Anjo and Jomari Yllana's brother Robbie dies from complications due to diabetes

Robert Francis Yllana, better known as Robbie to family and friends, was the second eldest Yllana but was considered the baby of the family by his mother Vicky and siblings, Anjo (right), Jomari (left), Ryan, and Paulie. He died last Thursday, May 13, at the age of 44.


Sa kasalukuyan ay nagdadalamhati ang pamilya Yllana sa pagpanaw ni Robert Francis Yllana or Robbie sa kanyang pamilya. Si Robbie ay 44 years old at nakababatang kapatid ni Anjo at kuya naman nina Paulie, Jomari at Ryan Yllana.

Pumanaw si Robbie noong Huwebes, May 13, dahil sa kumplikasyon dulot ng diabetes.

LAST MOMENTS. Kinuwento ni Anjo ang pangyayari nang malaman niya ang nangyari sa kapatid.

"Nasa Eat Bulaga! ako, tinext ako ng mommy ko. 'Punta ka na rito, baka hindi mo na maabutan si Robbie.' So, kinabahan ako. Pagdating ko sa hospital, nalaman ko na nagkaroon na pala siya ng cardiac arrest.

"Si Mommy ko, talagang nagwawala siya dahil alaga niya yun, e. Kami naman, alaga rin namin siya dahil siya lang kasi ang wala sa showbiz. Siya yung binibigyan namin ng atensiyon, lahat.

"Sabay kaming lumaki niyan. Wala pa sila Jomari, maliliit pa sila noon. Lumaki kami niyan, nagsusuntukan kami. Kami talaga ni Robbie ang lumaking magkasama."

LUCKY CHARM. Ang sabi naman ni Jomari, "Ako, ang tingin ko kay Robbie, parang lucky charm namin 'yan, e. Siya yung pinaka-sensitive sa amin. Siya yung parang bine-baby naming lahat. More than Ryan, more than the bunso."

Anong nararamdaman niya ngayon sa pagkawala ng kapatid?

"Ako, parang nanaginip lang ako. Parang nakalutang lang ako. Pero alam ko, alam kong wala na siya. Natatanggap ko naman unti-unti. Masyado lang mabilis ang rides, ang mga pangyayari."

Si Ryan ang bunso sa magkakapatid, at mas madalas silang dalawa raw ang kontrapelo ni Robbie.

"Pero siyempre, kapag lumambing na 'yan sa akin dahil yun nga, kaming tatlo ang may trabaho sa amin, kami ang nilalapitan niyan. Spoiled din sa akin 'yan but to a certain point. Unlike si Anjo, super close sila niyan. Lahat ng hingin ni Robbie, ibibigay talaga niyan."

Hinding-hindi raw niya makakalimutan ang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang memories ni Robbie, hindi mawawala sa amin. Siguro kahit wala na siya, e, araw-araw siyang nasa amin, nasa puso namin. "

MOTHER'S LAMENT. Kuwento naman ng ina nilang si Mrs. Vicky Yllana, "Sabi niya sa akin, 'Mommy, I'm going. Alam ko, Mommy, mamamatay na 'ko.' Sabi ko sa kanya, 'Rob, hold on. Who's gonna be beside me? Who's gonna be with me in the room?'

"Umiyak siya. Ako rin, I felt bad. Tapos sabi niya sa akin, 'Mommy, I will support you. I'll be with you. I'll pray for you. Palagi naman ako nasa tabi mo.' And that really hurts me. Alam niya that he's going and alam ko rin, in a matter of days, kukunin na siya ni Lord."

Ang message ng inang nangungulila ngayon sa anak:

"Anak, we love you very much and we will miss him. Our bonding will still be the same."

Nasa Heritage Memorial Park ang labi ni Robbie at nakatakda itong ilibing bukas, May 17 sa Himlayang Filipino. Kahapon sa Startalk, live na ininterbyu ni Butch Francisco si Mrs. Yllana katabi ang anak na si Jomari.

"Okey naman kami," ang sagot ni Mrs. Yllana nang kumustahin siya ni Butch. "Basta magkakasama kaming naiwan kong anak na apat. We talked about him and they console me. We console each other. So, we feel okay this time rather than the first day."

BABY OF THE FAMILY. Tanong kay Jomari, medyo nag-sink-in na raw ba sa isip nito ang pagkawala ng kapatid?

"Sa akin, oo naman... alam ko he's in a better place. Hindi na mahihirapan. Hindi na mapapagod. Hindi na siya masasaktan. Pero sa akin, masyadong mabilis lang kasi ang nangyari. It's too fast for me. Parang ano, e, parang hindi ko halos nakita si Robbie noong 45 days campaign period. Bising-bisi kami, nagka-campaign kami sa buong ParaƱaque."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumakbo si Anjo at Ryan for vice mayor and councilor ng naturang siyudad respectively. Nabigo si Anjo pero nagwagi si Ryan.

"Nag-birthday siya [Robbie] noong April 25, nag-dinner lang kami, mabilis na mabilis. Tapos, binati ko lang siya, nagmamadali kami, pupunta kami ng rally. Bihirang-bihira ko siyang nakikita these past few months, tapos, biglang ganun. Yun ang para sa akin masyadong mabilis."

Dugtong pa niya, "Usually kasi, kapag birthday niya, it's either ipinapasyal namin. May nire-request siya na gusto niya. Kapag ganun, lagi namin siyang pinagbibigyan. Lahat ng hinihiling niya binibigay namin. Parang ano lang, baby... baby ng pamilya. Kapag pumasok sa kuwarto, lahat magulo na. Lahat nakakatawa na."

Nasabi niyang si Robbie ang lucky charm nila. Why did he say that?

"Si Robbie kapag nasa tabi mo, kapag meron kang inaasikaso, parang ang gaan-gaan ng lakad ko palagi. Kunwari meron akong kailangang ma-achieve today or kailangang asikasuhing papeles, kapag si Robbie ang kasama ko, ang gaan-gaan. Meron pang mga suwerte along the way. I don't know, I consider him sobrang ang gaan kasama kapag may mga lakad-lakad ka."

ACCEPTANCE. "Masaya siya," dagdag na kuwento ni Mrs. Yllana. "Masayahin. Mas full of laughter, kuwento. He's full of jokes. Ako naman, masaya dahil talagang ganun ang personality niya... We'll miss him and we love him so much."

Aware naman daw si Robbie na nangangampanya ang mga kapatid niya. Hindi ba siya feeling neglected noong panahong iyon?

"Hindi naman," sagot ni Mrs. Yllana. "Kasi noong kampanya nasa hospital na kami. We were in the hospital May 1st. So, kaming dalawa, inaalagaan ko siya, hindi niya masyadong napi-feel. But really often, ang apat kong anak will visit us in the hospital together with my grandchildren. So hindi niya napi-feel, masaya naman siya."

Aware rin ba si Robbie na sa pamilya nila, may nanalo at may natalo sa nakaraang election?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aware naman siya but maybe, he's more of thinking about his health. So, hindi niya masyadong napansin yun. Pero ako, nabibigyan-pansin ko lahat sila. Napi-feel ko kung ano ang feelings nila.

"Si Robbie naman is really a good son. Tinatanong niya ako kung ano ang problema, kung ano ang concern niya, wala naman siyang sinabi tungkol dun."

ELECTION LOSSES. Komento ni Butch, medyo mabigat raw na although nanalo si Ryan, hindi pinalad si Anjo at pumanaw pa si Robbie.

Pero ang sabi ni Mrs. Yllana, "The Lord has so many reasons of his losing. And the Lord will give it back to him in so many wonderful ways. Million times he will be rewarded because he's a very good son. Tapos, ang ugali talaga ni Anjo, talagang matulungin 'yan. So, I'm sure the Lord will give him many options to take.

"Ako naman kasi madasalin, so the Lord is always with me. Win or lose, basta healthy lang ang mga children ko, walang nangyayari sa kanila, nandiyan naman si Lord at puwede siyang gantimpalaan in so many ways. It's because I know the Lord is with us. He's in the middle of the family and Mama Mary."

Butch asked Jomari kung ano ang nararamdaman nito for his brother Anjo who wasn't able to make it, at gayundin sa kanyang ex-wife na si Aiko Melendez who ran for vice mayor of Quezon City and also didn't make it.

"Ako si Ara [Mina, former girlfriend], umpisa pa lang, alam niya na parang as early as last year pa lang, alam niya na ang support ko and prayer ko for her. I was really wishing na sana manalo siya. Alam niya na nandiyan ako nagsu-support.

"I wish them both well pagdating sa larangan ng pulitika. Kay Aiko naman, nagkaroon ako ng oras na samahan sila ng isang gabi. I think, it was yung final, parang miting de avance na yata nila Aiko yun. Nagkaroon ako ng pagkakataon na si Andrei pa ang sumundo sa akin. I was yung parang surprise guest. Masaya ako na nakatulong ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang pulitika naman, ganyan talaga. Meron natatalo, meron nanalo. Nakakalungkot lang dahil kaibigan ko, kakilala ko pareho sila. Alam mo ang pinagdadaanan nila. Nakakahiya lang pinag-uusapan. Mas okey na kapag nakikita mo sila, pinapatawa mo sila. You make them feel good for them to move on."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN