Geneva Cruz reveals heartbreaking loss of two babies during marriage with KC Montero

The singer made the painful revelation on yesterday's Startalk: "I miscarried and then it was really hard. Well, you know kasi, I don't talk all the time. Napakahirap din sa akin as a woman to lose a baby lalo na kung six months old na. KC [inset] and I have been through so much and then, the baby died. My little KC."


Live guest ng Startalk kahapon, May 22, si Geneva Cruz. Pero bago ang live interview, may mga VTR interviews and messages na ipinakita muna sa screen. Ilan sa mga ito ay ang short interview ng Startalk sa hiwalay na asawa niyang si KC Montero, at ang voice messages ng ex-husband na si Paco Arespacochaga at ang anak nilang si Heaven.

Nakausap din ng Startalk through VTR ang mga pinsan ni Geneva na sina Sheryl Cruz at Donna Cruz.

Pagkatapos bumati, tinanong ng host na si Ricky Lo si Geneva kung ano ang reaction nito sa mga mensahe ng tatlong lalaki sa buhay niya, sina KC, Paco at Heaven.

Kay Paco, ipinarating ni Geneva, "Enrico, thank you very for the wonderful message. And maraming salamat na itong mga oras na 'to, nandiyan ka for our son. And thank you also, of course, Tiny, ang kanyang mabuting maybahay dahil sa ngayon, I think Heaven, dapat nasa place siya na stable ang family dahil lumaki siya nang ganun, e.

"I just want all the happiness for my son. And yes, it's true, everything is for Heaven."

A GLIMPSE OF HEAVEN. Napansin ni Ricky na naiyak si Geneva nang makita at marinig ang anak.

"Yeah, it's hard. I always cry kasi kumbaga, simula noong baby 'yan, nasa tiyan ko hanggang sa lumaki siya, sinasabi niya sa akin lahat ng mga problema niya, lahat ng mga hinanakit niya.

"Like for example, nanggaling siya ng States and then lumipat siya rito. He was very sad. And then, umuuwi 'yan galing sa eskuwela, sasabihin niya, 'Mommy, I don't like it here.' Iba ang ekuwela kasi run. Parang nandun lahat ng mga kaibigan niya. So, sinabi niya sa akin na, 'Mom, I really would like to go back to America and stay there again.' So, pinapili ko siya kung saan niya gusto at sinabi niya, sa daddy niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay ang relationship nina Geneva and KC kahit naghiwalay na sila, kaya nagtataka si Ricky kung bakit napaluha pa rin si Geneva habang pinapanood ito.

"Actually, yung kay KC, ano yun, we're really good friends. Hindi dahil punong-puno ng drama ang paghihiwalay namin, it doesn't mean na hindi importante sa buhay namin itong nangyari. Importante kami para sa isa't isa and para kay Heaven.

"Pero, mind you, Tito, it was Heaven who told me na, 'Mom, I guess, you and Dad should talk about everything already.' It was my son who told me. So, sabi niya, 'It would be best for the family. I just want everyone to be at peace.'"

STILL FRIENDS WITH KC. Paano nila ni KC na-maintain ang magandang relationship nila?

"You know, life is too short to waste, e. Kaya lang, ako kasi yung tipo ng tao... yung tipo ng babae na kapag nagmahal, I gave my all, pero kapag nasaktan din ako, iba... alam mo yung ganun.

"This is really hard for me to be here. To be sitting here and you know the people... all they do is judge. I'm talking about some people like they know who I am. Quite frankly, they don't know anything about me and what I've gone through in my life. But I'm strong, very, very strong and very, very happy. Not joyful but happy with my life," pahayag ni Geneva habang di mapigilan ang pagluha.

Who really initiated the breakup between her and KC?

"Well, we've never spoken about this but ang tagal na kasi, Tito. I came back here 2008 and it was I who actually told him. Sabi ko, 'We grew apart.'"

No third party was involved?

"Hindi... And you know what? I'm the type of woman kasi who would never say anything bad about the people na naging malaking bahagi ng buhay ko at hanggang ngayon bahagi pa rin ng buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Look at Paco and I, we have a great friendship."

HIDDEN HEARTBREAK. Six years ding kasal sina Geneva at KC. Pero sa loob ng panahon na yun, hindi sila nagkaroon ng anak. Ricky asked kung sinadya raw ba nila yun?

"Ay, no, to tell you frankly, we lost two babies. I miscarried and then it was really hard," rebelasyon niya sa pagitan ng pag-iyak. "Well, you know kasi, I don't talk all the time. But, I know, I grew up in show business, hindi ko matatakasan, bahagi 'to, mahal na mahal ko ang trabaho ko. Napakahirap din sa akin as a woman to lose a baby lalo na kung six months old na.

"KC and I have been through so much and then, the baby died. My little KC."

Dugtong pa niya, "And yes, you're talking about being strong, yes, I'm strong. I'm actually very strong but I'm not perfect but who is, you know. I'm just a human being, I make mistakes. And KC made mistakes. Paco made mistakes. But life is short. I can't hate people forever. I tend to love everyone. Wala akong... I don't hate people, e. Hindi ko dyina-judge ang mga tao base sa mga kuwento ng ibang tao patungkol sa kanila. Hindi ako ganun."

After two failed marriages, may phobia na ba raw si Geneva sa pakikipagrelasyon or pag-aasawa?

"You know, it doesn't really sound right, but I still believe in happily-ever-after. But I know that there are a lot of single mothers out there. They're gonna be fine, you know, as long as magdasal ka. Magdasal kayo. As long as nandiyan ang mga anak n'yo sa inyo, you'll be fine.

"Kasi ako, kahit napakarami nang nangyari, Tito, napakabait ng Diyos sa akin. At siyempre, gusto ko rin na magandang buhay si Paco. Masayang-masaya 'ko na may anak na siya at masaya siya sa marriage niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana rin si KC, I just really hope and pray that he will find someone to love for the rest of his life because he deserves it."

BASELESS INTRIGUE. Hindi na pinalamapas ni Ricky na pag-usapan ang diumano'y isyu between Geneva and her cousin Sheryl. Pareho raw silang nag-guest sa Sweet Life, pero di daw sila nagpansinan.

"Actually when I saw her, she was cooking. May episode kasi sila Lucy [Torres-Gomez] na nagluluto sila. When I saw her, tinuro siya sa akin nung aking P.A. Tapos sabi ko, 'Ah, nandun si Ate Sheryl.' So, every time I see her, Tito, mind you, palagi akong naghe-hello, palagi akong humahalik.

"Wala kaming isyu ni Ate Sheryl. I was studying my song. Kasi, yung Hannah Montana song na yun, hindi ko masyadong alam. So, I was really ano... nakalimutan ko ang lyrics, so, wala talagang isyu. Kasi nga minsan, Tito, nakakainis, wala namang isyu, ginagawan ng isyu. Ako naman, sinasabi ko naman ang totoo, Tito. Simula noong mga oras kay Paco, nag-promise ako na next time talaga, 'I will never, never lie to you.'"

Sa huli, nag-promote si Geneva ng kanyang bagong album kunsaan going back to her roots daw siya, all love songs, some of which siya mismo ang nagsulat. Meron din siyang palabas sa Meralco Theater from June 20 to July 20, ang Legally Blonde, The Musical with Nikki Gil, where she will play an aerobics instructor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN