Pinay singer bags grand prize at an international singing competition in China

Singer Lordenn Panganiban (left) and composer Vehnee Saturno proudly show the trophies they won at 11th Asia New Singers Competition held in Beijing, China.


Double victory para sa Pilipinas ang nakaraang 11th Asia New Singers Competition na ginanap sa Beijing, China noong April 28 hanggang May 7. Ang baguhang singer na si Lordenn Panganiban ang nakakuha ng Gold Prize bilang Best Performer, samantalang ang inawit naman niyang "Within" ang nanalong Best Song.

Ang "Within" ay nilikha ng composer na si Vehnee Saturno at isinulat ng kanyang anak na si Popsie Saturno. Bale 33 songs ang naglaban-laban mula sa 19 participating countries.

SECOND CHOICE. Ayon kay Vehnee, na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 20, sa presscon nila ni Lordenn sa Moomba restaurant sa Roces Ave., Quezon City, second choice niya lang daw ang baguhang singer para maging representative ng ating bansa sa nasabing international singing competition. Nag-backout daw kasi ang first choice niya dahil sa personal problems kaya si Lordenn ang napili niyang ipadala sa competition.

Si Lordenn ang lead vocalist ng bagong banda na binubuo ng TV host-comedian na si Willie Revillame. Si Vehnee naman ang manager ng banda.

Okay lang naman daw kay Lordeen kahit second choice lang siya ni Vhenee.

"It doesn't matter po kung second choice kasi lahat po 'yan blessings," sabi niya. "Lahat ng opportunities na dumarating sa buhay, I consider them as blessings. Never have I imagined po na makakapunta ako abroad to represent our country. Yun lang po, yung fact na nakapag-represent ako para sa bansa natin, malaking bagay na po yun para sa akin,"

Hanga si Lordenn sa pagiging mahusay na composer ni Vehnee. Kaya naman ipinagmamalaki niyang siya ang napili nito para kantahin ang "Within" na nilikha nito.

"Si Tito Vehnee, napaka-gifted talaga na songwriter. So I feel blessed na ako po ang napili niya to interpret his song. Napakasuwerte ko po talaga," sambit ng baguhang singer.

During the competition, ang representative from Sri Lanka ang inisip ni Lordenn na mahigpit niyang makakalaban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakita kasi namin na from the start ay talagang magaling po siya," banggit niya.

FAVORITE SINGERS. Sino ba ang paboritong singer ni Lordenn?

"Masasabi ko po na ang idol ko sa local singers, si Lani Misalucha po," sagot niya.

Kung mabibigyan naman ng chance, sino ang gusto niyang maka-duet among our local singers?

"Gusto ko po sina Jed Madela at si Richard Poon," sabi ni Lordenn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN