(PART 2) Biboy Arboleda is confident that latest controversy will not tarnish Coco Martin's image

"Si Coco, sa totoong buhay, walang tinatapakang tao. Mas naaapakan pa nga siya, e. There are a lot of things na nangyayari kay Coco na hindi ko na lang ikinukuwento," says Biboy Arboleda about his talent, Coco Martin.


THE "BOMB." Pero after around five years nga, first time lumabas ni Katherine sa national television upang isiwalat ang mga "bomba" niyang ito laban kay Coco. Bilang manager ni Coco, wala bang plano si Biboy na sagutin ang mga isyung ito upang proteksyunan ang image ng kanyang alaga?

"No, my plan is... I'm very confident that it will not harm his image, because feeling ko naman na sa 25 years ko na nagtatrabaho ako sa ABS-CBN, ang dami ko nang nakitang artista na nagkaroon ng iskandalo, nagkaroon ng issues—whether true or false—dumi, putik...lahat na! Kutsilyo, bomba... And everyone has survived," sabi niya.

Giit naming tanong sa manager ni Coco, paano if it's true na anak nga ng aktor ang bata?

"If it's true na ako, bilang nanay ni Coco, e, di apo ko yun!" sagot ni Biboy. "Kung totoo, e, di apo ko pala yun. Di ba? Pero now, how can I possibly say na... I don't even wanna reach out. Kasi, mali yung pamamaraan, di ba? Mali ang pamamaraan. You never go out on national television. You don't throw a press conference to wash your dirty linen."

Sa palagay ba ni Biboy, dapat ay may closure na ang usaping ito kay Katherine?

"I think the best closure... I think that both have to close this. The effort should be dual, e. It's not like, 'O, anak, we should reach out.' Pero [paano kapag] ayaw ng girl?"

May pahayag pa si Katherine na kung hindi dahil sa kanya, hindi raw makikilala ng publiko si Coco dahil una siyang nagbida sa pelikula noon kesa sa aktres.

"Ibibigay ko na sa kanya yun," sagot ni Biboy.

Papaano kung parati na lang lumabas sa TV o magpa-interview sa mga pahayagan ang sexy actress?

"E, di lumitaw siya nang lumitaw!"

Sa paglabas ni Katherine, nagalit ba siya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, magagalit ako sa isang tao o sasama ang loob ko kung meron akong relationship with that person... Pero pag may waiter o waitress, 'Yan, may sinabi sa 'yo 'yan!' Care! Kebs ko! Kasi, wala kaming relationship. I-micro mo 'yan with the girl, I don't know her... I know her na artista siya."

Since aminado si Biboy na wala siyang idea kung totoo mang may anak si Coco kay Katherine, wala siya talagang intensiyong malaman at this point?

"Wala talaga," diretsong sagot ni Biboy. "I don't find it necessary na alamin. I'm sure, si Coco, in his own mind, and in his own heart, may intensiyon siya... Pero ang anak ko kasi, ang tawag ko diyan, batang Nora Aunor. Napaka-intense niya! Kaya nga mata pa lang, puhunan na niyan at saka acting, e. Di 'yan masalita."

COCO'S MOVE. Gusto niyang kay Coco manggaling ang move?

"Siya ang gumawa ng paraan niya, na hindi ko ipa-publicize," sabi ni Biboy. "Hindi ko gagawin for publicity. Not on television...no way! We have a new President, the country has a new time to change. But that change should begin from all of us.

"Si Coco, sa totoong buhay, walang tinatapakang tao. Mas naaapakan pa nga siya, e. There are a lot of things na nangyayari kay Coco na hindi ko na lang ikinukuwento. Pero I am there bilang nanay niya, to guide him and to protect him, to support him, dahil ito ang negosyong pinasok niya.

"You have to remember na ang bata, HRM graduate 'yan. Ang pangarap, maging waiter. Hindi ko minemenos ang mga waiter, ha. Pero hanggang doon lang ang asinta niya. Tapos, 'saka tinray ang indie films. E, kaya naman siya bumigay sa indie films, kasi ang sinabi sa kanya, e, may festival abroad. At nung unang festival [na pinuntahan niya], sa kanya ang pinakamalaking maleta! Kasi, ang balak niya, kaya siya nagdala ng malaking maleta, magpaiwan doon, magti-TNT! Wala nang uwian. Ayun, umuwi dito, tapos nag-indie film uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, ang sabi niya, sa third or fourth indie film, magti-TNT siya. And he did it, in Canada! At ano ang trabaho niya? Bingguhan ng mga matatanda, parang sa SM. Janitor ang lolo mo, natutulog siya sa lamesa! Almost six months siya doon," rebelasyon ni Biboy sa history ni Coco.

Hanggang sa nakabalik na nga ng Pilipinas si Coco at gumawa ng maraming indie films.

"Pagbalik niya dito, sabi niya, 'Bahala na si Batman!' Then, string of indie films. And I'm sorry to say to whoever wants to destroy my son, he met me...and then the magic happened!" malakas na halakhak ni Biboy.

COCO'S REACTION. Going back sa Bench photo shoot nang tawagan ng ni Biboy si Coco pagkapanood kay Katherine sa Paparazzi, ano ang naging reaction ni Coco?

"Ngumiti lang siya sa akin," sabi ni Biboy. "I'm sure, naapektuhan siya. Sino ba naman ang hindi? But he's very professional celebrity and artist. May trabaho. Walong lay-outs. Inuna niya ang trabaho, tinapos niya. Tapos no'n, nagpunta kami ng dubbing ng pelikula niya.

"Habang nagda-dubbing siya, nagsimba ako. Pagkabalik ko, hapunan ng 8:30. Natapos siya, alas-sais ng umaga! Tapos, diretso sa presinto sa Novaliches [para sa taping ng Kung Tayo'y Magkakalayo]... So, di ba, the semblance of life goes on.

"Sa akin kasi, hindi ko type yung pamamaraan... I cannot question the choice siguro. Maybe, hindi kasi sa akin 'yan nangyayari. There would have been better days. There would have been a little more proper [way] and precise."

Papaano kung mag-reach out ang kampo ni Katherine sa kanila ni Coco?

"I would just have to wait for that day. Open ang option to talk to them. As I said, I'm not angry. Pag ako kasi, galit, binubuga ko, and then, klaro na tayo. Gano'n naman ako, e."

Walang galit si Coco kay Katherine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akong nakikita. Ang tagal na e, e. Mabuti sana kung we're talking about a six-month-old baby. But apparently, we're talking about a five-year-old child, na most probably, e, nakakaintindi na. Would you want to put your child on the line at this point?

"It's pretty sad, it's pretty sad. Expected ko naman 'yan, e, na sasabihing sa tagumpay ni Coco... Akala 'ata, e, milyones na ang datung? Ang tagal na natin dito, alam naman natin kung gaano ang sahod dito. Wala namang kumikita dito ng isang milyong isang linggo!" tawa nito.

MESSAGE TO COCO'S FANS. Ano ang message niya for Coco's fans?

"Siyempre, yung kanyang Solid Cocoholic fans, sila yung nagagalit. Sila yung medyo tumatalak at affected. Pinapakiusapan ko sila na huwag nang magalit, kasi anger is a negative emotion.

"Human sila, yes, but again, I am trying to live by example. The least na makita nila akong nagbe-breakdown at nagtititili, at nagbabasag ako ng kung anuman. Dapat, tumayo ako. Okay, it's happening... Let's face the music. Let's dance!"

Hindi ba sila deserving ng aumang pananalita mula sa kanilang mahal na idolong si Coco?

"They have a word from their idol because I make sure that their idol communicates to them through me. So, there's communication between Coco and his fans, but it's not declared," sabi ni Biboy.

Kaklaruhin din ba ni Coco sa publiko ang mga isyung pinupukol sa kanya?

"As of today, wala akong nakikitang ganoong pangyayari.Because ako, as a manager, I don't find it necessary."

Not yet?

"Not at all!" sagot ni Biboy.

Pero kapag natanong si Coco sa mga presscon niya, paano?

"The last time that he was asked, sa launch ng isang endorsement niya, he just said na hindi yun ang tamang panahon at lugar para pag-usapan ang gano'ng bagay. And as far as I'm concerned, that answer remains. Consistent ako sa answer na 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung hindi pa ngayon ang tamang panahon, kailan?

"Alam mo, Mell, si God ang makakasagot niyan. There was never a tamang panahon or tamang lugar nung maghiwalay sina Martin at Pops, at nahati ang Pilipinas! There was never a tamang panahon o tamang lugar na nag-declare sila na magkaka-reunion concert sila sa Araneta Coliseum. There was never a tamang panahon when Gabby left Sharon, and nagkabati sila two years ago."

NOY. Naikuwento rin ni Biboy ang latest film ni Coco na pinamagatang Noy, first full-length film of Dondon Santos na director ng Agimat series ng ABS-CBN. Ito rin ang first movie na ipo-produce ng CineMedia ng grupo ni Biboy with Rondell Linadayag, Julie Anne Benitez, etc. Co-stars ni Coco dito sa Noy sina Cherry Pie Picache, Baron Geisler, Joem Bascon, Vice Ganda, Pen Medina, at Ping Medina.

"Coco is the co-creator, concept niya ang movie na Noy," banggit ni Biboy. "He's also the co-director, he's also acting at the same time. At hindi siya nagpabayad.

"It's the story of a Filipino played by Coco, and he has a Filipino family na below poor ang level. The backdrop is six months of the election campaign and how the typical Filipino family reacted at gumalaw sa environment.

"The backdrop is Coco's character was somehow get to be with Senator Noynoy Aquino's campaign. Slightly, ang feel niya ay docu, pero kuwento siya na sumasalamin. Tumaya na rin si Coco [sa share sa pag-produce]," sabi pa ni Biboy.

Dagdag niya, timely raw na material na ito dahil sa nakaraang eleksyon. At nagpapasalamat sila sa suporta ng Aquino family.

"In fairness to the Aquino family, pumayag... Pumayag sila whether manalo or matalo sila, e, because they believe in the project. Backdrop ang kampanya, backdrop ang eleksyon. Pina-approve muna namin ang material sa Aquino family and we got the go," sabi ni Biboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin si Coco sa umano'y pang-Metro Manila Film Festival ng Star Cinema, Sa 'Yo Lamang, kung saan kasama rin sa cast sina Ms. Lorna Tolentino, Bea Alonzo, at Enchong Dee. Magsisimula na silang mag-shooting ngayong third week of May, to be directed by Laurice Guillen.

"Isa siyang family drama, sila yung pamilya. Ang ganda rin ng kuwento.

"So, sa akin, ang intention ngayon, si Coco, the work is there. And hindi ako titigil until end of the year, makuha na ng anak ko ang bahay para sa pamilya niya."

Saang bahay ito ang target ni Coco?

"Wala pa," sagot ni Biboy. "Marami na namang bahay na nakatayo diyan. Bibilhin na lang. Hindi naman siya super major big star na may milyones na he would have the luxary in choosing a nice lot or building or a house. Yung existing na 'yan.

"'Saka, masinop yung tao. Puwede na nga siyang bumili ng brand new na auto, ayaw! Ang ginagamit niya ngayon ay second hand na Starex. Yun yung mga unang napundar niya. Kasi sabi niya, sayang daw ang pera. Isa yun sa mga naipundar na niya. He knows how to start small and nagse-save siya."

Wala pa ba talagang girlfriend ngayon si Coco?

"May mga nagpapa-cute sa paligid!" tawa ni Biboy. "Hindi naman sa hindi puwede. Sa akin, chika lang naman. Sabi ko, 'Nak, pag may oras ka, mag-date-date ka. Or mag-talk-talk kayo.'"

SIMILARITIES WITH RICO YAN. Nakitaan rin daw ng manager ng similarities si Coco sa dati nitong alagang si Rico Yan.

"Para siyang si Rico. Saka he reminds me of Rico. Kasi, lagi niyang sinasabi sa akin, 'Mother, matanda ka na...' Nakita mo yung panahon natin kay Rico... Maybe, the boy also has to make some choices, na kay Rico, pinanindigan niya.

"Gano'n din si Coco, pag gumawa siya ng choice or he makes a commitment, solid 'yan. And then, the intensity of the personality and the character ni Rico, pareho sila. Yung tahimik pero ang lalim pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Rico, gano'n, di ba? Si Rico naman, parang clown. Pag kaharap tayong lahat, patawa nang patawa, sayaw nang sayaw...harot nang harot. Pero sa loob pala, nalulungkot na siya. Yun ang nakita ko kay Coco, yung intensity.

"Sabi ko nga, e, 'Ay, si Coco, siguro ano rin ito...biyaya rin ni Rico from above.' 'O, Mother, matagal ka nang hindi nagma-manage, mag-manage ka uli. O, 'eto sa 'yo, Coco Martin.' Feeling ko lang.

"The family of Rico and I are still very very much in touch. Si Bobby [Yan, kuya ni Rico] ay busy sa kanyang radio show. Si Geraldine [sister] and the husband are now in Australia. Tina [sister] is in San Francisco. Si Tita Cita [mom], nasa L.A., kasama ni Tito Robby [dad]. We keep in touch. Bongga kami!" pagtatapos ni Biboy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN