Singer Malu Barry's son lies in coma after vehicular accident

Malu Barry's son Charles Louis has been lying comatose in a Cebu City hospital since he was run over by a van three months ago. Malu, known as the "Torch Queen" in the 1990s, has been a holding series of benefit concerts at Merk's Bar Bistro at Greenbelt 3, Ayala Center, Makati City, to raise funds for her son's medical expenses. The next show is on Tuesday, May 25.


Hindi lamang sa pag-awit kundi sa pag-arte rin nakilala ang sultry singer na si Malu Barry. Ayon sa report ng Startalk kahapon, May 22, it was the late director Lino Brocka who discovered her acting ability.

TRAGIC ACCIDENT. Noong late '90s pa ito at matagal nang wala sa sirkulasyon ng showbiz si Malu. Pero recently ay nagpakita siya uli sa publiko para pag-usapan ang trahedyang nangyari sa panganay niyang anak na si Charles Louis. Si Charles ay naka-confine ngayon sa isang ospital sa Cebu nang masagasaan ito ng isang van last February.

Ang sabi ni Malu sa Startalk, "Nasa hospital pa rin hanggang ngayon. Tatlong buwan na mahigit, at hanggang ngayon comatose pa rin. Ngayon nasa kuwarto na. May konting pandinig, pero walang reaction sa mata, wala lahat. Meron lang yung kanang kamay niya, meron lang konting kilos, movement, pero hindi maganda ang lagay niya."

Halinhinan daw sila kung bantayan ang anak.

"Twenty-four hours kasi kailangang may nagbabantay sa kanya. Kasi dito na sa tiyan yung tubo, dun na siya kumakain. Kasi meron na siyang tubo sa leeg."

Noong February 3 nitong taon, si Charles na nakabase sa Cebu ay nasagasaan ng isang Pregio van at tumama raw ang ulo nito sa windshield. Ang masaklap ay wala man lang daw kahit anong tulong na ibinibigay ang nakadisgrasya sa kanya.

Sabi ni Malu, "Ang sabi ko naman, bakit kailangang ikaso pa? Sana tulungan na lang kasi. Hindi naman lagnat ito na tatlong araw, apat na araw sa hospital, okay na. This is comatose. Months and years ang binibilang dito.

"So, talagang sana, kahit man lang yung gamot, kasi talagang mabigat na, e. Tulungan na lang sana. Pero ayaw talaga nilang tumulong kaya nagkakaso na lang. Ang akin, kung sa inyo nangyari ito, mabigat talaga.

"Hindi n'yo lang nararamdaman kung ano ang nararamdaman ko. Sobrang bigat ho nito, talagang nangyari sa anak ko, makunsensiya naman kayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BENEFIT SHOWS. Aminado ang singer na mabigat na talaga ang situwasyon nila financially kaya nagsimula na siyang mangalap ng pondo sa pamamagitan ng mga benefit shows.

Ang kaibigang singer at bar owner na si Richard Merck ang isa sa tumulong sa kanya.

"Si Richard Merck, inimbitahan niya ako para gamitin ang bar niya sa Greenbelt para magkaroon ng fundraising show. So, nagkaroon kami at magkakaroon kaming muli sa May 25."

Ang Merk's Bar Bistro ni Richard ay nasa Greenbelt 3, Ayala Center, Makati City.

Umaasa si Malu na maililipat niya mula sa Cebu ang anak sa isang ospital sa Manila para mas matutukan niya raw ito.

"Hirap na rin ako yung pabalik-balik. Pero pinag-aaralan pa ng mga doctors niya kung puwede ngang ilipad at isakay sa eroplano."

Sa huli, sinabi ni Malu, "Tumayo lang siya dun sa kama, okey na ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN