Sexy star Ynez Veneracion and Maguindanao Gov. Toto Mangudadatu caught "dating"

"To be clear, friends lang kami ni Gov. Wala namang masama dahil single ako at single din si Gov. We're getting to know one another pa," says Ynez Veneracion about her relationship with Maguindanao governor Esmael Mangudadatu.


Ang dating sexy actress na si Ynez Veneracion ang nababalitang dine-date ngayon ng governor-elect ng Maguindanao na si Esmael "Toto" Mangudadatu.

Aksidenteng nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng crew ng Showbiz Central si Ynez kasama si Gov. Mangudadatu sa isang restaurant sa Serendra, sa Bonifacio High Street, The Fort noong nakaraang Wednesday, May 19.

Noong una ay hindi pa namin matukoy kung sino ang lalakeng kasama ni Ynez sa loob ng isang restaurant. Hanggang sa ihatid siya nito sa sakayan niyang kotse at nalaman nga namin na si Gov. Mangudadatu pala ang kanyang kasama.

IT ALL STARTED IN THE CAMPAIGN. Nahihiya pa noong una na magpa-interview ang dalawa, pero hindi naman nagtagal ay pumayag din sila. Ayon sa kuwento ni Ynez, nakilala niya si Gov. Mangudadatu noong mag-campaign siya para rito sa Maguindanao. At first daw ay nagdalawang-isip si Ynez dahil alam niyang delikado sa Maguindanao.

"Tatanggi sana ako kasi nga Maguindanao, di ba? Baka kung ano pa ang mangyari during the campaign. Akala ko nga, siya yung Ampatuan. Pero kinorek ako. Isa pala siya sa mga naapi at humingi ng hustiya laban sa pamilyang 'yon.

"E, one month ang hinihingi nila sa akin na mag-campaign. Naisip ko na sayang din ang kikitain ko. Isang buwan din 'yon at poprotektahan naman daw kami. Magiging safe kami doon kaya pumayag na ako," kuwento ni Ynez.

Sa duration ng campaign ay mas nakilala raw niya si Gov. Mangudadatu. Marami raw naikuwento sa kanya ito lalo na noong mabiyudo ito.

"Sa unang tingin, akala ko masungit siya," sabi ni Ynez. "Mukha kasi siyang galit parati. Pero noong makausap ko na siya at nakita kong ngumingiti siya, mabait naman pala siya. Nakausap ko rin ang staff niya at sinasabi nga nila na sobrang bait ang taong ito.

"Naawa nga ako nang magkuwento na siya tungkol sa asawa niya. Lalo akong nagpursige na ikampanya siya at dinasal ko talaga na manalo siya sa eleksyon. Noong siya nga ang manalo, natuwa ako kasi nga vindicated siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ang asawa noon ni Gov. Mangudadatu, na noo'y vice mayor pa lang ng Buluan, na si Genalyn Tiamson-Mangudadatu at tatlo niyang kapatid na babae sa mga pinaslang sa Maguindanao massacre noong November 23, 2009.


GOING OUT, BUT NOT DATING. Nililinaw ni Ynez na lumalabas lang sila ni Gov. Mangudadatu at hindi naman daw masasabing nagde-date sila.

"Date ba 'yon, e, kasama ko ang mommy ko? Ang tanda ko naman na para magkaroon ng chaperone, di ba?" malakas na tawa ni Ynez.

Dagdag niya, "Nagkataon lang ito na wala akong ginagawa at nasa Manila nga si Gov. Tinawagan niya ako kung gusto ko bang mag-dinner sa labas. Okay lang kasi kasama ko ang mommy ko. Balak din namin lumabas din.

"Dyusko, paminsan-minsan na nga lang ako lumalabas, nagkataon pa nahuli n'yo pa ako at siya pa ang kasama ko! Pero to be clear, friends lang kami ni Gov. Wala namang masama dahil single ako at single din si Gov. We're getting to know one another pa."

Nang tanungin nga namin si Gov. Mangudadatu, natutuwa raw siya kay Ynez dahil noong panahon ng kampanya sa Maguindanao, pinasaya raw siya nito.

"Bukod sa maganda at sexy, mabait si Ynez. Pinasaya niya kaming lahat noong campaign sa Maguindanao. Naramdaman ko ang suporta niya sa akin at talagang naging malaking tulong siya sa aming lahat," nakangiting sagot ng gobernador.

May balak ba siyang ligawan si Ynez?

"Magkaibigan naman kami ni Ynez, e. Doon muna tayo. Hindi naman ako nagmamadali," sagot ni Gov. Mangudadatu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN