Returning actress Samantha Lopez denies divorcing her foreigner husband

"My showbiz comeback has nothing to do with my marriage. I'm very happy with my husband. It just so happened that he's so supportive with my passion, which is acting and dancing," says actress Samantha Lopez.


After eight years, nagbabalik-showbiz si Samantha Lopez, na sumikat noon sa Eat Bulaga! bilang si Graciaaa. Kasama si Samantha sa Sine Novela Presents Basahang Ginto ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

SHOWBIZ COMEBACK. Ikinuwento ni Samantha sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pagbabalik-showbiz niya nang makausap namin siya sa presscon ng Basahang Ginto kagabi, May 19, sa 17th floor ng GMA Network Center.

"Ganito po talaga story niyan," simula niya. "Una, January [2010] kasi, may inasikaso ako. Tapos bumalik po ako ng March para sa high school graduation ng anak ko. January, two weeks lang ako. Tapos pagbalik ko ng... Sinabi sa akin, tinext sa akin ni Ruffa [Gutierrez] yung tungkol sa Survivor Celebrity Edition. Kasi nga, si Richard [Gutierrez] na yung magho-host. So, iyon talaga ang ibinalik ko.

"Tapos March, bumalik ako for the graduation ni EJ [her daughter], tapos para nga magpa-interview diyan sa Survivor. So actually, yung body at saka yung mind ko, naka-set na for Survivor. E, matagal pa yung ika-cast ka ng 40 days. So, matagal pa. So, sabi ko, kailangang i-prepare ko yung sarili ko. Bumili ako ng mga DVDs, ng mga ganyan and everything. Tapos bumalik ako ng New York para mag-train ng swimming...ng lahat.

"Ngayon, Monday ako aalis, Sunday merong premiere night ang Working Girls. So, nagkita kami ni Rams [David, program manager ng Basahang Ginto] sa Sir George Salon, then nagkita ulit kami sa premiere night. Sunday ng gabi yun.

"The next day, umalis ako," patuloy niya. "After like three days, nakatanggap ako ng tawag kay Arnold [Vegafria] na, 'Hay naku! Sigurado ka bang tutuloy ka pa ng Survivor kasi may ganito, may offer,' ganun-ganun. Sabi ko, 'Naku, pinaghandaan ko na yung Survivor!' Tapos ipinaliwanag niya sa akin kung ano yung mga dangers kasi hindi sigurado yung coverage ng personal injury insurance, e, meron na akong skydiving accident.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, anyways, to cut the story short, in-offer nga sa akin 'yan [Basahang Ginto], e, pauwi na ako talaga. So nung kinausap ko si Rams, okay naman daw, ganyan-ganyan, okay yung role. Tutal magbabalik na rin lang ako. Pero ang pagbabalik ko talaga nun, sa Survivor. E, sabi maganda raw yung role [sa Basahang Ginto], maganda raw yung story. Then Carla Abellana, siya yung bagong talent din ni Arnold. So, yun ang story."


NEW MANAGER. Paano siya napunta kay Arnold?

"Nagkita kami niyan sa New York. Kasi meron yatang... Kinukuha ko yata si Geneva Cruz noon, basta for...ano, basta ibang ano siya. Tapos yun, nakilala ko siya. Tapos nung umuwi ako dito, may mga common friends... Tapos nung nagpunta siya ng New York, for the Tribeca-Soho International Film Festival, meron siyang produced na movie. So, nagkita-kita kami lahat. So, dun lang napag-usapan, nito lang yun, early this year," saad ni Samantha.

Hanggang kailan ang kontrata niya kay Arnold?

"Wala naman kaming ano... Actually una niyan kay Ma'am Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV of GMA-7] ako lumapit. Pineysbuk ko... Di ba, ang nagagawa ng Facebook? Kinapalan ko na yung mukha ko. Kasi si Ma'am Malou [Choa- Fagar of TAPE Inc. and former manager of Samantha] at si Jessica [Rodriguez-Bunevacz] lang naman talaga ang nag-handle [sa akin], e.

"E, di ba, yung kay Jessica and then with Ma'am Malou, siyempre iba na yung ano nila sa Eat Bulaga!. So lumapit ako kay Ma'am Wilma. Sabi ko, 'Ma'am Wilma, gusto ko nang magbalik,' ganyan-ganyan. Sabi ko, 'Sana po mapa-guest ninyo ako and everything.' E, kaso ipinaliwanag niya sa akin, 'E, anak, sa tatlong linggo, dalawang linggo mong pagpunta, wala tayong maaano diyan kundi SOP.' Mga paganung-ganung guesting lang. Although tinulungan niya ako, binigyan niya ako ng guestings sa Channel 7. Tapos ayun, nang pagbalik ko, tamang-tama, ayun si Arnold."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, wala na siya talaga sa Celebrity Edition ng Survivor Philippines?

"Wala na kaya puwede ko nang sabihin ngayon. So, hindi na. Bale initsapuwera ko na yung Survivor. Ito yung... sana nga maging wise choice."

Hanggang kailan siya maglalagi sa Pilipinas?

"Hanggang matapos po ako [sa soap]," sagot ni Samantha. "So, ayoko pong madaliin kasi baka patayin nila yung role ko! Sabihin natin kung ano yung ano, yung duration nung role ko."

LIFE IN THE STATES. Ano naman ang ginawa niya sa Amerika sa loob ng walong taon?

"Nagtrabaho lang ako sa restaurant," sabi ni Samantha. "Nag-umpisa ako bilang coat check. Meaning, pag winter dun, di ba, mabibigat yung mga... Naku, dyusko, parang gym ko yun, binubuhat ko yung mabibigat na coats! Tapos, bibigyan ka ng tip. Oo, nag-umpisa ako sa ganun kasi hindi pa naaayos yung visa ko nun, e. Tourist pa lang ako.

"Hindi ka naman allowed mag-work, so inayos ko yung working visa ko. Tapos nung nagka-working visa na ako, puwede ka nang...on the record ka na. So, ayun, naging hostess ako, yun yung nag-uupo pag may papasok na customer. Kasi yung restaurant na yun, may reservation, iuupo mo sila. Same restaurant na kung saan nag-coat check ako. Dun lang ako sa restaurant na yun hanggang sa umalis na ako, sa Serafina," lahad niya.

NOT DIVORCED. Ano ang sabi ng asawa niya na si Warren Edwards, isang British shoe designer-manufacturer-retailer na based sa Manhattan, sa pagbabalik-showbiz niya?

"Supportive naman po siya kasi nakita naman niya na talagang medyo na-depress... Not really depressed, kundi na-miss ko yung ano."

Kasal ba sila ni Warren?

"Oo, 2002 ako nagpunta ng New York. Na-meet ko siya 2003, ikinasal kami ng 2007," sabi ni Samantha.

Wala pa raw silang anak. Hindi rin daw totoo ang tsismis na hiwalay or divorced na sila ni Warren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi! Pero kasi may bago nga akong asawa, si Basahang Ginto!" tawa niya. "Hiwalay po kasi nasa New York siya, nandito ako. For now, husband ko yung acting career ko, ang Basahang Ginto.

"Actually, my showbiz comeback has nothing to do with my marriage. I'm very happy with my husband. It just so happened that he's so supportive with my passion, which is acting and dancing."

Mapapanood na ang Basahang Ginto simula sa Lunes, May 24, sa Dramarama Sa Hapon ng GMA 7. Mula sa direksiyon ni Joel Lamangan, tampok din dito sina Rita Avila, Eunice Lagusad, Vaness del Moral, Jackielou Blanco, Kevin Santos, Bearwin Meilly, Tony Mabesa, Jim Pebangco, Dion Afi, Byron Ortile, at Ms. Celia Rodriguez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN