Princess Ryan and Valeen Montenegro find working for TV5 very much to their liking

"The difference kasi is that nag-a-adjust ang TV5 sa schedules ko," said erstwhile Kapamilya talent Valeen Montenegro (left). "Natuwa naman ako sa ginawa nilang iyon kasi parang importante ka sa kanila." "Mas nagtutulungan kami kesa sa nakikipag-compete sa isa't isa," said Princess Ryan (right), who also came from Dos.


Dalawa sa mga talents ng Star Magic na hindi na nag-renew ng kanilang kontrata sa ABS-CBN ay sina Valeen Montenegro at Princess Ryan. Ito'y dahil lumipat na sila sa Kapatid network na TV5.

Pareho ngayong mainstay ng Lokomoko U ang dalawang aktres, at napapanood din sila sa P.O.5. (Party On 5) tuwing Sunday.

TIME FOR STUDIES. Matagal na raw nag-expire ang kontrata ni Valeen Montenegro sa Star Magic at nag-decide itong huwag nang mag-renew dahil priority raw niya ang kanyang pag-aaral. Incoming third year student si Valeen sa fashion design sa College of Saint Benilde.

"Right now kasi, itong Lokomoko U lang ang ginagawa ko. Paminsan-minsan may ibang guesting like sa P.O.5., Moomoo and Me at My Darling Aswang. Alam din ng mga taga-Singko that I'm more concentrated sa pag-aaral ko. na naiintindihan nila.

"The difference kasi is that nag-a-adjust ang TV5 sa schedules ko. Kapag may pasok ako sa ganitong mga oras, they will call for taping after na ng school ko. So nakakapag-taping pa rin ako kahit na may pasok ako.

"Natuwa naman ako sa ginawa nilang iyon kasi parang importante ka sa kanila. I told them na they don't have to do that. Okey lang naman kung hindi ako makapag-taping pero they insist na parati akong nasa Lokomoko U. Kaya they adjust to my sked."

NOT BURNING BRIDGES WITH 2. Okey naman daw sa kanya na mag-work pa rin sa ABS-CBN dahil doon naman daw siya talaga galing. Naging part siya ng mga shows nila tulad ng Abt Yur Luv, Isabella at Crazy For You.

"The last show I did for them was Your Song Presents Underage. After that kasi, doon na nagtapos ang contract ko with them. Pero I was already doing shows for TV5. I was with Hush-Hush and Take 5 before bago mag-reformat ng mga shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Welcome pa rin naman daw ako to work with ABS-CBN. Kung may project sila na hindi magku-conflict with my studies and my show with TV5, bakit ko naman hindi gagawin, di ba?

"I don't want to burn bridges naman at marami pa rin naman akong friends sa Dos. But for now, TV5 is my new home," ngiti pa ni Valeen.

Kaya raw fashion design ang kursong kinukuha niya ay dahil gusto niyang maging celebrity stylist tulad ng sikat na Hollywood stylist na si Rachel Zoe. Gusto rin niyang magkaroon ng sarili niyang fashion line and eventually makapagtrabaho as stylist sa mga TV shows at pelikula.

"I love fashion and I love dressing up my friends. Eventually I want to have my own studio and have my own line of clothes and accessories. I would also like to work for television and the movies in the future in line with fashion, tulad nga sa Gossip Girl, Sex and the City, The Devil Wears Prada and Confessions of a Shopaholic. Anything that involves fashion and celebrities, gusto ko 'yan."

NO REGRETS. Si Princess Ryan naman ay dating part ng all-girl group na Kool Chx. Madalas silang mag-perform sa ASAP hanggang sa magkawatak-watak ang grupo nila.

Nakagawa ng ilang shows sa Dos si Princess tulad ng Eva Fonda, Love Spell, Your Song at Precious Heart Romances. Huli siyang nakasama sa gag show na Banana Split.

"Last year pa nag-expire ang contract ko with Star Magic. They want me to renew, pero it all depends sa manager ko kasi. Sa akin, okey lang naman kasi wala naman akong naging problema with ABS-CBN 2. But it's my manager's decision na dito na lang ako sa TV5.

"No regrets naman because okey ang trabaho ko sa TV5. I have Lokomoko U and P.O.5. Tapos may ilang guestings pa ako sa ibang shows. So okey ako rito at masaya ang makipagtrabaho with them," ngiti pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dancing and singing ang pinakagustong gawin ni Princess kaya ito ang kina-career niya ngayon sa TV5.

"Even naman noong nasa Dos ako, yun din naman ang pinapakita kong talent. Dito kasi sa TV5, iilan lang kaming marunong sumayaw at nagtutulungan kami sa mga dance steps. Walang masyadong competition dito kasi lahat kami nasa mga bagong shows at mas nagtutulungan kami kesa sa nakikipag-compete sa isa't isa."

BACK TO SCHOOL. Nasa plano ni Princess na mag-take up ng kursong psychology. Hindi kasi siya nakapag-college nang pasukin niya ang showbiz.

"After ko kasing mag-graduate ng high school in Leyte, doon na ako nag-start na mag-showbiz. Kumikita na kasi ako that time kaya parang na-neglect ko ang pagpasok sa college.

"Ngayon kasi ay nakaipon na ako and gusto ko na ngayong balikan ang pag-aaral. Hindi pa naman huli ang lahat, di ba? Kapag naayos na ang mga requirements na hinihingi nila sa akin, mae-experience ko na ang maging isang college student."

Parehong walang boyfriend ngayon sina Valeen at Princess. Na-link romantically si Valeen sa model-turned-actor na si Victor Basa samantalang naging boyfriend naman ni Princess si Alwyn Uytingco. Ngayon daw ay wala silang panahon na makipag-boyfriend. Kung magkaroon man daw sila, gusto nila ay hindi taga-showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN