Felix Roco dismisses rumored rift with dad Bembol Roco

"It's good to be back here. Sobrang natuwa ako kasi it's a big opportunity for me to be in a soap again. Tapos leading man pa ni Empress [Schuck]. Napakasarap talaga ng feeling," says Felix Roco about returning to ABS-CBN.


Balik-ABS-CBN ang young actor na si Felix Roco pagkatapos mag-lapse ang kontrata niya sa GMA-7 noong March 15. Kasama siya bilang leading man ni Empress Schuck sa bagong afternoon drama series ng ABS-CBN, Rosalka.

Happy si Felix dahil kahit umalis siya noon sa ABS-CBN para lumipat sa GMA-7 ay binigyan pa rin siya ng show ng Kapamilya network.

"It's good to be back here. Sobrang natuwa ako kasi it's a big opportunity for me to be in a soap again. Tapos leading man pa ni Empress. Napakasarap talaga ng feeling," sabi ni Felix nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Rosalka na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kagabi, May 5.

Pumirma ba siya ulit ng kontrata sa ABS-CBN?

"Actually, hindi. I'm being handled by Ricky Gallardo," sagot ng young actor.

Sa ngayon ay wala pang girlfriend si Felix, kaya posible raw na magkagusto siya kay Empress.

"Maganda naman si Empress at mabait pa, kaya why not?" sabi niya.

So, liligawan niya si Empress?

"Hindi pa muna," nakangiting sagot ni Felix.

NO ILL FEELING TOWARDS DAD. May natapos na indie film si Felix, ang Pendong. Gumaganap siya rito bilang isang bingi. Kasama niya sa pelikula ang kanyang ama, ang beteranong aktor na si Bembol Roco.

May mga lumabas na balitang diumano'y nag-walkout si Felix sa unang araw ng shoot nila nang malamang makakatrabaho niya ang ama. Masama raw kasi ang loob niya kay Bembol dahil iniwan sila nito. May ibang pamilya na raw kasi si Bembol.

Totoo ba ito?

"Hindi totoong nag-walkout ako," mariing tanggi ni Felix. "Sino ba ang nagsasabi nun? Okey naman kami ng dad ko. Wala kaming away. In fact, dinalaw ko pa siya sa hospital [Makati Medical Center] kanina dahil operahan siya ngayon sa varicose veins sa legs niya"

Pero totoo bang hiwalay na ang kanyang mga magulang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hiwalay na po sila. Medyo matagal-tagal na rin," pag-amin ni Felix. "But they're still in good terms."

Pero may ibang asawa o girlfriend na ba ang daddy niya?

"Hindi ko po alam e," sagot ni Felix.

Kung sakaling malaman naman daw ni Felix na may iba na ngang babae sa buhay ng daddy niya ay okey lang yun sa kanya.

"Buhay naman niya yun , e. Wala naman akong right na makialam sa buhay niya."

Naging mahirap ba para sa kanya na tanggapin na hiwalay na ang kanyang mga magulang?

"Siyempre, nung una parang mahirap tanggapin," sagot niya. "Kahit sinong anak naman siguro ganun ang magiging reaction. Pero ngayon, tanggap ko na. For me naman, it's just accepting and adjusting to the situation."

Pero umabot ba sa puntong nagrebelde muna siya sa daddy niya bago niya natanggap na hiwalay na ito sa kanyang ina? May lumabas kasing balita na naging chain smoker daw siya, alcoholic, at nagpalagay ng tattoo sa katawan as sign nga raw ng kanyang rebelyon. Ayaw na ayaw raw kasi ng daddy niya na may tattoo siya sa katawan.

"Ay, hindi totoo 'yan!" mariing tanggi ni Felix. "Saan nanggaling yun? Yung tattoo sa katawan ko, pangalan ng mom ko ito."

Bakit siya nagpa-tattoo?

"For me kasi my body is a canvass, e. Para sa akin, I really love tattoos. Actually, lahat kaming magkakapatid, may tattoo. Even my mom has a tattoo. Daddy ko lang ang wala," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN