SexBomb Girls group bids farewell to some original members and welcomes new recruits

Many of the original members of the all-female group SexBomb Girls decided to leave the group. And so, manager Joy Cancio continues recruiting members so the group can move on.


Kumpirmadong marami nang nawalang original members ng sikat na grupong SexBomb Girls.

Isa na rito si Jopay Paguia na nagpaalam recently dahil may aasikasuhin daw na sariling negosyo kaya hindi na siya nag-renew ng kontrata sa manager nilang si Joy Cancio. The same with Evette Pabalan na nagsolo na rin.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joy kung bakit hindi na nag-renew ng kontra si Evette. Sinabi niyang gustong mag-try ni Evette na palarin kapag nagsolo ito.

"Hindi ko naman maipagkakait na subukan nila ang magsolo sa labas ng management namin [Focus E Inc.] dahil nakilala silang grupo," sabi ni Joy. "Basta from the start, ang layunin ko ay mabigyan sila ng trabaho at reward na lang sa amin ang pagsikat ng grupong Sexbomb dahil sa sipag na ginawa namin pare-pareho. At sana makamit nila ang tagumpay na hinahanap nila."

Isa pang SexBomb member, si Shane Gonzalez, ay nagpaalam na rin upang mag-aral. Desisyon naman ng Focus E na hindi na i-renew sina Jackie Rivas at Cynthia Yapchingco. Kung ano man ang rason ay hindi na nabanggit ni Joy.

Ang rason naman ng pag alis ni Danielle Ramirez ay dahil unfair daw si Joy sa pagma-manage sa mga miyembro ng SexBomb Girls.

Paliwanag naman ni Joy, "Trabaho po ang pangako sa kanila, hindi ang pagsikat. Ang alam ko, ang pagsikat ay bunga ng pagsisipag. Our God's will po kumbaga. Malungkot ang mawala sila pero may mga sarili na kasi silang buhay kaya okay naman po sa amin yun. Ang maganda ay nagpaalam sila nang maayos.

"At masaya naman ako dahil may mga bago din naman pumalit, tulad ni Jomarie Gutierrez na 17 years old, at apat na taon din siyang nag-training sa akin. Thirteen years old pa lang si Jomarie nang pumasok sa Focus E. Tulad nina Louise Bolton at Myka Bautista, kaedad din ni Jomarie nang nag-umpisa ang mga ito sa management ng Focus E bago ko sila isalang kasama ang Sexbomb Girls."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DAISIES. Ang pinakabago sa grupo ay si Jaja Barro na 16 years old lamang.

"May boses si Jaja at kasama ito sa grupong binuo ko na Daisies, kasama din nina Louise Bolton, Myka Bautista, Cheche Tolentino, at Jomarie Gutierrez," banggit ni Joy.

Ang kauna-unahang carrier single ng Daisies ay ang "Take One" under Sony Music. Kaugnay nito, magkakaroon sila ng mall tour sa Sabado, May 15, sa Robinson's Metro East Activity Center dahil dito gaganapin ang Let's Get Awww Summer Workshop Recital. Makakasama ng Daisies ang Danz Focus, Julian Trono, at ang Sexbomb Girls with Rochelle Pangilinan. Mag-uumpisa ito ng 3 p.m.

Sa May 23, Linggo, naman ay nasa Robinson's sa Novaliches sila. Sa May 30 ay nasa Robinson's Angeles, Pampanga sila at makakasama nila ang ilang miyembro ng cast ng Daisy Siete's Adam or Eve.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN