Teen group Pop Girls being eyed for TV series à la Glee

Viva's Pop Girls are busting out all over the place. They've just released a 13-track album, they sing and dance on Party Pilipinas, endorse a feminine hygiene product, and may soon be acting in a musical series. The one-named teen talents from left to right are Lar, Schai, Nadine, Rose and Mar.


Overwhelmed ang Viva Entertainment all-girl teen group na Pop Girls sa dami ng blessings na dumarating sa kanila ngayon. Pagkatapos lumabas ang kanilang debut album under Viva Records ay naging regular performers na sila sa GMA-7 Sunday variety show na Party Pilipinas. And recently, sila ang napili ng Sisters feminine napkin and partyliners na maging endorsers.

Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Pop Girls sa presscon na inihanda ng Sisters para sa kanila sa City Best restaurant sa Tomas Morato, Quezon City last Friday, May 21.

"Nagugulat po kami dahil ang daming opportunities na dumarating sa amin. But of course we're very happy and thankful," halos sabay-sabay na sabi ng Pop Girls, na binubuo nina Schai (15 years old), Nadine (16), Rose (14) at twins Lai at Mar (17).

PARTY PILIPINAS THRILLS. Masaya ang Pop Girls dahil napasama nga sila sa Party Pilipinas.

"Happy po kami kasi naipapakita po namin yung talent namin sa singing at dancing sa Party Pilipinas," sabi ni Shai.

Ano ang nae-enjoy nila sa Party Pilipinas?

"Siyempre yung bonding po sa lahat po. Siyempre po sa rehearsals po mas nakikilala po namin yung ibang kasama namin sa show. Kasi po dati, sa TV lang po namin sila nakikita. Now nakakasama na namin sila. Mababait po sila sa amin. Parang lumalaki po yung pamilya namin at nagkakaroon kami ng mga bagong kaibigan," ani Lai.

Among the hosts and performers ng show, ang StarStruck V group daw na kinabibilangan nina Steven Silva, Enzo Pineda, Rocco Nacino, Sarah Lahbati, Diva Montelaba at Nina Kodaka ang madali nilang nakasundo dahil pare-pareho silang mga baguhan sa show.

Ang isang experience daw na di nila makakalimutan ay ang makasama nila sa isang production number si Regine Velasquez.

"Wow! Siyempre po, Regine Velasquez na po siya, Asia's Songbird. Kahit noong S.O.P. pa lang po. Kumbaga ang taas na ng level niya tapos kami baguhan pa lang, pero pumayag siyang nakasama kami sa song number. It's really a big honor for us. Super thankful po talaga kami sa mga hosts and staff ng Party Pilipinas," wika ni Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong din ng PEP sa kanila kung naapektuhan ba sila sa pag-resign ng Party Pilipinas director na si Louie Ignacio at ang pagpalit ng director ng show.

"Nagulat lang po kami nung malaman namin yun. Hindi naman po kami masyadong apektado kasi siguro bago pa lang po kami sa show. Sa amin naman po kung sino man ang maging direktor ng Party Pilipinas susundin lang po namin kung ano man ang instructions na ibinibigay sa amin," sabi ni Schai.

CELEBRITY ENDORSERS. Malaki ang pasalamat nila sa Party Pilipinas dahil nakakakuha sila ng product endorsement sa pamamagitan ng exposure nila sa show.

"Siyempre po dahil regular po kami doon kaya meron po kaming regular apperance and exposure. It's a big thing for us and helps our group to get other opportunities like endorsing a product," ani Rose.

Ano sa tingin nila ang reason at kinuha sila ng Sisters?

"Ang image po kasi namin we're fresh, we're new, we're young and wholesome. Ang Sisters kasi meant for young girls like us. It is fit for daily use," sabi ni Mar.

Nilinaw naman ng owner ng Sisters napkin na si Aileen Go during the presscon na hindi nila pinalitan si Maja Salvador bilang endorser. Bagkus ay nadagdagan lang daw ang set of endorsers nila sa pagpasok ng Pop Girls.

Nakikiisa ang Pop Girls sa effort ng Sisters napkin to promote positive moral values at success ethics sa mga kabataan.

Namigay nga ng certificates of recognition, cash prizes at gifts ang Sisters sa mga exemplary youth achievers sa high school.

NO TO BOYFRIENDS. Sa ngayon daw bawal muna sa kanila ang makipag-boyfriend dahil gusto nilang mag-concentrate para mas sumikat pa ang group nila. Mga bata pa naman daw sila kaya hindi naman kailangan magmadali na magkaroon ng lovelife.

"Puwede naman po kaming makipagkaibigan sa boys pero yun nga po, wala munang relationship. Kinausap din po kami nina Boss Vic [del Rosario, Viva big boss] na career first," sabi ni Mar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyempre hindi rin maiwasan na magkaroon sila ng crushes sa mga actors sa showbiz. Noong una nga ay nahihiya pang sumagot ang Pop Girls pero napilit din sila ng mga press. Lai likes Aljur Abrenica, Shai goes for AJ Perez, Rico Blanco naman para kay Nadine, Richard Gutierrez for Rose, at Rocco Nacino para kay Mar.

ACTING PROJECT. Tuluy-tuloy pa rin ang pagsikat ng Pop Girls after nilang mai-release ang kanilang 13-track debut album produced by renowned international producers Christian de Walden at Marcus Davis. Pero bukod sa singing, dancing and endorsements, malapit na rin daw sumabak sa acting ang Pop Girls.

"Ang sabi po sa amin makakasama raw po kami sa isang soap na parang Glee po siya na musical. Hopefully po matuloy talaga. Excited po kami dahil bagong experience na naman po ito para sa group namin para makita ng mga tao na may iba pa kaming kayang gawin," sabi ni Nadine.

Package deal ba sila na kailangan in any project ay magkakasama kunin?

"Sa ngayon po kasi gusto po namin at saka gusto rin ng Viva na magkakasama muna kami and we work as a group muna," paliwanag ni Schai.

Dagdag pa ni Lai, "Siyempre po, gusto muna naming i-promote ang pagiging grupo namin and siguro po pag established na yung grupo, darating din yung time na we can do solo projects also. But it doesn't mean na maghihiwalay na kami as a group. Basta ngayon po grupo po muna kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN