PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

(2nd UPDATE) ELECTION WATCH: PGMA, Bro. Eddie, Edu, Mar, Pacman, and Kris among the early voters

The PCOS machine at Sen. Noynoy Aquino's voting precinct malfunctioned.
by Erwin Santiago
Published May 10, 2010
(Top) Vice-presidential candidates Edu Manzano and Mar Roxas were among the early voters at today's automated election; (bottom) Kris Aquino, youngest sister of presidentiable Noynoy Aquino, and Manny Pacquiao also went to their respective voting precincts early.

Kaninang alas-siete ng umaga, May 10, ay nagbukas na ang halos lahat ng voting precincts para sa pagsisimula ng kauna-unahang automated election dito sa Pilipinas.

PGMA IN PAMPANGA. Ilan sa mga kandidato at prominent personalities na maagang bumoto ay si President Gloria Macapagal Arroyo. Sa katunayan, siya ang kauna-unahang botante sa kanyang presinto sa Lubao Elementary School sa Pampanga. Kasama niya sa kanyang pagboto ang anak niyang si Mikey Arroyo. Pasado alas-sais ng umaga ay nasa voting precinct na si PGMA at ang kanyang anak.

Tumatakbo si PGMA bilang representative sa 2nd district ng Pampanga. Si Mikey naman ay nominee ng party-list na Ang Galing Pinoy, na ipinu-promote diumano ang kapakanan ng tricycle drivers at security guards.

EDU IN ILOILO. Maaga ring bumoto ang vice-presidential candidate ng Lakas-Kampi-CMD na si Edu Manzano. Bago mag-alas-siyete ng umaga ay dumating na si Edu sa kanyang voting precinct sa Polopina Island, Iloilo. Sa naturang isla ng Iloilo lumaki ang actor-TV host kaya pinili niyang doon magparehistro at bumoto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BRO. EDDIE IN BOCAUE. Sa Bunlo Elementary School sa Bocaue, Bulacan naman bumoto ang presidential candidate na si Bro. Eddie Villanueva. Kasama niyang bumoto ang kanyang misis at ang kanyang anak na si Eduardo "Jon-jon" Villanueva na incumbent Mayor ng Bocaue, Bulacan.

PACQUIAO IN SARANGANI. Magkasama naman na bumoto ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ang kanyang maybahay na si Jinkee sa Sarangani Province. Si Manny ay tumatakong congressman sa naturang lalawigan.

ROXAS IN CAPIZ. Sa Roxas City, Capiz naman bumoto ang vice-presidential candidate ng Liberal Party (LP) na si Mar Roxas. Bandang alas-otso ng umaga nang dumating siya sa kanyang voting precinct, kasama ang kanyang misis na si Korina Sanchez, ang kanyang anak na si Paolo, at ang kanyang ina na si Mrs. Judy Araneta.

KRIS IN MAKATI. Ang kapatid naman ni LP presidential candidate Noynoy Aquino na si Kris Aquino ay maaga ring bumoto sa Urdaneta Village sa Makati City. Kasama niyang bumoto ang kanyang mister, ang basketbolistang si James Yap. Three minutes lang bumoto sina Kris at James dahil hindi raw sila nahirapan sa paggamit ng PCOS (Precinct Count Optical Scan) machine.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


GIBO IN TARLAC. Nakaboto na rin ang Administration presidential candidate na si Gilbert "Gibo" Teodoro sa kanyang voting precinct sa Mayantoc, Tarlac. Dumating si Gibo sa Mayantoc sa pamamagitan ng chopper na lumapag malapit sa kanyang resthouse. hindi kasama ni Gibo ang kanyang misis na si Nikki Teodoro, na sa Paniqui, Tarlac naman nakarehistro.


LOREN IN MALABON. Ang vice-presidential candidate ng Nacionalista Party na si Loren Legarda ay sa Potrero Elementary School sa Malabon bumoto. Nakaputing polo ang senadora nang dumating siya sa kanyang voting precinct.

BINAY IN MAKATI. Sa San Antonio National High School naman bumoto ang vice-presidential candidate ng Puwersa ng Masa na si Jejomar Binay. Kasama niyang dumating ang kanyang anak na si Jun-jun Binay, na tumatakbo namang mayor ng Makati.

PERLAS & DELOS REYES. Halos magakasunod namang bumoto ang presidential candidates na sina Nicanor Perlas at JC delos Reyes. Si Perlas ay bumoto sa University of Asia and the Pacific sa Pasig City, samantalang si Delos Reyes ay bumoto sa Nellie Brown Elementary School sa Olongapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOYNOY IN TARLAC. Bandang alas-nuwebe dumating ang presidential candidate ng Liberal Party na si Sen. Noynoy Aquino sa voting precinct niya sa may Hacienda Luisita sa Tarlac City. Pero hindi na nakakaboto ang Senador at press time dahil pumalya ang PCOS machine sa kanyang voting precinct.

GORDON IN OLONGAPO. Pasado alas-diyes ng umaga dumating si presidential candidate na si Richard Gordon sa kanyang voting precinct sa Olongapo, Zambales. Kasama ni Sen. Gordon na bumoto ang kanyang misis na si Kate Gordon.


ATE VI & RALPH IN LIPA. Bandang 10:30 a.m. dumating ang mag-asawang Ralph Recto at Vilma Santos sa voting precinct nila sa Lipa, Batangas. Parehong tumatakbo ngayong eleksyon ang mag-asawa; si Ralph bilang senador at si Vilma naman for re-election bilang gobernador ng lalawigan ng Batangas.

CLICK HERE to read more election-related articles.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) Vice-presidential candidates Edu Manzano and Mar Roxas were among the early voters at today's automated election; (bottom) Kris Aquino, youngest sister of presidentiable Noynoy Aquino, and Manny Pacquiao also went to their respective voting precincts early.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results