Naglabas ng opinyon si Alex Gonzaga sa Twitter, kahapon, May 6, tungkol sa isang presidential candidate na inilarawan niyang “masyado ng gigil manalo.”
Sa kanyang naging tweet kagabi, sinabi ng TV host-actress na nalulungkot siya dahil sa ginawa ng presidential candidate na ito na gustong magka-isa sila ng mga kalaban para matalo ang isa pa nilang kalaban.
Nakakalungkot naman yung isang presidentiable masyado ng gigil manalo gusto pa niya magka-isa sila ng mga kalaban para lang matalo yung isa
— Alex Gonzaga (@Mscathygonzaga) May 6, 2016
Sa mga sumunod niyang tweet, pinayuhan ni Alex ang presidential candidate na itong umisip ng ibang paraan para mangampanya.
Sana rin daw ay hindi inilabas ang mga anti-campaign sa presidentiables bago ang campaign period at hindi dalawang araw bago ang eleksyon.
Sa last 2 days ng campaign.. Isip tayo paraan paano maconvince ang iba na iboto tayo wag yung maninira nalang dahil di manalo sa survey!
— Alex Gonzaga (@Mscathygonzaga) May 6, 2016
In my opinion lang po. Sana ginawa nila lahat itong anti campaign even before the campaign started or even nung nag anounce palang...
— Alex Gonzaga (@Mscathygonzaga) May 6, 2016
Tinapos na lang ni Alex ang kanyang mga tweets sa isang biro.Not 2 days before the election......
— Alex Gonzaga (@Mscathygonzaga) May 6, 2016
Kabwisit kasi.. Yan tuloy natalo yung bata ko sa president ng toda!
— Alex Gonzaga (@Mscathygonzaga) May 6, 2016
Wala mang binanggit na pangalan si Alex sa kanyang tweets, posibleng may kinalaman ito sa naging pahayag ni Mar Roxas na mag-usap sila ni Grace Poe upang matalo nila ang nangungunang si Rody Duterte.
Ngunit tumanggi si Grace at sinabing wala na silang dapat pag-usapan pa ni Mar.