Sam Milby: "Wala akong anak kahit sino."

"Matagal na isyu na ito and I already answered about it and from all I know, wala akong anak kahit sino. I don't have a son to anybody," said Sam Milby, responding to the rumor that he has a child with the sister of one of his former PBB housemates.


Bagong tambalan na naman ang ipapakilala ng ABS-CBN via Precious Hearts Romances Presents Impostor na isinulat ni Martha Cecilia. Sina Sam Milby at Maja Salvador ang bagong love team na mapapanood sa afternoon series ng Kapamilya network starting this May 17.

Sinasabing may pagka-daring daw ang role niya dito. Pero ang sabi ni Sam, "Parang daring, kasi parang may ipinapakitang ganun... may mga ganun lang, naka-boxer or nagsu-swimming. Pero hindi naman yung ganun ka-daring, ganun lang."

GOOD CHEMISTRY. Natutuwa si Sam na makapareha si Maja na tinawag niyang "magaling talaga."

Paano ang naging adjustment nila sa isa't isa?

"Well, siyempre, meron muna kaming mga workshops. At dun ko nakita that we really get along. Meron kaming mga eksena together and for me, we have a good chemistry. So, yun, after that, noong nag-i-start na ang taping, mas okey," sabi ni Sam sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Impostor.

Mag-textmate na dati ang dalawa. Bakit daw hindi ito nauwi sa mas malalim na friendship? May naging hindrance ba?

"Wala namang hindrance," sabi niya.

Single naman sila pareho.

"Ako, I'm single. Hindi ko po alam kung single po siya ngayon. Tanungin n'yo po siya kung single siya. Pero ako, single ako. Kung dati, yeah, we were friends na. Nag-hang out kaming dalawa pero never na kami lang, siyempre, kaming grupo. Wala... naging busy kaming dalawa.

"Ngayon, siyempre, we're together na. I'm sure na mas lalong magiging close kami, kasi palagi kaming magkakasama. Siyempre, everyone knows na kapag taping ng teleserye and it's thirteen months din."

Conservative ba si Maja sa tingin niya, dahil naobserbahan niya na kahit okey naman itong mag-two-piece, hindi kumportable si Maja?

"Well, siyempre unang-una, si Maja ang pinakabata sa mga ka-love team ko. Ako, I'm actually flattered na sa project namin, first time na nagtu-two piece siya... she's younger, too, at maganda ang values niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO LOVE CHILD. Muling sinagot ni Sam ang isyu ng diumano'y pagkakaroon niya ng anak sa kapatid ni Uma Khouny, ang Filipino-Israeli actor na kasama niya sa first season ng Pinoy Big Brother.

Aniya, "Like I've said, matagal na isyu na ito and I already answered about it and from all I know, wala akong anak kahit sino. I don't have a son to anybody. At saka, parang naaawa ako sa kapatid ni Uma, kasi hindi naman siya showbiz. And she lives a private life and I don't think she should be brought into this. Siyempre ako, sanay naman ako, showbiz ako. But let's respect her privacy, di ba?"

Naging sila ba ng sister ni Uma?

"Hindi... friends kami at mabait na tao 'yan, so I think we should respect her privacy."

Ayon kay Sam hindi pa raw niya nakikita ang tsinitsismis na anak niya daw.

Nagkausap na ba sila ni Uma?

"No, like I've said, matagal na itong isyu na ito. That's why I don't think we should... ano..."

Pero recently daw, lumabas si Uma sa isang TV show at nabanggit niya itong issue muli. Wala raw maiko-comment si Sam dahil hindi niya raw napanood.

Naging close friends sila noon. Are they still on good terms?

"Hindi kami nakakapag-usap. Actually, a lot of my friends, hindi ko nakakausap. You know, my schedules, grabe... palagi akong nagte-taping. I just arrived here in ABS, hindi pa ako umuwi. I just came from Butuan, so a lot of my friends, I didn't get to hang out with, sobrang busy 'ko."

NO LOVELIFE FOR NOW. Malapit na ang birthday ni Sam, pero another working day daw ito para sa kanya.

"Sana wala akong trabaho sa araw na 'yan. Kaya lang may ASAP. It's the anniversary of Star Magic. So, mag-a-ASAP ako. I think I have mga two days off lang. Mag-relax lang. Wala naman akong plano. Two days lang, so, hindi rin ako makakauwi ng States. If ever, puwede namang mag-Tagaytay. Basta relax-relax lang..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino kaya ang makakasama niya?

"Hindi ko alam, single naman ako," nakangiti niyang sabi.

What happened to him and Anne Curtis, wala na ba talagang naganap na balikan?

"With me and Anne, never kaming nagkabalikan. We're just good friends. Ngayon busy siya. May Showtime, may movie. Okey naman kasi, nagiging busy kami sa sariling trabaho."

Talaga bang wala siyang girlfriend or kahit nililigawan man lang?

"Wala!" nakangiti pero mabilis niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN