GMA-7 releases statement on Jhake Vargas-Andoy Ranay issue

"Mr. Ranay has apologized for his actions. GMA program executives are ready to mediate in a scheduled meeting between the parties," says part of the brief statement given by the network last Friday, May 28. The controversy stems from the supposedly over-the-top bawling out Jhake Vargas (right) received from Direk Andoy (left), prompting manager German Moreno to rush to the set and confront the director.


Naging laman ng halos lahat ng babasahin ang diumano'y naganap sa pagitan nina Andoy Ranay, director ng First Time, at Jhake Vargas, isa sa lead cast ng Kapuso series. Ayon sa mga report, nagalit daw si Direk Andoy kay Jhake dahil sa hindi nito makuha ang eksenang ipinapagawa.

Sa galit daw ni Direk, nakapagbitiw ito ng masasakit at hindi magagandang salita sa batang aktor. Noong araw na iyon, May 11, kasama ni Jhake ang kanyang ama sa taping at di nagustuhan ng huli ang ginawa sa anak.

Si German Moreno na tumatayong manager ni Jhake ay napasugod daw sa taping ng araw ding iyon at pinagsabihan ang direktor na hindi dapat ganoon ang trato sa mga artista.

Lumabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, May 27, na may planong idemanda ng kampo ni Jhake (meaning ang kanyang ama) si Direk Andoy. Ito ay base sa salaysay ng isa pang tumatayong manager ni Jhake na si Tom Adrales. (CLICK HERE for related story.)

Pero ayon sa Startalk kahapon, May 29, kung ang pagbabasehan daw ay ang source sa GMA-7, wala raw planong maghain ng legal action ang ama ni Jhake or even si Kuya Germs laban kay Direk Andoy.

Naglabas ng official statement ang GMA-7 noong Friday, May 28, kaugnay ng naturang insidente na ipinakita ng Startalk kahapon.

Ang nilalaman ng official statement ay:

"The network has inquired into the incident involving Jhake Vargas, manager German Moreno, and Direk Andoy Ranay. Mr. Ranay has apologized for his actions. GMA program executives are ready to mediate in a scheduled meeting between the parties. GMA Network will not tolerate improper and inappropriate actions by its employees and talents."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN