Rico Blanco's "Neon Lights" is No. 1 song in Hong Kong

"Parang di pa siya nagsi-sink in sa akin hanggang sa ngayon," says the OPM star. "I'm happy to represent na mayroong Filipino artist at least sa radio sa ibang bansa. Minsan tayo, di natin naa-appreciate ang sariling atin, it takes people from outside pa na ma-appreciate ang sariling atin. When I'm in Singapore or abroad, I tell everyone when I get kudos for my music na there's a lot of talented Filipinos."


Pagkatapos mag-No.1 hit song sa Hong Kong ang kanta niyang "Neon Lights," lumabas ang balitang iiwan na raw ni Rico Blanco ang singing at magpo-focus na sa acting lalo't magiging part siya ng upcoming project ng ABS-CBN, ang Imortal, na siyang pagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

When PEP (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Rico at the PLDT SME Nation song launch, "Para Sa Mga Bossing," held last Thursday, May 20 at The Atrium in Makati, we immediately asked him if this was true.

"No, never kong iiwan ang pagkanta. The thing lang kasi with being a solo artist, now I can adjust my time, my flexibility. Pag gusto kong 'wag munang magtrabaho, puwede. Pag gusto kong magtrabaho ng music, puwede. Kung gusto kong ibang art like acting, puwede rin.

"Yung acting naman, always part of me. Ang hirap paghiwa-hiwalayin ang art. Nandiyan ang kumakanta ako, gumagawa ako ng kanta, sumasayaw ako, umaarte. I did an indie film before, I did theater before, yung Jesus Christ Superstar, so parte lang 'yan but there's a project very soon."

Inamin naman ni Rico na kasama nga siya sa Imortal kung saan nakapag-workshop na siya with some of the cast.

"Wala talaga akong experience to work with them, just very briefly in just one workshop, pero wala dun si JL [John Lloyd] but I'm very excited. It's new to me, yung TV. I've done an indie film, theater, pero iba pa rin yung TV.

"Ngayon kasi matagal na rin yung last na ako umarte ako, five years ago yata so kailangang i-refresh uli."

NO. 1 IN HONG KONG. Nang mag-No. 1 sa Hong Kong ang kanta niyang "Neon Lights," mismong ang singer ay di raw makapaniwala sa magandang balitang ito.

"Parang di pa siya nagsi-sink in sa akin hanggang sa ngayon. Nalaman ko 'yan through taga-Warner from Hong Kong. Sinabi sa Warner Philippines tapos sinabi sa akin. Nung malaman ko, 'Wow! Astig!' I'm happy to represent na mayroong Filipino artist at least sa radio sa ibang bansa. Minsan tayo, di natin naa-appreciate ang sariling atin, it takes people from outside pa na ma-appreciate ang sariling atin. When I'm in Singapore or abroad, I tell everyone when I get kudos for my music na there's a lot of talented Filipinos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung 'Neon Lights' di kasama sa local [release] ng Your Universe [album] kasi maraming Filipino songs na local na pinalitan namin yung ibang kanta ng English songs and isa yun sa English songs na pinalit namin."


According to Warner Philippines, ang kantang "Neon Lights" ay kabilang sa regional release ng Your Universe.

Napag-usapan din ang kantang "Para Sa Mga Bossing," ng PLDT SME na sina Rico at Arnel Pineda ang nag-interpret. SME stands for small-to-medium scale entrepreneurs.

"I'm very honored and thankful na I performed yung song ng hinahandog ng PLDT para sa lahat ng mga bossing at sa lahat ng mga Filipino na ma-encourage na i-pursue ang kanilang dreams. Yung lyrics galing sa PLDT tapos akin yung arrangement and melody. Nung nakita ko yung lyrics, I believe in the same message naman na sinasabi na you take control sa destiny mo. Actually yung bridge part, sinulat ko yun for Arnel kasi may special si Arnel dito, so parang nagdagdag lang."

Minsang naugnay kay KC Concepcion, open si Rico ngayon sa pagsabing masaya siya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

"Two years na. She's not from show business and I think better na non-showbiz. Mas quiet, tapos nire-respect din naman ng media."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN