RR Enriquez on Wowowee host Willie Revillame: "Huwag naman sana na hindi siya bumalik."

"Siyempre malungkot kami saka nami-miss namin siya. Tine-text namin siya every day, nangungumusta kami, hindi siya sumasagot. Pero baka naman kasi he needs muna time and space para makapag-isip at makapagpahinga," says RR Enriquez about Wowowee host Willie Revillame.


Sa pagkaka-link ni RR Enriquez sa PBA player na si Jayjay Helterbrand ng Barangay Ginebra, lumabas ang balita na niloloko at pinapaasa lang daw siya ng nasabing PBA player. Ayon kasi sa report, binabalikan pa rin daw ni Jayjay ang non-showbiz ex-girlfriend niya at pinaglalaruan lang daw nito ang sexy TV host.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay RR ay sinagot niya ang isyung ito.

"Aawayin ko siya [Jayjay]!" biro niya. "Actually tinanong ko siya tungkol diyan, sabi ko, 'Ano? Totoo ba 'yan?' Kasi lumabas nga sa isang tabloid 'yan na niloloko nga lang daw niya ako. Basta wala na sila nung girl at walang balikang naganap. Actually, sobrang bait nung guy na yun kaya hindi niya magagawa sa akin 'yun."

Sinabi rin ni RR na hindi siya ang dapat sisihin kung nagkahiwalay man si Jayjay at ang ex-girlfriend nito.

"Kung nagkahiwalay man silang dalawa, walang ibang dapat sisihin. Kasi yung iba, ako ang sinisisi. Siguro ang nangyari, lack of love, fell out of love... Sila lang naman ang nakakaalam kung ano talaga ang nangyari.

"Lumalabas kami, pero ganun lang. Hindi pa talaga kami, so walang dapat aminin. Ako naman, aaminin ko naman kasi kung may dapat aminin. Sa ngayon, masaya kami na magkaibigan kami. Ganun lang muna," saad ng isa sa co-hosts ng Wowowee.

NEW CO-HOSTS IN WOWOWEE. Speaking of Wowowee, aminado si RR na noong lumabas ang balita na aalisin sila ni Valerie Concepcion sa nasabing noontime show ng ABS-CBN dahil sa pagpasok ng mga bagong co-host ay naalarma sila.

"Nung una nakakatakot din. Pero yun nga, sinabi naman sa amin ni Kuya Willie [Revillame] na walang aalisin o matatanggal, so nakahinga na kami nang maluwag. Binibiro niya kami minsan on air, 'O, mawawala na kayo, may matatanggal na sa inyo.' Pero biro lang ang mga yun. Pag magkakausap kami off-cam, sinasabi niya sa amin na walang matatanggal sa inyo. Kami pa raw na mahal na mahal niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay RR, suportado niya ang pagpasok ng mga bagong co-host ng Wowowee—sina Carmen Soo, Isabel Abiera, Kelly Misa, at si Jed Montero—lalo't dumaan din naman siya sa pagiging baguhan.

"Wala kaming problema sa mga baguhan, sobrang smooth ang pagsasama namin," sabi niya. "Lahat kasi ng mga bagong host, sobrang babait nila. Tapos yun nga, walang sapawan na nagaganap. Kumbaga, tulungan kasi sila nga ang mga bago. Mas naggi-give way kami para sa kanila at yun din naman ang sinabi ni Kuya Willie, 'Payo lang para sa inyo, bigyan natin ng chance na mag-shine ang mga bago.' At yun din naman ang ginagawa namin.

"Ako naman, hindi naman ako talaga host ng Wowowee. Nag-start ako as Money Girl lang. Heto, kahit papaano, nabigyan ako ng chance para mag-host. So okay na sa akin yun, fulfillment na yun."

WILLIE'S THREAT. Naging malaking issue ang pagbabanta ni Willie Revillame na hindi siya babalik sa Wowowee hangga't hindi inaalis sa ABS-CBN ang columnist-radio commentator na si Jobert Sucaldito. Ilang araw nang hindi sumisipot sa nasabing programa si Willie, bagay na ikinalungkot ng female hosts dito tulad ni RR.

"Siyempre malungkot kami saka nami-miss namin siya," sabi ni RR. "Tine-text namin siya every day, nangungumusta kami, hindi siya sumasagot. Pero baka naman kasi he needs muna time and space para makapag-isip at makapagpahinga.

"Sa akin, huwag naman sana na hindi siya bumalik. Malulungkot hindi lang kaming mga co-hosts niya, co-workers niya, kundi lalo na yung mga taong nagmamahal sa kanya. Yung mga matatanda na kahit naka-wheelchair, pumupunta dito para lang makita siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN