Triple victory astounds reelected Senator Bong Revilla

"Up to now, hindi pa rin ito nagsi-sink in sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala na No. 1 tayo, tapos landslide pa sina Lani and Strike... Sabi ko nga, hindi na sa akin importante kung mag-No. 1 ka or No. 2, ayokong matalo ang asawa ko. At natuwa naman ako na ibinigay ng Diyos ang kahilingan at dasal namin," says reelected Senator Bong Revilla.


Naiproklama na kaninang hapon, May 15, ng Commission on Elections (Comelec) si Senator Bong Revilla at walong iba pang senador na nanalo sa kauna-unahang automated election sa Pilipinas. Si Sen. Revilla ang nanguna sa lahat ng mga tumakbong senador ngayong taong ito.

Ang walong iba pang senador na naiproklama kanina ay ang matalik na kaibigan ni Sen. Bong na si Jinggoy Estrada (No. 2), Miriam Defensor Santiago (No. 3), Franklin Drilon (No. 4), Juan Ponce Enrile (No. 5), Pia Cayetano (No. 6), Bongbong Marcos (No. 7), Ralph Recto (No. 8), at Tito Sotto (No. 9). Ang tatlong nalalabing senador na kabilang sa Top 12 ay hindi pa naipoproklama, pero sa ngayon ay pinaglalabanan ito nina Sergio OsmeƱa, Lito Lapid, at TG Guingona.

TRIPLE VICTORY. Ilang araw bago ang proklamasyon ng Top 9 senators ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sen. Revilla. Masayang-masaya ang actor-politician dahil "triple victory" ang nakaraang eleksiyon para sa kanilang pamilya.

Kung si Sen. Bong ang nanguna sa senatorial race, ang kanyang misis na si Lani Mercado ay landslide naman ang pagkapanalo bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Cavite, samantalang ang kapatid ng senador na si Strike Revilla ay nagwaging muli bilang mayor ng Bacoor, Cavite.

"Ano pa ba ang hihilingin ng isang Bong Revilla?" umpisa ng reelected senator. "Lahat ng blessings ng Panginoon, talagang ibinuhos sa amin at kahit buhay ko, itataya ko sa sambayanang Pilipino sa tiwala at pagmamahal na ibinigay nila sa amin.

"Up to now, hindi pa rin ito nagsi-sink in sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala na No. 1 tayo, tapos landslide pa sina Lani and Strike. Grabe, grabe ang hirap na pinagdaan natin sa eleksiyon na ito. Actually, half of my campaign, 90 days sa national, half of that, nagkakampanya na ako sa local for Lani. Sabi ko nga, hindi na sa akin importante kung mag-No. 1 ka or No. 2, ayokong matalo ang asawa ko. At natuwa naman ako na ibinigay ng Diyos ang kahilingan at dasal namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RECONCILIATION WITH OSANG. Bukod sa "triple victory" ng Revilla family, ang isa pang nakapagbigay ng kaligayahan kay Sen. Bong ay natuldukan na rin sa wakas ang limang taong hidwaan ng pamilya niya at ni Rosanna Roces. Si Rosanna ang ina ni Grace Adriano na dating girlfriend ng anak nina Bong at Lani na si Jolo Revilla. Sina Grace at Jolo ay may anak, si Gab.

Aminado si Sen. Bong na para siyang nabunutan ng mabigat na dalahin sa pag-aayos nila ng kontrobersiyal na aktres.

"Hindi lang ako nakahinga nang maluwag, parang akong natanggalan ng sibat sa puso at sana magtuluy-tuloy na," sabi ng actor-politician. "Sabi ko nga, wala kaming dapat pagkadiperensiyahan. Ang importante dito, matulungan namin both sides ang apo namin."

Dahil sa kanilang pagkakaayos ni Osang ay napatunayan ni Sen. Bong na walang sugat na hindi ginagamot ng panahon.

"Five years yun!" bulalas niya. "Ito na siguro yung time ng Panginoon para pag-ayusin kami and I'm waiting for that time na magkaharap kami. Hindi dapat pilitin kasi pag pinilit mo, madalas hindi maganda 'pag hinog sa pilit. Kusa na lang siyang naghilom."

Kung may isang pinakamasaya sa nangyaring pag-aayos, ito ay walang iba kundi si Jolo na naipit sa nasabing sitwasyon.

"Well, at least si Jolo, may peace of mind na siya ngayon. Dati, yun ang lagi niyang iniisip. Ang importante, tapos na."

May lumabas na balita na gusto raw sanang sumama ni Osang sa motorcade para sa pangangampanya kay Lani. Pero hindi nga lang ito natuloy dahil sa kakapusan ng oras. Sa kabila nito, labis-labis pa rin ang pasasalamat ni Sen. Bong.

"I heard about that. Hindi natuloy, pero salamat. Na-appreciate namin yun," sabi niya.

PLAN FOR THE MOVIE INDUSTRY. Ngayong nahalal siya uli bilang senador, tinanong ng PEP kung may bago ba siyang plano para sa ikabubuti ng movie industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "At least unti-unting nabawasan yung amusement tax nila, from 30 percent to 10 percent na lang ngayon. Ang isa pang goal ko ay matulungan natin yung iba pang mga walang trabaho sa industriya. Kaya nga we will encourage more producers na gumawa pa ng mas maraming pelikula.

"Sa mga manonood naman, maibalik ang tiwala sa mga producers para mawili silang manood uli ng mga Filipino movies. Regarding sa mataas na bayad sa sine, isa 'yan sa mga sinabi ko sa kanila [movie producers]... Bago namin ibaba yung kanilang amusement tax, sinabihan ko sila na kailangang ibaba naman nila ang bayad sa sine. So, yun ang step two para naman both sides will benefit. Mabawasan man ang income ng gobyerno, kailangan din namang magbenepisyo ang mga manonood natin ng sine."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN