Rosalka star Empress Schuck ready to face showbiz intrigues

"Imbes na i-compare, parang maging proud na lang sila sa aming lahat. Kasi, kahit mga bata pa kami, nabibigyan pa kami ng ganitong project, ganitong break," says Empress Schuck about the fans who compare her to other young actresses.


Ngayong malapit nang mag-umpisa ang bagong pang-hapong teleserye ng ABS-CBN, ang Rosalka, ramdam na ng bida nito na si Empress Schuck ang kaba dahil ito ang kanyang launching soap opera.

"May konting kaba at pressured din dahil hindi naman din ganun kadali. I mean, masaya siya pero parang iniisip mo kung magiging okay ba or deserving ka ba talaga. Ayun, medyo pressured. Pero kahit na ganun, proud na proud pa rin ako at saka sobrang happy pa rin ako," ani Empress sa press conference ng Rosalka kagabi, Mayo 5, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Bukod sa launching TV series, dagdag pressure din para sa young actress ang pagbansag sa kanya bilang "Empress of Drama" ng ABS-CBN. Handa na kaya ang 17 taong gulang na aktres na mahanay sa ilan pang Kapamilya stars na nakilala sa pag-arte tulad ni Bea Alonzo?

"Siguro hindi pa naman po kasi nag-i-start pa lang po ako. Siguro kung mangyayari man po 'yon, marami pa po akong dapat patunayan pa," sagot ni Empress.

Halos ganito rin ang kanyang naisagot nang tanungin ang kanyang reaksiyon sa sinasabing maari raw siyang sumunod sa mga yapak ng dating Kapamilya actress na si Claudine Barretto.

"Sana po mangyari, pero hindi ko pa rin naman po alam. Siyempre, isa rin po 'yon sa mga pangarap ko. Wala naman sigurong masama sa mangarap so, sana lang po," asam niya.

NO TO COMPARISON. Bagamat natutuwa si Empress sa mga natatanggap niyang papuri sa kanyang pag-arte, nakiusap naman siya na iwasan na ang pagkukumpara sa kanila ng mga kasabayan niya, tulad nina Erich Gonzales at Melissa Ricks ng Tanging Yaman.

Aniya, "Kahit naman pare-parehas kami, magkakaiba pa rin kami kasi iba-iba pa rin kami ng talents, iba-iba kami ng way paano gamitin 'yong mga talent namin, iba-iba ang meron kaming kakayahan, at saka iba rin naman 'yong paraan kung paano ka nagsimula. Siyempre, sila galing sa talent search. Ako naman, bata pa ako. Iba talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa halip na ikumpara, ani Empress, sana ay pare-pareho na lamang silang suportahan ng mga manonood.

"Imbes na i-compare, parang maging proud na lang sila sa aming lahat," pahayag ni Empress. "Kasi, kahit mga bata pa kami, nabibigyan pa kami ng ganitong project, ganitong break. Kaya sana maging happy na lang sila kaysa i-compare kami sa isa't isa. Kasi magkakaibigan naman kami at wala naman kaming iringan sa isa't isa, e."

READY TO FACE INTRIGUES. Lingid sa alam ng karamihan, halos sampung taon si Empress sa showbiz. Dahil dito, handa na umano ang dalagang aktres na harapin ang anumang negatibong pahayag na maaring ipukol sa kanya. (CLICK HERE to read related article.)

Aniya, "Bago pa man dumating ang time na 'to sa akin, parang alam ko na, prepared na ako. Kasi, sino ba namang artista ang hindi nasabihan ng negative issue or hindi nasulatan ng negative write-up na ganun? Lahat ng artista dumadaan sa ganyan, so, okay na ako, alam ko na."

Kung saka-sakaling makatanggap si Empress ng intriga, hahayaan na lamang daw niya ito.

"Depende na rin sa akin kung alam ko na rin na totoo o hindi," sabi niya. "Siyempre, kung alam ko naman na totoo, bakit naman ako magpapaapekto? Parang, alam ko naman na hindi totoo 'yan, bakit ko naman papansinin? Pero kung totoo 'yong negative issue na nalaman nila, siguro marami rin namang tutulong sa akin—'yong manager ko, family ko, [ABS-CBN] management na talagang tinutulungan ako. Alam ko na hindi lang ako ang gagawa ng paraan, marami ring tutulong sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN