IC Mendoza wants to be good at hosting

As a host, "Sobrang love ko ang lola ko at mommy ko," but if he will have his way, "Gusto ko lang gumawa ng as IC Mendoza..."

The Juicy co-host is the son of Dolly Anne Carvajal and the grandson of the late inday Badiday.


Happy si IC Mendoza sa bagong time slot ng Juicy, kung saan isa siya sa mga hosts. Mula sa afternoon time slot nitong 11:30 a.m. ay late night na sila napapanood simula pa noong Lunes sa TV5.

Ayon kay IC, "Feeling ko magiging okay kasi, noong kami lang dalawa ni Alex [Gonzaga] sa Juicy, may replay kami. And in fairness, mas may recall sa gabi. And 2:15 p.m., siyempre, nauungusan ng Wowowee, e, siyempre, Wowowee yun."

Biro pa niya, "Yung sa gabi nga lang, mapupuyat ako. Chos!"

WORKING WITH CRISTY FERMIN. Matagal-tagal na rin nilang kasama si Cristy Fermin bilang host ng Juicy, pero, okay lang ba sa kanila na mula sa pagiging main hosts noong nai-launch ang naturang show ay mistulang support na lang sila ngayon?

Okay lang naman daw yun sa apo ng yumaong Queen of Intrigues, Inday Badiday, dahil, aniya, "nandun naman si 'Nay Cristy para turuan kami bilang siya ang nanay ng intriga."

Sa pagpapatuloy ni IC, "Mas better kasi, wala naman dun si 'Nay Cristy para sapawan kami. And in fairness, noong pagpasok ni 'Nay Cristy, kinabahan din ako, aaminin ko. Kasi, baka hindi na ako makapagsalita. Pero, aaminin ko, binibigyan niya kami ng space. Ang ganda ng banter namin kasi para kaming mag-lola na nagtsi-tsismisan. Hindi na lang kaming dalawa ni Alex ang nagbabalita kasi, hindi pa naman kami authority sa showbiz."

Pero kumpara noong nagsisimula pa lamang siya, mas kumportable na raw siya ngayon ng magbigay ng kanyang opinion tungkol sa mga showbiz issue.

Ang kuwento niya, "Honestly, ako ha, naging matapang din ako ngayon. Sabi nga ng iba, kailangan kong bawas-bawasan ang pagiging matalas ng bibig ko. Pero at least, mas naging seryoso ang show pero fun pa rin siya, at the same time, nabi-build din ang credibility namin habang bata pa kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WELCOMING MO TWISTER. Kumusta naman ang bago nilang co-host na si Mo Twister?

"Bongga! The more the merrier. Kasi, iba-ibang opinion. Si Nay Cristy, siya yung pinaka-intriga talaga. Si Mo naman, siya yung sosyal na side bilang sosyal siya. Yun nga ang maganda, feeling ko magdye-gel kami. Si Mo naman, friend ko naman yun and it's exciting naman na meron namang opinion ng lalaki for a change kasi dati 'di ba, for the longest time puro kami bakla 'tapos, isang babae. Ngayon, at least, merong opinion ng isang lalaki na minsan hindi namin nakukuha. Ang mga reporters naman minsan na nagge-guest kung hindi bading, babae," ang mahaba niyang sagot.

In a way, nagkakaroon na rin daw ng presensiya ang show sa industriya, at nagiging source na rin ng news.

"Actually, may isang artista na may galit sa akin," natatawa nitong sabi na pina-off-the-record na lang niya kung sino ang kanyang tinutukoy. "Actually, friends naman kami pero after siyang ma-blind-item, hindi na siya namansin. Attitude talaga although noong maging friends kami, okay naman siya."

FRIENDSHIP VS SCOOP. Nakakaapekto ba ang pagiging host niya sa pakikitungo sa kanya ng mga artistang nakakasama niya sa ibang projects?

"Sa mga artista naman, kapag friends ko, hindi ko naman masyadong ilalaglag. Pero kapag hindi ko masyadong friend at narinig ko at reliable naman ang source at may proof naman, siyempre, bakit ko hindi ilalabas bilang may talk show ako," ang rason ng anak ng columnist na si Dolly Anne Carvajal, na nagsabing paminsan-minsan ay ginagamit daw na source si IC.

Dagdag nito, "Kapag naglabas pa ng intriga ang mommy ko, kung sa akin man galing, hindi n'yo na malalaman yun."

Naranasan na ba niyang mapaaway dahil sa kanyang pang-iintriga?

"Wala pa naman. Pero may mga fans na umookray, yung Melason [Melai and Jason] fans, sa Twitter. Sabi ko kasi sa Top 10 love team, sabi namin, after PBB, medyo nawala ang magic. Pero love ko naman ang Melason. 'Tapos, biglang may nag-tweet sa akin na 'dahan-dahan sa pag-komento, maraming nasasaktan.' 'Tapos, sinagot ko na 'if you don't like me...' sometimes, mataray but legit comment. Dun ako sinabihan ng 'Chaka ka, chaka ka!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ako, ayoko namang makipag-away. So, sinabi ko sa followers ko that I know, you cannot please everybody. Pero sa lahat naman ng natutuwa sa akin, guys, may nang-aaway sa akin. Ipinost ko ang pangalan niya, gyinera siya ng mga kaibigan ko," natatawa niyang kuwento.

Dugtong din niya, "Pero ako naman, kapag friend, friend. True friend naman ako, hindi ako backstabber. Kapag may intriga sa kaibigan ko, tine-text ko."

LOVING HOSTING. At gaya ng kanyang lola at mommy, natutunan na rin daw niyang mahalin ang pagho-host.

"Eto ha, ang first love ko talaga, dancing. Sayaw, ever since high school...Gusto ko pa rin siyang i-pursue. Pero sa talk show, natutunan ko siyang mahalin. Noong mapasok ako sa Juicy, okay, fine...Pero mas na-enjoy ko siya, especially kasama ko si Alex.

"Hindi ko akalain na mag-e-enjoy ako. Dati kasi, palagi akong nasa field. Pero ngayon, hindi ko akalaing mag-e-enjoy ako."

Pero bilang host, mas gusto niyang gumawa ng sariling pangalan.

"Ayokong sundan...Sobrang love ko ang lola ko at mommy ko. Masaya 'ko na dahil sa kanila, nabigyan ako ng break. Pero, ayokong tawagin na next Inday Badiday. Gusto ko lang gumawa ng as IC Mendoza na hindi ko pa nagagawa. Kasi, parang nasa anino pa rin ako ng lola ko," ang pagtatapos ni IC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN