa ibang bansa.

Saad ng kapatid ni Kristine Hermosa, “First we heard reports from absentee voters in California, Hong Kong, and the Middle East complaining about receipts not matching the names on their ballots.

“I’ve confirmed this with people I know; meanwhile in New York, voters were not given receipts at all, and were asked to come back for a week later.”

Nabanggit din ni Kathleen sa kanyang post na nakatanggap sila ng reklamo mula sa Air Force personnel ng Villamor Airbase.

Diumano’y wala raw representative mula sa Comelec at wala ring PCOS machine nang sila ay naunang nang bumoto noong isang gabi.

Continue reading below ↓

Sabi ni Kathleen, “Then we received complaints from Air Force personnel in Villamor Airbase who voted ahead the other night.

“According to them, there was no representative from Comelec and there was no PCOS machine. They were just asked to leave their ballots.”

Nagbahagi pa si Kathleen ng ilang reports katulad ng sinabi ni presidentiable Senator Grace Poe tungkol sa pagpa-fire diumano ng COMELEC ng vote-counting machine technicians.

Sa ikalawang bahagi ng post ni Kathleen, nabanggit niyang mukhang magkakaroon ng malawakang dayaan sa Lunes, May 9, araw ng eleksyon.

Dito rin ay kanyang tinanong ang supporters ni presidential candidate Mar Roxas kung ito nga ba ang “decent” at “intelligent” choice bilang presidente ng Pilipinas.

Si Kathleen ay vocal supporter ni Davao City Mayor and presidential candidate Rodrigo “Rody” Duterte.

Sabi niya, “Looks like all roads are being paved for massive cheating on Monday.

“For those whose candidate is Mar Roxas, think about this.

Continue reading below ↓

“If your choice is willing to spend billions, break the law, use children in assassinating someone’s character, and wantonly subvert the will of the people, how is he the decent and intelligent choice?

“Just because the other guy is coarse and rough around the edges? How superficial is that?”

Tinanong din niya kung nasaan ang mainstream media, partikular na ang ABS-CBN, sa mga nangyayaring ito.

“And where might I ask is mainstream media in all of this? Where is ABS-CBN, et al? Be on the side of the people!”

Sa pagtatapos ng kanyang post ay pinayuhan ni Kathleen ang mga botante tungkol sa kanilang iboboto.

“Let us remain vigilant and fight for our choice with every fiber of our being. Push comes to shove, see you all in the streets next week!”

Narito ang kabuuan ng post ni Kathleen:

NAPOCOR EMPLOYEES TAKING MANDATORY LEAVES. Nasundan naman ang post na ito ni Kathleen ng screenshot niya ng isang e-mail tungkol sa isang kaibigang nagtatrabaho sa NAPOCOR (National Power Corporation) na inabisuhang mag-mandatory leave simula ngayong araw hanggang Lunes.

Continue reading below ↓

Nangangahulugang kung magkakaroon ng problema sa kuryente sa mga araw na ito ay walang tao sa NAPOCOR.

Saad ng e-mail: “I have a friend who has a sibling working for NAPOCOR.

“They were advised to take mandatory leaves starting tomorrow May 7 until election day.

“Meaning, nobody will be onsite in case of power loss/interruption or transmission issues during the next critical days.”

MITING DE AVANCE. Sa huling post ni Kathleen ngayong araw, naglabas siya muli ng saloobin sa diumano’y ginagawa ng mga kalaban ni Rody Duterte.

Mamayang hapon ay magaganap ang huling miting de avance ni Duterte sa Luneta Grandstand.

Nag-post naman si Kathleen ng picture ng grandstand at ipinakitang walang damo sa nasabing lugar.

Dito ay nagreklamo na si Kathleen.

Saad niya, “Ganito tayo mamaya sa Luneta Grandstand.

“Kailangan talaga tanggalin ang damo just days before Miting de avanse?!!

“Ewan ko na lang kung sinung di pa makaintindi sa mga nag-iisip na mamamayan ng Pilipinas kung anu ginagawa ng kalaban kay Duterte.

Continue reading below ↓

“Tignan nyo din ang pangkalahatang balita.”

Sa huli ay muling nagbigay ng payo si Kathleen sa mga botante sa darating na Lunes.

“Huwag kayong magbulag-bulagan sa pansariling kapakanan hindi porke't ang inaalala nyo lang pamilya nyo.

“[W]ala na kayong pakialam sa mga mas mahirap sa atin na ultimo pambili ng manok at baboy pang-ulam ay di nila magawa dahil sa kahirapan. At marami pang iba.

“Kapakanan dapat ng lahat!!! Hindi ng iilan lamang.”

Read Next
Read More Stories About
Rodrigo Duterte, Mar Roxas
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Actress Kathleen Hermosa, a vocal supporter of presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte, warns her fellow Filipinos about the "massive cheating" that is set to happen in the 2016 presidential elections.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results